Chapter 31 - Hula

2.7K 28 0
                                    

👻👻

"Sakit sa dib-dib. Grabe." Tila pabulong niyang tugon.

"Meron ka ba nun?" Tanong ko sakanya.


Mula sa pagkakayuko niya ay agad siyang napaangat ng ulo sabay suntok sa may tiyan ko. Kaya natawa ulit ako.


"Gago. Gets ko yun." Sabi niya at uminom ulit ng tubig.

"Ako kasi hindi." Pang aasar ko pa.

"Psh. Baliw!" Sabi niya at nauuna ng maglakad.


Habang naglalakad kami papunta kung saan. Bigla na lang may tumawag sakanyang isang matanda. I think isa siyang manghuhula. May ganito rin pala dito sa Star City? Araw araw kami dito pero ngayon ko lang siya nakita. Siguro ngayon lang talaga siya dito.


"Gusto mo hulaan kita?" Tanong ng matanda sa bestfriend ko at napalingon naman saakin si Cein.

"Wala po akong pera eh. Pasen---Dahil bago lang ako dito, libre na muna. Ano gusto mo ba? Mabilis lang naman." Nakangiting sabi ng matandang manghuhula.

"Osi-sige po." Sagot naman ng bestfriend ko at naupo sa may harapan ng matanda.


Nanatili lang akong nakatayo sa may tabi nila. Hindi naman ako nakikita ng matanda kaya okey lang kung lumapit ako sakanila. Kinuha ng matanda ang kamay ni Shane at pumikit ang matanda bago magsimulang magsalita.



"Maganda ang kalalabasan ng future mo iha. Mahilig kang magsulat ng kwento, hindi ba?" Tanong ng matanda kay Shane.



Napansin ko namang tila napalaki ang mga mata ni Shane at lumingon saakin. Pero agad naman niyang ibinalik ang tingin sa matanda. Mabilis na tumango tango si Shane at nagsalita.



"Opo!" Gulat na sagot ni Shane.

"Pero bago mo mareach ang magandang future na yan. Madaming challenges ang hahantungan ng buhay mo." Pagpapatuloy ng matanda habang nakapikit ito.



Bigla na lang naiba ang timpla sa mukha ni Shane. Alam kong disappointed siya dahil doon.



"Ano pong ibig niyong sabihin?" Nagtatakang tanong ng bestfriend ko sa matanda.

"Tandaan mo Iha. Kapag may nawala. May dadating." Sagot ng matanda at binitawan ang kamay ni Shane.

"Ano po?" Tila naguguluhang tanong ni Shane. Maski ako naguluhan


Tumayo ang matanda at tumalikod saamin. Akala ko aalis na siya agad, pero nagsalita muli ang matanda.


Show Me Your Soul (COMPLETED)Where stories live. Discover now