Chapter 11: Her Experience

3.4K 45 1
                                    

👻👻

Hanggang sa tumigil na sila para magpahinga. Ako naman lumapit sakanila para ibigay ang tubig nila.

"Anak. Darating na ang mommy mo" nakangiting sabi ni sir sa kanyang anak.

Nanlaki naman ang mata ng bata at isang malawak na ngiti ang dumampi sa mukha ng bata.

"Talaga po?!" Masayang tanong ng batang si Cein.

Tumango naman ang Ama niya bilang tugon.

"Babalik na po si Mrs. Grace?" Tanong ko kay sir.

Bigla na lang siyang lumingon saakin at nag iba ang kanyang expression sa mukha. Lumapit siya kay Cein at tila may binulong at tinuro niya ang lugar kung saan sila naroon kanina. Agad namang tumakbo ang batang si Cein doon at dalawa na lang kami ni Sir ang naiiwan dito.

"Hindi ang amo mong si Grace ang dadating" panimula niya habang nakatingin parin sa batang nasa harapan niya. Ako naman naguluhan

"Po? Eh sino po Sir?" Tanong ko, nakakapagtaka naman kung hindi si Mrs. Grace ang dadating. Di kaya may ibang babae si Sir?

"Jeanyviv Torres ang pangalan niya. Nakilala ko sa opisina at.... At buntis siyang dadating dito" paliwanag ni Sir. Ako naman nagulat

"Sir.... Panong----

"Alam mo na kung anong gagawin mo kay Cein upang hindi siya masaktan sa mga nangyayari ngayon" putol ni sir sa sasabihin ko.

Show Me Your Soul (COMPLETED)Where stories live. Discover now