Chapter 3: Panyo

5.2K 85 3
                                    

👻👻

Nasa harapan ang upuan ko at kasalukuyan akong nakatitig sa may pinto. Ganito ako lagi kapag hinihintay kong dumating mga subject teacher namin. Kumbaga, daily routine ko na ang paghintay sakanila. Habang nakatitig ako sa may pintuan may bigla na lang na dumaang naka hoodie, siya yong kagabi. Sa may tabi ng puno!






Tumayo ako bigla at lumabas upang habulin yon. Pero nawala siya agad. Huh? Ang bilis naman. Nagpalingon-lingon pa ako sa buong hallway pero wala na talaga siya.





"Miss Gallermo. Are you ok?" Nagulat ako dahil may nagsalita mula sa likod ko. Yong advicer pala namin.






"Ah yes maam" I answered.






"Get inside. Magsisimula na tayo" utos saakin ni Maam.






"Yes maam" sagot ko naman. Pero bago pa ako pumasok, tinignan ko muna ang hallway kung saan dumako ang nakahoodie na iyon pero wala talaga kaya pumasok na ako ng classroom.






Habang nag di discuss si Maam sa harap may mga iilang bumabato saakin ng mga maliliit na papel. Pero hindi ko na iyon pinansin at nagpatuloy sa pakikinig. Hanggang sa nagsalita si Maam.






"Marissa! What are you doing?! Nagdi discuss ako dito tapos may iba kang ginagawa diyan. Sino ba binabato mo?" Nagagalit na sita ni maam kay Marissa.






Pangulo ng pambubully saakin dito sa classroom.





"Wala po maam" sagot naman niya.






"Answer this on blackboard! Now!" Nagagalit na si Maam.






Si Marissa naman nag aalangan namang tumayo at ang bagal ng paglakad niya. Ng makarating na siya sa blackboard, hindi niya masagutan yong pinapasagot ni maam sa pisara. Sabi na eh.






"Tignan mo. Hindi ka naman pala makasagot pero ang galing galing mong magingay at lumandi sa likod" sabi ni Maam. Realtalk






Nakayuko lang si Marissa sa may harapan. Bigla siyang tumingin saakin ng masama. Siguro pinapatay na niya ako sa isipan niya. Ganyan naman sila eh, iniinis ako pero kapag napagalitan sila ako yong sisisihin nila kapag napagalitan sila.





Kasalanan ko ba kung nagpapahalata sila.






"Go to your chair. Sa susunod makinig kayo para hindi kayo napapahiya!" Sabi ni Maam at bumalik na sa pag didiscuss.







Show Me Your Soul (COMPLETED)Where stories live. Discover now