Chapter 49 - Drawings

2.3K 35 0
                                    

👻👻

"Kain ka pa." Sambit ni Alec habang ngumunguya.


Kung gano siya katahimik at kabanal sa school. Siya namang kababoy at kawalang ya dito sa bahay nila.


Kanina pa niya ako sinasabihan niyan, sabagay. Nakakadalawang subo pa lang ako tapos siya naka tatlong ulit na. Sarap na sarap sa sariling luto samantalang ako hindi ko pa malaman kung anong pagkain o lasa to.


"Kain ka p---OO NA!" pagpuputol ko sa sasabihin niya ulit.


Isusubo ko na sana yung pang apat kong subo nang mapatigil ako dahil sa narinig kong napakalakas niyang dighay. Napanganga at napatulala ako at the same time dahil sa kabastusan niya. May pahimas himas pa siya sa tiyan niya na nagsasabing busog na siya.

Animales!

**

Ala una palang ng tanghali at andito kami ngayon sa kwarto ulit niya, nanonood kasi siya ng Anime eh. Parang batang nanonood kasi nakaupo siya sa harapan ng tv at taimtim na nanonood. Habang ako naboboring dito.

Naalala ko yung sketchpad kanina, san ko nga ba yun nakita?


"May sketchpad ka ?" Tanong ko sakanya.


Imbis na magsalita, itinuro lang niya iyon nang hindi ako nililingon. Sinundan ko naman ang turo niya at dun yun sa study table.

Ay oo nga pala, dun ko nga pala yun nakita kanina.

Tumayo ako at nagtungo doon sa study tabel niya. Binuklat ko yun at tinignan lahat ng mga sketch niya. Puros anime tyaka robot lang ang nakikita ko hanggang sa napadpad ako sa gitna ng pahina neto. Isang drawing na familiar saakin.

Babaeng nasa isang garden. Teka nga lang...


"Teka ak----huh?" Naputol ang pagtatanong ko dahil wala naman pala akong kausap. I mean wala si Alec dito sa kwarto pero nakabukas parin yung tv. Kaya agad akong bumalik sa drawing na iyun, iniscan ko pa yun ng ilan at puro ako ang nasa drawing.

Loko yun ah! Iniistalk ako.

Muli akong tumingin sa kinauupuan ni Alec kanina at hindi naman ako nabigo dahil andoon na siya at kasalukuyang kumakain ng cookies. Itatanong ko sana ulit pero mukhang hindi naman sasagot dahil busy sa panonood.

Nag scan lang ako ng nag scan at bigla n lang may nahulog na isang blangkong papel. Pinulot ko naman iyon at itatago na sana ng mapansin kung may sulat sa likuran neto.

Natigil ako. Natulala. Naguluhan.

How?


"Alec." Tawag ko sakanya. Pero hindi siya sumagot.

"ALEC!" buong lakas kong sigaw sakanya. And this time, lumingon na siya saakin habang ngumunguya.

"This." Sabi ko sabay taas ng drawing upang makita niya. Tinaasan ako ng kilay na para bang nagtatanong kung bakit.

Show Me Your Soul (COMPLETED)Where stories live. Discover now