Chapter 36 - Last Hug

2.5K 37 2
                                    

👻👻

Nasa may Bench lang kami ni Jc sa may silong ng puno ng niyog. Hinihintay namin ang paglubog ng araw. Matagal tagal pa kasi 2:50pm pa lang. At heto ngayon si JC magkahawak kami ng kamay habang siya naka sandal ang ulo niya sa balikat ko. Ayaw niya akong bitawan. Dahil mamimiss daw niya itong moment na ito.

Flashback

"Anong ibig mong sabihin?" Natanong ko na lang sakanya.


Bumuntong hininga siya. Yung malakas na tibok ng puso ko kanina nadoble pa yun. Grabe bigla kasi akong kinabahan sa mga sinabi ni Jc. At hindi ako sanay na ganito siya umasta ngayon. Napaka seryoso niyang magsalita. Ibig sabihin seryoso siya sa mga sinasabi niya.


"Tss. Wala. Hahaha tara doon umupo." Natatawang sabi niya at itinuro ang isang upuan sa may tabi ng niyog.


Nawala ang kaba ko dahil doon. Pero agad din yun nabalik ng hawakan ni JC ang kamay ko na parang mag syota na kami sa lagay namin ngayon kaya napaangat ako ng ulo at ngiti niya ang bumungad saakin. Magsasalita na sana ako ng maunahan niya ako.


"Hahawakan ko lang. Gusto ko lang maranasan ang holding hands. Tapos mag bestfriend naman tayo. Parang hindi naman natin to gina----AH. PARANG HINDI NAMAN TAYO MAG BESTFRIEND EH." medyo nalito ako don.

"Baliw ka." Nasabi ko na lang at sinabayan ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.


Show Me Your Soul (COMPLETED)Where stories live. Discover now