Chapter 35 - JC's Birthday

2.5K 32 1
                                    

👻👻

6:30 palang ng umaga pero andito na ako ngayon sa waiting shed. Naghihintay ng jeep na masasakyan. Pupunta kasi ako ng bayan upang bumili ng ireregalo sa kumag kong Bestfriend. Oy! Hindi ako nag absent para dito ha? Wala lang talaga kaming pasok ngayon dahil Holiday.

Ang ganda nga eh, nasakto sa araw ng kaarawan nong kumag n yun. Ang ireregalo ko lang naman sakanya ay bracelet na kagaya nong sakanila ng bestfriend niya dati na may combined name. Eh ano naman kung gaya gaya ako?! Maganda nga kasi yung ipang regalo. Type ko din kasi yung ganun eh.

Tyaka "Jaycein" ang ipapalagay ko. Cute ba? Oo kayaga ko. Charott.

**

Inagahan ko ang uwi dahil baka maaga akong susundunin ng kumag na yun eh. Mag bebeach daw kasi kami ngayon. At dadalawa lang kaming cecelebrate sa birthday niya. Hindi man lang siya nag invite ng iba para sana mas masaya.

Andito na pala ako ngayon sa bahay kaya mabilis akong pumasok at magpapalit na ng damit pang beach. Syempre mag shoshort and sando lang ako tapos may manipis na cardingan.

Bumaba na ako pagkatapos kong magpalit at kinuha ko na ang gift ko sakanya. Walang kainang magaganap. Huhuhu :( hindi na daw kasi siya maghahanda dahil mas gusto niyang maligo lang kami sa dagat.

*Dingdong*

Doorbell ng kung sino sa labas kaya napatayo ako at nagtungo sa pintuan.


"Let's Go?" Tanong ng si Jaycee. Hindi ko siya kita masyado dahil andito ako sa pintuan ng sala. Habang siya nasa labas ng gate kaya lumabas na ako at nagtungo doon.


Inilock ko muna ang gate bago siya harapin.



"Kaj----



Natigil ako sa sasabihin ko nong humarap ako kay Jaycee na ngayon ay poging pogi tapos ngiting ngiti. Naka solo white lang kasi siya, sando at 3/4 short lang. Tapos with sun glass and cap na mala bruno mars style.

Grabe, umapaw yung kaputian at kapugian niya. Napakalinis niyang tignan. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon. Ibinaling ko ang tingin ko sa ibang direksyon upang hindi niya mahalata. Nakaramdam naman ako ng biglaang ilang.

Naiilang ako?! Paksh*yt. First time yata tong mangyari saakin ah.


"Buti naman sa iba kana nakatitig. Akala ko hindi mo na bibitawan yung tingin mo saakin eh." Seryosong tugon niya pero alam kong binibiro lang ako neto kaya lumingon na ako sakanya.

"Tara na nga!" Inis na sabi ko at pinauna ko na siyang maglakad.


Pati likod niya nakaka ano. WAAAH!! ANO BA TONG SINASABI AT NARARAMDAMAN KO. NAKAKA GAG* NA EH. HUHUHU 😭

**

"Happy Birthday Bestfriend!" Sabi ko sabay abot sakanya yung regalo ko.


Iniabot ko naman ito sakanya at parang bata ang kumag na ngiting ngiti niyang kinuha ito mula saakin.

Andito na pala kami ngayon sa isang resort. Sabi niya kila Tita daw niya ito familiar nga saakin yung pangalan ng Resort. Nasa may tabing dagat lang kami ni Jaycee. Pumwesto kami sa hindi matao para daw tahimik at walang sagabal saaming dalawa.

Ang arte diba? --,--



"Whow!" Nanlalaking mata na tugon ni JC at kinuha ang regalo kong bracelet mula sa labas ng box non.

"Jaycein" basa niya doon sa bracelet.


Tumingin siya saakin at lumapit sabay yakap ng mahigpit. Akala ko bibitaw na siya pero hindi. Yung yakap niyang yun parang wala ng balak bumitaw. Kumbaga kapag aalis ka ay parang namamaalam yung yakap niya. Ginantihan ko din naman yun ng mahigpit na yakap at hinaplos haplos ko siya sa likod.


"Alam mo bang napaka swerte ko dahil nakilala kita. Naging bestfriend." Nagulat ako sa sinabi niyang yun. Bukod don, tila nanginginig ang boses niya. Wait....

"Are you crying?" Tanong ko at pilit kumawala sa yakap upang tignan siya pero ayaw bitiwan ang mahigpit na yakap na iyon.

"Yes. I'm crying because of you. Sana alam mo ang salitang 'tears of joy' Bestfriend." Pagbibiro niya kaya pinalo ko siya ng mahina sa likuran. Narinig ko naman na parang tumawa siya saglit.

"I'm lucky to have you as a Bestfriend. Thank you because you came to my life bestfriend. Napaka swerte ko talagang tao dahil nakilala kita. And this thing called tadhana right? Haha. But seriously, I miss you so so so much. Bestfriend, kapag malinaw na ang lahat sayo. Sana matanggap mo parin ako. So please, manatili muna tayong ganito ngayon. Kahit hanggang alas dose lang." Mahabang sabi niya.


Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa mga sinabi niya. Napaka seryoso niyang magsalita ngayon. Parang ang tagal tagal na naming hindi nagkita o nagsama dahil sa mga binanggit niya. Ilang araw lang naman kaming hindi nagkasama. May pagkabaliw din tong si Jc eh no.

To be continue.....

**

NO EDIT PO MUNA! HEHEZ RIP GRAMMAR. BAWI BAWI NEXT TIME 😂
Fb: Howlers WP

Show Me Your Soul (COMPLETED)Where stories live. Discover now