Chapter 25 - Past

2.7K 37 4
                                    

👻👻

"Weeehhhh???" Pang aasar ko kay JC


Pero siya nakatingala lang at walang ka emo emosyon. Lakas maka drama neto ah.


"Alam ko ang bagay na yan. Dahil may ganyan ako dati, ako mismo gumawa para samin ng bestfriend kong babae"


Pagkasabi niya yun. Umupo siya ulit sabay lingon saakin. Nakakakilabot ang tingin niya dahil walang emosyon. Kung dati panay ang ngiti. Ngayon naman parang walang balak ngumiti. Ano naman kayang drama neto.


"Bestfriend mong babae?" Nagtatakang tanong ko.


Nagnod naman siya bilang tugon at nagpilit ng ngiti.


"Malapit na ang birthday non ng bestfriend ko kaya naisipan kong gumawa ng regalo para sakanya. Hanggang sa yan ang maisip ko, isang bracelet at may nakasulat na combined name namin." Mahabang paliwanag niya at ako nanatiling walang imik.

"Pero hindi nagtagal ang bracelet na yan sakanya." Sabi niya at nag pekeng tawa.


Kasabay nun ang pagyuko niya at nakita kung tila may tumulong tubig sa sahig kaya nataranta ako. Umiiyak ba siya? Hala. Seryoso nga siya. Tatayo na sana ako ng bigla ulit siyang nagsalita.


"Akala ko sobrang saya na ng bestfriend ko non dahil yung sampong taon niyang naghintay sa Dad niya ay dumating noong mismong birthday niya. Ang yaya niya, her step-mom, her dad. And even her friends, kami. Kaming mga kaibigan niya. Kaming mg minamahal niya ay andoon mismo sa birthday niya. Ramdam ko ang saya ng bestfriend ko nun." Pagsabi niya yun, pinahid niya ang luha niya sa mga mata niya at bumuntong hininga.

"Mga bata pa kami nun kaya ang tigas ng mga ulo namin. Okey naman kami sa playground noon, kung bakit ba naman lumipat kami sa gitna ng kalsada at doon kami naglaro ng lobo" kwento niya.

"Bakit nong nangyari?" Tanong ko sakanya.


Bumuntong hininga siya sabay salita ulit.


"Sabay sabay kaming tatlong nabunggo. At yung isa nabawian ng buhay, step-brother ng bestfriend ko" paliwanag niya.

"Eh kayo ng bestfriend mo?" Tanong ko ulit.

"Critical ang kalagayan niya nun. 9 months siyang nakatulog at paggising niya, nabura ang mga ala ala niya" sagot naman niya at yumuko ulit.

"Nagpapasalamat naman ako dahil nabura ng ala ala niya. Alam kong nakahinga ng utak ng bestfriend ko that time. Alam kong nawala lahat ng ala ala niya sa mga mamasakit na pangyayari sa buhay niya noon. Atleast, sa 9 months na pagtulog niya. Nagising siya na parang wala lang. Nagising siya na hindi alam lahat ng nangyari sakaniya." Kwento niya.

"Ang masakit pa nun. Nawala ang bracelet na yun sakanya, dapat paggising niya nun nasa kanya parin yung bracelet para man lang maalala ako. Pero nawala, kaya pinahanap ko ng ilang linggo. And good thing nahanap namn nila at nasa tapat lang ng bahay nila ang bracelet na yun. Kaya itinago ko muna."


Nanatili akong tahimik at pinapakinggan ng mga kwento niya. Napatingin ako sa bracelet na yun at parang familiar ang bracelet na ito. Pati yung kwintas, siguro suot to ni Lola non kaya familiar.

Jaycee POV

Ngayon lang ako nagsinungaling ng ganito sayo Bestfriend. Pero sana after mong malaman ang totoong nangyari, mapatawad mo kaming lahat. Sana mapatawad mo ako Bestfriend. Kailangan ko lang tong gawin para makaalala ulit.

Ayoko namang pwersahin ka dahil nakakaramdam ka ng dakit kapag may naaalala ka. Totoo laht ng kwenento ko, nahanap ko ang bracelet na yun sa may labas ng bahay nila. Don siguro nahulog noong nabangga kami. Grabe yung nangyari saamin noon.

Nagising ako non dahil sa sobrang ingay. Nagulat ako sa mga nakita ko non dahil sobrang dami ng tao at nag iingayang mga sasakyan, nagiiyakan at nagsisigawan. Hindi ko alam kung anong nangyayari noon. May mga bata pang nagiiyakan, yun yong mga kalaro ko noon.

Kinawayan ko sila noon kaya lumapit sila. Pero laking gulat ko ng nilagpasan lang nila ako at ang masaklap pa don ay ang pagtagos ng katawan nila sa katawan ko. Gulat na gulat talaga ako non. Hanggang sa may narinig akong isang sigaw na tila umiiyak, at yun ay ang step-mom ng bestfriend ko.

Hindi ko alam kung bakit siya nakaluhod na umiiyak. Hanggang sa nakita ko kung sino ang iniiyakan niya, bigla na lang akong naluha non ng makita ko si Ashton na nakahandusay sa sahig at duguan. Bigla ko na lang naalala ang lahat that time.

Yung paglabas namin ng bahay at paglaro ng lobo sa may kalsada. At ang pagbunggo namin, kaya pala tumatagos ang mga katawan nila sa katawan ko. Natauhan ako non at nilingon ko ang likuran ko. Doon ko na lang napagtanto na nakahiga na pal ang katawan ko at puro dugo rin. Habang iniiyakan ako ni Mommy.

Umiyak ako ng pagkalakas lakas non at pilit yumayakap kay Mommy pero wala, tumatagos lang ang katawan ko. Naisip ko non na isa na pala akong kaluluwa. Ganun din ang bestfriend ko, nakahandusay at puno ng dugo.

Hanggang sa idala sa hospital ang mga katawan namin non. Andon lang ako sumusubaybay sa mga nangyayari. Hanggang sa sabihin nilang patay na si Ashton at under coma si Cein. Bata pa lang ako non pero naguguluhan na ako sa mga nagyayari. At wala ng natirang kaibigan ang Bestfriend ko. Dahil pati ako nabawian narin ng buhay at isa na lang akong kaluluwa ngayon.

To be continue.....

**

HIHI. NO EDIT!!
Fb: Howlers WP

Show Me Your Soul (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt