Chapter 40 - Sabunot

2.4K 29 1
                                    

👻👻

Tinignan ko lahat ng picture namin mula una. At yung kabang naramdaman ko ay dumoble pa yun nong nakita ko ang mga picture namin na tila naglalaho si Jc doon. Para siyang may mga usok usok. Tinignan ko rin ang mga nauna naming picture at nabitawan ko ang phone ko dahil sa gulat.



"Ba-ba....bakit...wala siya don?!" Nabubulol na tugon ko sa sarili.



Totoo, wala siya don sa picture namin. Wala akong kasama doon. At ang picture na yun ay yun yung una naming pagkikita at pagsasama sa may Ferries Wheel. Naalala ko pa yun dahil don ko siya unang nasungitan at naging kaibigan at the same time.


(Chapter 7 yun guysue)


Alam na alam ko ang bawat litrato naming dalawa dahil nag separate ako ng Album para saaming dalawa. And then boom! Bigla na lang ganun. Lahat lahat ng picture naming dalawa ay tila nabubura kay Jc samantalang ang akin ay hindi naman.



"Huy!" Gulat ng kung sino kaya napasigaw ako.

"AY BAKULAW!" Nasigaw ko at bigla kaming pinagalitan ng Librarian.

"Kayong dalawa! Umalis kayo dito!" Sigaw ng teacher na yun at halos pagtinginan kami ng lahat ng andito sa Lib.



Kaya dali dali kong kinuha ang mga gamit ko at lumabas doon. Now, I'm fvcking pissed off! What the hell is he doing?! Nawala ang concentration ko dahil sa ugok na yun. Ang sakit na nga ng ulo ko kaka isip ng mga bagay bagay tapos gugulatin pako non. Pano na kaya kapag may sakit ako sa puso o hika, edi tigok agad?!



"Masakit na paa ko hintayin mo ako." Sabi ng kung sino. Kilala ko ito eh!

Lumingon ako sakanya at nagsalita. "Bahala ka diyan! Che!" Pagsusungit ko sakanya at ipinag patuloy ang paglalakad.



Hanggang sa makarating ako ng garden na inaakala kong wala na siya pero paglingon ko sa likod ko, andoon parin siya at ngiting ngiti. Bigla ko tuloy naalala si Jc ang bestfriend ko. Asan na ba yun? Hindi niya ako sinundo kanina tapos wala din siya dito sa school.


Asan ka na ba Jaycee?



"Kakausapin lang kita about sa gagawin nating project." Sabi ni Alec. Umupo ako at nag cross arm, "go." Tipid na sagot ko.

"Okey, ummm." Pagsisimula niya. Hindi ko siya tinitignan at tanging pakikinig lang ang maiibigay ko sakanya ngayon.

"Doon natin sa bahay yun gagawin dahil kompleto ang kagamitan doon. At mamayang gabi na natin yun sisimulan, susunduin na lang kita." Sabi niya at umalis na.



Wow ha? Umalis na lang siya basta basta. Edi doon sa bahay nila, wala akong magagawa.


**


"Okey class, Goodbye." Pamamaalam ng last teacher namin. Sa wakas ay uwian na, tumutunog tunog kasi tong tiyan ko dahil sa gutom ih. Madami na ring naglalabasang studyante kaya lumabas na rin ako.

"Ayan siya oh!" Sigaw ng kung sino kaya napatigil at tumahimik ang paligid.



Hanggang sa napansin kong saakin sila nakatingin, as in Lahat sila. Hindi ko magawang kumilos dahil sa gulat. Bigla na lang may humablot sa bag ko at nakita ko ang babaeng kasa-kasama ni....ni Bety?

Kaya bumalik ang tingin ko sa kaharap ko ngayon na si Bety na ang taray kung tumingin saakin. Tinignan ko naman ang kabuuan niya, seriously? Si bety yan? Bat ang jejemon pumorma. Ang kapal ng make up tapos ang colorful ng suot.



"WALANG HIYA KA!" biglaang sigaw niya at agad akong nilapitan sabay sabunot. "Aray! Ano ba?!" Sabi ko kasi hindi ko alam ang nangyayari. Wala naman akong natatandaan na may ginawa ako sa kanyang mali para sabunutan ako ulit ng ganito.

"ANG LAKAS NG LOOB MONG GUMANTI HA! PORKET BA HINDI KANA MANANG?! HINDI KANA NERD!" sigaw saakin ni Betty at sa wakas binitawan na niya ang pagsabunot saakin. Pero may isang bagay lang ang hindi ko maintindihan.

"Gumanti?" Nalilitong tanong ko. Kaya ba ganyan ang itsura niya dahil sa tingin niya ay gumanti ako? "Nagmamaang maangan ka pa ha!" Sigaw ulit ni Betty at sinabunutan ako. Sige lang, ipagpatuloy mo lang yan. Hindi ko alam ang sinasabi niya kaya hindi ako gumaganti ng sabunot sakanya.

Hanggang sa bitawan niya ulit ito at nagsalita. "Kaya hate na hate ka ni tita jeany mula nong bata ka eh. Kasi wala kang saysay! Puro ka yabang!" Sabi niya na nakapagpatigil saakin.


"Ang amo niyang ti Mrs. Jeanyy." Naalala ko pa ang sinabi ni Xander.

"From: Mrs Jeanyy." Yung sulat.



"Anong sabi mo? Jeanyy?" Tanong ko sakanya pero hindi niya ako sinagot at sinabunutan ulit ako. Hindi ko magawang kumilos kahit na ang sakit na ng ulo ko dahil sa taong yun. Lahat sila yun ang binabanggit.


Ano bang nangyayari.


To be continue......

**

Fb: Howlers WP

Show Me Your Soul (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon