Chapter 29 - I'm back

2.5K 32 0
                                    

👻👻

So ayun, 15 minutes na lang bago ako malate sa class. Eh kasi naman! Ayaw umalis yung tingin ko ngayon dito sa sarili ko. Hindi ko alam kung tama ba ito. Nag ayos lang naman po ako. Medyo curly kasi yung buhok ko ngayon tapos naka lip tint pa ako. Panigurado ako kapag si lola andito. Magiging rapper yun kapag nagkataon.

Bahala na nga! Babae din naman ako kaya pwede lang to saakin. Tyaka bakit ba? Eh ganito namn ako dati. Ibinalik ko lang yung totoong pagmumukha ko. Basta makapag aral ako ng mabuti ngayon ok na sakin yun.

**

Andito na ako sa gate ngayon at ipinapasok ko na ang bike ko papuntang guard house. Pero walang yung mamang gwardya na yun. Luh? Guard pa ba tawag dun? Iniiwan mag isa ang gate?

Hays.

Pagkatapos kong pinark yun. Naglakad na ako patungong classroom. Pero may kakaiba eh, kasi lahat sila nakatingin saakin. May mga ilang nagbubulungan pa at sumisipol saakin.

"Witwiw!"

"Bro. May transferee oh!"

"Anong transferee! Yung dating nerd yan!"

"Huh? Totoo?!"

"Grabe ang ganda pala niya kapag naka ayos!"

"Liligawan ko yan pre."

"Gago! Binubully mo nga lang dati eh."

Mga ibang bulungan nila. Omg! As in? Tama pala tong naisip ko eh. Akala ko kasi may grand entrance ulit ako pero wala. Mamimiss ko yata yun ah. Teka! Malalate na pa----

"Kriiiiiiiiiiinggg!!!" Napatalon ako dahil doon sa malakas na bell na yun..

Isang tiplak sa noo nung na realized kong nasa labas pa pala ako ng gate at Day Dream lang pala yung nangyari kanina. Akala ko totoo na eh! Huhuhu. Ang assuming ko talaga. Muntanga ako dito dahil doon.

Sarado na yung gate kaya pumasok na ako don para sana ipark yung bike ko pero wala si manong guard. At nakita ko siya dun sa may gilid na sumasabay sa awit ng flag racing. Ang aga ko yata? Kasi dati. Kapag nakatungtong na ako dito sa school tapos na ang flag ceremony at tanging yung grand entrance ang bumubungad saakin.

Speaking of that, all students came to my place. At akala ko ay sisimulan na nila ako pero napansin kong tila nilalagpasan lang nila ako. Kaya agad akong napalingon sa may likuran ko kung san sila nagsitakbuhan. At ayun na nga. Nag aayos na sila para sa gagawin nila saakin. As usual yung itlog at kamatis nanaman ang hawak nila.

And seriously?! Guys! Andito ako. Sinong hinihintay niyo diyan? Mga bobo --_--. Ay oo nga pala. Dapat makikisingit din ako para hindi nila ako mahalata.

**

"What the hell is she?!"

"Tss. Asan na yung halimaw na yun?!"

"Grabe malelate na tayo. Tara na!"

"Mamaya na lang baka malelate lang yun."

Some of bulong bulungan here. Eh kasi naman mga Teh/Kyah! Andito lang ako sa tabi niyo. Hindi naman ako kaluluwa para hindi niyo mahalatang ako ito at nagbago lang ako ng mukha. Sabagay, sa pangit na mukha lang kayo naka focus.Gaganda't gwapo nila eh. Nakakasawa na din pagmumukha nila. Tss --__--

Hanep silang kumaripas ng takbo ha? Takot pala silang malate eh kung anong pinagkakaabalahan nila. Halos iisa na lang ako bigla dito na animoy walang katao tao. Napakagaling talaga ng mga batang ito.

Lodi ko talaga sila.

Napaangat naman ako ng ulo dahil sa isang bagay na naalala ko. Agad akong tumakbo dahil pati ako late na rin! Jusko. Kung makapagsalita naman itong isip ko kala mo naman eh. Waaaah! Ayokong malate at ayokong mapagalitan kay teacher.

Habang tumatakbo ako biglang may nagsalita sa speaker na pumapalibot dito sa buong campus kaya natigil ako.


"All teachers. Please proceed to my office now."

"All teachers. Please proceed to my office now. Thank You."


Pagkatapos na announced yun. Walang ibang narinig ang dalawang tenga ko kundi ang sigawan ng mga malulupet na studyante dito sa building. Well, tunay na studyante. Alam ko namang yan yung kahintay hintay saaming mga studyante. Kasi pati ako, na excite.

**

Andito ako ngayon sa Library. May iilang mga studyante ditong nagbabasa kagaya ko. Nakahawak nga ako ng libro pero iba laman ng utak ko ngayon. Yung JC na yun! Hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakikita at hindi pa siya nag papakita saakin.

Matagal na nga kaming mag kaibigan pero hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung saang classroom siya. Kung alam ko man, edi sana kanina pa ako pumunta doon sakanya para pagbayarin.

Charr lang, namimiss ko na kasi eh. Huhuhu.

"Hi." Nabalik ako sa reyalidad ng biglang may nagsalita sa tabi ko kaya napaangat ako ng ulo.


Owemji! What's the meaning of this?!

To be continue.....

**

NO EDIT PO MUNA! HEHEZ
Fb: Howlers WP

Show Me Your Soul (COMPLETED)Where stories live. Discover now