Chapter 6: Unknown Number

4.4K 61 0
                                    

👻👻

"Eh pasensya na apo. Gusto man kita isama kaso may pasok ka naman." Paliwanag ni Lola.

"Oh sige po La. Basta po umuwi kayo ng maaga bukas. Wala akong kasama dito sa bahay sige ka." Sabi ko.

"Haha. Ikaw talaga apo. Hindi kana bata, dapat maging masanay kang mag isa. Panu na lang kung mawawala na ako?" Sabi ni lola.

"La naman eh! Ano nanaman ba yang mga sinasabi niyo. Iiyak na ako dito bahala ka" tugon ko naman.


Si lola talaga, lagi niyang tinatanong saakin yun eh. Kala mo naman kung totoo. Ay oo nga pala tatanungin ko pa pala si lola kung sino nagpunta dito saakin sa bahay.


"La. Anong oras pala kayo umalis kanina?" Tanong ko.

"Uhm. Mga 9 am. Bakit?" Sagot niya. Nagulat naman ako sa sagot niya.

"PO?!" Nasabi ko na lang.

"Bakit ba apo?" Tanong saakin ni Lola.

"Kasi po nawalan ako ng malay kanina sa school. Tapos pag gising ko andito na ako sa bahay" sagot ko naman.

"Nawalan ka ng malay bakit? Anong nangyari?" Nag aalalang tanong saakin ni Lola.

"Diko po alam. Basta po yong kagaya nong nakaraan nong nag gagarden po tayo. Diba sabi ko po sainyo na parang may nagpapakita sa isip ko. Nangyari rin po yun kanina nung umuwi ako. Yun nga lang po, nawalan pa ako ng malay." Mahabang paliwanag ko.

Show Me Your Soul (COMPLETED)Where stories live. Discover now