Chapter 16: Bracelet & Necklace

3.1K 44 2
                                    

👻👻

Andito ako sa kusina ngayon, nagluluto ng makakain tapos mamaya mag gagarden ako kasi mukhang nalalanta na ang mga bulaklak ni lola. Speaking of lola, matawagan nga kaya tinawagan ko agad si Lola at nakatatlong ring pa ito bago niya sagutin.


"Oh apo. Bakit?" Tanong ni lola sa kabilang linya

"Wala lang po La. Namimiss lang po kita." Sagot ko naman kay Lola.

"Nako. Namimiss na din kita apo" sabi ni Lola

"Eh kailan po ba kasi kayu uuwi dito la? Nalalanta na po mga bulakbulak niyo" sabi ko kay Lola.

"Huh?! Bakit naman. Alagaan mo yan tutal marunong ka naman diyan, sige ka lalamunin ka ng mga bulaklak ko kapag pinabayaan mo ang mga yan" si lola talaga parang bata kong mag alala. HAHA.

"Opo la. No worries" sabi ko.


Bigla na lang may padabog ang narinig ko sa kabilang linya kaya magsasalita na sana ako ng maunahan ako ni Lola.


"Sige apo. Mamaya kana lang ulit tumawag ha?" Tila nagmamadaling paalam saakin ni Lola.


Anong nangyari don? Hindi ko na lang iyon pinansin at nilapag ko na lang ang cellphone ko sa may lamesa habang hinihintay ko ang pagluto ng bigas na to.

Pagkatapos kong magluto, dumiretyo na ako ng garden para ayusin at diligan ang mga to, yung flower daisy ko nalalanta na rin.


"Hala! Nalalanta na ang mga baby ko" sabi ko sabay dilig sa mga halaman.

Someone's POV

"Lady, heto na po ang pinapakuha niyo" bungad ng butler ko saakin at ibinigay niya ang isang envelope.


At pagbukas ko neto, tumambad saakin ang isang larawan at kaawang awang bata na pinatutulungan ng mga studyante sa isang paaralan.


"Kailan to nangyari sakanya?" Tanong ko dito sa Butler ko.

"Kaninang umaga lang po, Lady" sagot ng Butler ko.


Nabitawan ko ang hawak kong mga litrato dahil sa panginginig ng katawan ko. Siya ang kahinahan ko, at hindi ko kayang pigilan ang galit ko sa mga taong gumagawa neto sakanya.

Mga hangal!

Walang duda. Pare parehas lang ang mga ugali nilang magkakamag anak. Pati ang mga pamangkin nila, walang kasing ubod din ng sama ang namana ng mga bata sa kanilang mga magulang. Mga walang kwenta! Pagbabayaran niyo ang mga ginawa niyo sa anak ko!

Hindi nila alam na mula pagkabata nakasubaybay na ako sa anak ko. Hindi nila alam na bawat galaw nila ay nalalaman ko. Pati na rin ang pinaggagawa nila sa anak ko, mga bobo. Talagang wala silang isip.

Konting tiis na lang anak. Makukuha na kita.

Jaycee POV

Pinagmamasdan ko ngayon ang bestfriend ko na nagpapahinga dito sa labas ng bahay nila dahil katatapos lang niya mag ayos ng mga halaman nila. Nakakatawa kasi, habang inaayos niya ay kinakausap din niya ang mga tanim.

Ang laki na talaga ng pinagbago niya. Dati lang, ayaw niya sa mga bulaklak at ayaw niya ng pinagpapawisan siya.

Kahit pagod na pagod siya sa nangyayari sakanya sa eskwelahan niya, nakakaya parin niyang magtrabaho pagdating dito sa bahay nila. Yun lang wala siyang katulong kasi wala naman yung lola niya.

Kaya mo yan Bestfriend. Fighting lang.

Cein POV

Papasok na ako ng bahay kasi nakakaramdam na ako ng gutom tapos hindi pa pala ako nakakain ng lunch kanina kasi, tinapon nila yung pagkain ko.

Naghugas na ako ng kamay ko at kumuha ng makakain ko, doon na lang ako sa sala kakain tutal wala naman si lolang susuway saakin eh. Binuksan ko naman ang tv para habang kumain ako ay nanonood din.

Patayo na ako ng biglang may narinig akong dabog mula sa kwarto ko, parang may nahulog. Kaya nagmadali akong pumunta ng kusina para ilagay doon ang pinagkainan ko at maghugas ng kamay. Pagkatapos non dumiretyo na ako ng kwarto ko pero wala naman kaya napag desisiyonan ko na ayusin na lang ang higaan ko kasi matutulog naman na ako maya maya.

At nang paglakad ko, bigla na lang may isang bagay akong natapakan kaya agad ko yun tinignan at isang kahon na kulay itim ito, kinuha ko naman to binuksan, bumungad saakin ang laman ng kahon na naglalaman ng dalawang bagay.

Isang Necklace at isang Bracelet.

Yung bracelet may nakasulat na 'Reyane' kaya napataas ang kilay ko dito. Hindi ko naman alam kung kanino to, baka kay lola oh sa mga apo niya. Kinuha ko naman yung kwintas na pay bilog na design, hindi ko naman to nahahawakan ng maayos nang bigla itong nabukas at tumambad saakin ang isang picture ng batang lalaki, yung isa hindi ko makita kasi malabo tapos may punit sa may taas neto.

Umaano naman ang mga bagay na to dito? Baka nga sa apo ni Lola ito. Naiwan siguro nila noong last na nagbakasyon sila dito. Agad ko naman itong ibinalik sa taas at inayos ko na ang higaan ko sabay labas ng kwarto upang tumungo sa sala. Bukas pa pala tong tv walangya nakalimutan ko tong patayin kanina eh.

Bumalik na ako ng kwarto ko at naghugas na ako ng katawan. Pagkatapos non nahiga na ako sa kama at kinuha ang phone ko para icheck kong may message ako pero wala naman kaya ibinalik ko na ito sa may Lamb table ko at sinimulan ko ng matulog.

Goodnight world.

To be continue....

**

NO EDIT PO MUNA! HEHE
Fb: Howlers WP

Show Me Your Soul (COMPLETED)Where stories live. Discover now