Chapter 47

2.4K 30 0
                                    

👻👻

Kasalukuyan akong pauwi ngayon, mag gagabi na din kasi baka kung ano pang mangyari doon sa bahay gayong wala na si Lola. Hindi naman kasi pwedeng patirahin ko sila Xander doon sa bahay para may makasama ako dahil nag aaral din sila. Malayo din kasi dito don sakanila. Sa bakasyon na lang daw nila ako sasamahan tutal next month na ang vacation namin.


Hindi ko namalayan na andito na pala ako sa tapat ng bahay. Hindi muna ako pumasok at pinagmasdan ko muna ang kabuuan ng bahay ni Lola. Dati, makulay at mabuhay ito. Pero ngayon parang pinag lumaan na. Pati ang mga bulaklak, simula noong nawala si Lola nalanta na din ang mga pananim naming Bulaklak.



Ang aga niyo naman po kaming iniwan La.


Bumuntong hininga ako at tuluyan ng pumasok ng bahay. Pagkapasok ko ay agad akong nahilata sa sofa, dahilan siguro ito ng pagod ko sa buong araw kong pag lalakad. Ang sakit ng mga braso't binti ko, parang sasabog na din tong ulo ko sa sobrang sakit.


Ilang sigundo pa ay naka idlip na ako.


**


"Walang hiya kang bata ka!"


"Lumayas ka dito!"


"Pasaway ka talaga!"



"Wala kang kwentang bata! PAREHAS LANG KAYO NG NANAY MO!"


"Hindi ka nababagay sa bahay na ito!"


"Simula ngayon, pag mamay ari ko na ito at mawawala na saiyo ang lahat."


"Gagawa ako ng paraan para mawala ka!"




"Aaaaaah!!!" Buong lakas na sigaw ko dahil sa lintik na panaginip. Lakas maka teleserye nun a. Pero yung batang pinapagalitan, siya yung batang babae.


Hindi ko na lang yun inisip at bumangon na ako para maligo.


**


Kasalukuyan kong kinukuha ang bike ko. Magbabike na lang ako dahil wala naman si Jc na kasabay ko sa pagpasok. May nangyari kaya sakanya? Mag dadalawang linggo na hindi pa din siya nagpapakita saakin, parang iba yung pakiramdam ko eh. Naalala ko kasi kung pano magsalita si Jc nong huli kaming nagkasama. Sana hindi totoo yung kutob ko.


Malapit na ako ng school at kapansin pansin ko ang madaming tao sa labas ng gate, kaya bumaba ako mula sa bike ko at naglakad na lang ako dahil baka may kaguluhang nagaganap doon.


Nang makalapit ako unti unting nagsi lingunan ang mga ulo nila dito sa gawi ko. Tumingin pa ako sa likod ko para malaman kung sino ang tinitignan nila at pag harap ko ay isang malakas na sampal ang dumampi sa pisngi ko.  Feeling ko may pumutok sa labi ko dahil bigla itong humapdi. Nakikita ko ngayon ang punong puno ng galit na mukha ni Bety kasama ang mga goblin niya.




"Akala mo ba hindi na kita titig---HINDI. EXPECTED KO NA TO E. BAKIT?" pagpuputol ko sa sinasabi niya. Halos mag dikit na ang dalawang kilay niya dahil doon sa sinabi ko. Isang sampal muli ang natanggap ko. Hanggang sa sunod sunod na ito.


Sasampalin na sana niya ulit ako ng mahigitan ko ang braso niya dahilan para uminda siya sa sakit.




"Hanggang ganyan ka na lang ba bety?" Maotoridad kong tanong sakanya habang hinahatak niya ang kanyang kamay. Binitawan ko na iyon at naglakad papasok ng school na parang walang nangyari.




Hanggang sa may malakas na palo sa may batok ko ang naramdaman ko. Namalayan ko na lang na nahiga na ako sa lupa at unti unting pumikit ang mga mata ko.


**


Third Person POV




"Nagawa mo ba iha?" Tanong ni Jeanyviv sa kanyang pamangkin na si Bety.


"Yes tita. Nakatulog yata siya sa palong natamo niya." Maarteng tugon na si Bety.




Isang maluwang ngiti ang namarka sa mukha ni Jeanyviv sa narinig.



Dapat lang sayo yan bata.



Sa isip isip neto at tumawa ng malakas. Habang ang totoong nanay ni Cein ay nag wawala sakanilang tinutuluyan ngayon dahil sa balitang natanggap niya mula sa kanyang tauhan. Umiiyak ngayon si Grace dahil hindi niya magawang iligtas ang kanyang anak.



Jaycee POV



Wala akong kwentang kaibigan, hindi ko man lang mailigtas ang bestfriend ko. Wala akong magawa, hindi ako makakilos. Kung bakit ba naman naging ganito ako. Araw araw ko siyang binabantayan, araw araw ko siyang sinusundan. Feeling ko ang baba kong tao. Yung bestfriend ko hindi ko man lang mailigtas.



Cein POV



"Bat ka ba sunod ng sunod?"


"Nag iba ka na talaga Shane."


"Take tayong picture."


"Bestfriend na tayo ha?"


"WALANG iwanan ha?"


"Reyane"


Napamulat ako ng mata. Naulit na ito, nasa puting lugar ulit ako. Biglang sumakit ang ulo ko at napainda ako doon. Lagi na lang, lagi na lang ganito ang buhay ko. Ano bang nangyayari saakin?


To be continue......

**

Fb: Howlers WP

Show Me Your Soul (COMPLETED)Where stories live. Discover now