Chapter 10: Step-mom

3.6K 54 4
                                    

👻👻

Jaycee POV

Naaawa ako sa bestfriend ko dahil nararanasan niya lahat ng ito. Hindi dapat ito nangyayari sakanya kung walang aksidenteng naganap. Sobrang laki ng pinagbago niya, parang dati lang noong ako pa yung pinagtatanggol niya sa mga batang umaaway saamin noon. Ang saya ko kasi siya yung naging bestfriend ko.

I Miss You Shaneng..

Bigla na lang may bumato sakanya ng isang kamatis at nagtuloy tuloy pa yun hanggang sa may mga itlog silang ibinato kay Shaneng. Tinignan ko naman ang guard na nag aalala na rin, hindi naman siya makakilos at maipagtanggol si Shaneng dahil matatanggalan siya ng trabaho.

Ako naman walang magawa. Hindi ko siya maprotekthana kasi wala naman akong lakas at isa lang naman akong kal---------

"ANO?! UUPO KANA LANG BA DIYAN?!" pasigaw na tanong ni Betty kay Shaneng.

"Hi-hindi. Ayoko-ko" nanginginig na sagot naman ni Bestfriend.

"ANONG BA KASING LABAN NG PANGIT NA NERD NA YAN?!" Natatawang sabi nong kasamang lalaki ni Betty at nagsitawanan sila.

Bago umalis si Betty bumato pa siya ng isang itlog kay Cein at tumama ito sa kanyang ulo. Nagsi alisan na rin ang mga estudyante dito at tanging ako at ang guard na lang ang naiwan. Bigla namang lumapit sakanya si mamang guard kay Cein at inalalayan tumayo.

"Magpalit kana. Pasensya na kung wala man lang akong nagawa" malungkot na tugon ng Mamang Guard.

"Nako. Wa-wala po yun, di kana na-nasanay. He-he" alam kong nagpipilit lang si Cein sa pagngiti at pagsalita.

"Tara na" aya ko sakanya.

"Si-sige po. Mauuna na po kami" paalam ni Cein sa mamang guard.

"KAMI?" Nagtatakang tanong ng guard at napatingin naman ako dito kay Cein na nakataas ang kilay habang nakatingin kay Mamang Guard at biglang lumingon saakin.

Nginitian ko na lang siya para hindi niya mahalata. Agad ko naman siyang hinawakan sa braso at nagmamadaling umalis doon baka kung ano pang malaman neto.

Lola Alysia POV

Namimiss ko na ang alaga ko at alam kong nag aalala na yun saakin. Hindi ko alam kong makakabalik pa ako sakanya, siguro makikita niya na lang ulit ako kapag patay na ako. Napakasama talaga ang nanay niya, sarili niyang anak gusto niyang pabayaang mag isa.

Biglang bumukas ang pintuan ng kwartong ito na napakadilim at napakabaho. Dahil dito nila ako kinulong para hindi ako makalapit sa apo kong si Cein. Pumasok ang isang lalaki na may hawak na isang Envelope at sumunod sa pagpasok si Jeanyviv ang nanay ni Cein at ang amo ko.

"Titgnan mo ang alaga mo. Kung gano siya katapang noon, ganun naman siya kalampa ngayon" sabi ng amo ko at inilapag ang isang envelope.

Show Me Your Soul (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon