Chapter 14 - Lost Memories

3.1K 43 0
                                    

👻👻

"Oo anak mo! Parehas kayong pabibo! Hindi mo man lang nilapitan ang anak natin kanina. At sa Cein na yan ka lang lumapit! Ano klase kang ama kay Ashton! Ha?!" Sigaw ulit ni Jeany.

"Tumigil kana! Hindi ka nakakatulong!" Tugon naman ni Amir at ramdam ang panggigigil.

"Kapag may nangyaring masama sa anak natin. Hindi ko na alam kung anong magagawa ko sa anak mong yan" pagbabanta ni Jeany sa kanyang asawa.


Tumayo agad si Amir papunta sa kanyang Asawa na si Jeany at nagsalita ito.


"Huwag na huwag mong sisisihin si Cein sa nangyari. Hindi porket may galit ka sa anak ko siya na ang sisisihin mo!" Sabi ni Amir habang nakahawak siya sa dalawang braso ni Jeany.


At laking gulat ni Jeany sa salitang narinig niya mula sa kanyang asawa.


"Oo alam ko! Alam na alam ko lahat ng ginagawa mo kay Cein mula pa noong umalis ako. Nagulat ka ba ? Pati rin ako nagulat sa mga ginagawa mo sakanya. Hindi yu nagagawa ni Grace sa anak niya, tapos ikaw gagawin mo lang yon sakanya?! Hindi mo siya anak o kadugo! Kaya wala ka dapat karapatan na saktan siya." Mahabang paliwanag ni Amir sa asawa.


Show Me Your Soul (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon