Chapter 9: Grand Entrance

3.8K 51 0
                                    

👻👻

"Mag selfie ulit tayo!" Biglang salita ni JC habang nakangiti at parang nae excite.

"Alam mo ang hilig mo talagang mag selfie nu?" Tugon ko habang kinukuha yung phone ko sa bag.


Wala siyang cellphone pero ang hilig hilig niyang magselfie. Tapos kapag sinasabi kong iya upload ko magugulat siya at sasabihin niyang huwag ko daw ipost. Tapos gusto niya ako lang yung nakahawak sa cellphone ko kapag nag seselfie kami. Ang dami niyang arte.

Pero parang nangyari na din to eh. Diko lang alam kung kailan? O baka naman panaginip lang.

Nagselfie naman kami, at tinignan ko ang gallery ko at grabe ang dami na naming selfie dito lalo na sa star city. Nakakahiya nga lang kasi dahil lahat ng pictures namin ang laswa ng mukha ko. Tapos siya ang gwapo at may pakita dimples na malalim tapos nawawala yung mga mata niya.

**

Andito na ako sa bahay hinatid na ako ni JC. Magtatanghali na pala kay agad akong tumungo sa kwarto ko para magpalit. Bumaba na ako at dumiretyo ako sa kusina para magluto ng makakain ko. Habang nakaupo bigla na lang tumunog yung phone ko.

Unknown Number: Happy Lunch :)

Hala si kuya? 11:05 pa lang ah, excited?

Me: ??

Ilang sandali pa ay may nagtext nanaman nagreply na siguro siya. Pero pagtingin ko si Lola.

Lola: apo, pasensya na ha? Sa next week pa ako makakauwi. Nagkasakit kasi ako dito, hindi naman ako payagan ng mga tita at mga apo ko.

Si Lola nagkasakit?! Hala kawawa naman siya. Wala ako sa tabi niyang mag aalaga, kasi kapag andito si Lola ako yung umaalaga sakanya.

Me: Ganun po ba La. Ayos lang po basta po huwag niyo pong pababayaan sarili niyo diyan La. Wala ako diyan para mag alaga sayo La.

Hindi na ako nakatanggap pa ng reply ni Lola ganun na rin sa nagtetext saakin kaya tinuon ko na lang ang pansin ko sa sinasaing ko. Buti na lang tinuruan ako ni Lolang magluto, panu na lang kaya kapag hindi ako marunong edi mamamatay na ako dito sa bahay. Malayo naman ang palengke dito eh, sasakay pa ako ng jeep. Eh hindi naman ako pinapayagan ni lola na pumunta ng palengke mag isa kaya wala rin akong alam sa mga ganyan.

**

Nagising ako dahil sa alarm ng Cellphone ko kaya napabangon ako agad. Lunes nanaman, nakakatamad talaga kapag lunes. May grand entrance nanamang mangyayari saakin mamaya sa school. Kasa lunes kasi, nakapila na sila sa labas ng gate hanggang sa papasok ng school at tinatapunan ako ng kung ano ano.

Tumayo na ako at kinuha ang extra uniform ko sabay lagay sa bag ko. Alam ko na kasi mangyayari mamaya eh, kapag hindi ako ng dala ng extra ko edi ang lansa ko na kapag nagkaklase kami.

Bumaba na ako at sinimulan ko ng kumain. Dinamihan ko yung luto ko kagabi para may kakainin ako ngayon. Ganito na ako lagi simula nong umalis si Lola. Laging malamig ang kinakain ko, pumapayat na yata ako eh. Hayss

Pagkatapos kung kumain naglinis muna ako ng kusina bago ako umakyat ng kwarto ko para maligo na.

**

Palabas na ako ng bahay at kasalukuyan kong kinakandado ang pintuan at nang nakandado ko na ito, ibinulsa ko na yung susi sa bag ako pero paglingon ko sa likod para sa pumunta na ng gate, nang biglang may tao doon kaya nagulat ako.

"AY MULTO!" Gulat na tugon ko at siya naman natawa lang.

"Goodmorning Bestfriend!" Bati niya saakin at para siyang bata.

"Goodmorning Din. Ang hilig mo talagang manggulat no?" Sarcastic na sabi ko at nilagpasan lang siya habang dala ko ang bike ko.

"Sabay na tayo Pumasok. Tyaka wag ka ng magbike wala akong kasama niyan" naka pout sabi niya habang nakayuko.

Ang cute talaga niya. Ang sarap niya tirisin --__---

Agad ko naman binalik ang bike ko sa lalagayanan niya at hinila ko na si JC palabas ng bahay habang hawak ko ang braso niya. Malapit lang naman kasi yung school dito eh kaso lang mas sanay kasi akong magbike. Nakakangalay kasi kapag naglalakad lang pero okey na kasi may kasabay naman ako.

Parang bata lang kaming naglalakad, tumatalon talon pa kasi kami. Ang saya ko talaga kasi may kaibigan na ako. Akala ko forever loner ako, akala ko wala ng gustong makipag kaibigan saakin. Akala ko ayaw na lahat ng tao saakin. Pero nagkamali pala ako sa mga inaakala ko simula nong dumating si JC. Ang bait bait niya, alam mong sincere siya sa mga sinasabi niya at seryoso siya.

Hindi ko na namalayan na andito na pala kami sa tapat ng gate, napalingon naman ako dito sa katabi ko na nakatingin lang pala saakin.

"Heto nanaman sila" sabi niya saakin.

Alam niya din pala ang nangyayari saakin kada lunes. Bestfriend ko siya dapat ipagtanggol niya ako. Pero hindi eh, ayoko naman siyang ipahamak dahil lang saakin. Kaya mas mabuti nang magpaiwan muna ako dito sa labas.

"Mauuna kana" sabi ko at nagpilit ako ng ngiti.

"Sigurado ka ba?" Nag aalalang tanong niya saakin.

Tumango naman ako bilang tugon at nagsimula na siyang maglakad papasok ng school. Ako naman nakatingin lang sa mga estudyanteng nag aabang sa pag pasok ko.

To be continue.....

**

NO EDIT PO MUNA! HEHE

Show Me Your Soul (COMPLETED)Where stories live. Discover now