Chapter 12: Birthday Gifts

3.2K 43 0
                                    

👻👻

Kaarawan ng alaga ko ngayon at kasalukuyan kaming nag aayos habang ang alaga ko kalaro niya ang childhood friend niyang si Rey at ang panganay na anak ni Jeanyviv na si Ashton. Nagpipilit lang ng ngiti si Cein ngayon dahil ang alam niya hindj makakadating ang papa niya. Syempre yun yong plano ng kanyang ama ang sorpresahin ang kanyang anak sa pagdating niya.

"Ya. Hindi pa ako tinatawagan ni Papa" malungkot na sabi niya saakin.

Lumapit naman ako sakanya at yumuko para mag kasing height lang kami.

"Baby. Tatawag din yun sayo. Tiwala lang" nakangiti kong paliwanag ko sakanya. Siya naman nakapout parin habang nakayuko. Ang cute cute talaga ng batang to.

**

"Anak, Magpalit kana doon magsisimula na tayo" sabi ni Jeany kay Cein.

Ang alaga ko naman nagulat sa inasal ng kanyang step-mom maski ako nagulat din. Ang bait niya yata ngayon? O baka naman plastik lang?

"Ya. Palitan mo na to ng damit. Magsisimula na tayo" nakangiting utos niya saakin. Plastik nga.

Alam na niya kasing babalik na dito ang asawa niya at dito na maninirahan kaya nagbabait baitan na. Takot ka rin pala eh! Pumasok na kami ng alaga ko sa kwarto niya at alam kong nagulat ang apo ko sa nakikita niya ngayon sa kanyang harapan.

Show Me Your Soul (COMPLETED)Where stories live. Discover now