Chapter 7: Bestfriend

4.2K 66 2
                                    

👻👻

Nagulat ako ng lumingon ako sa nagsalita dahil ito yong naka hoodie na lagi kong nakikita kahit saan. At pati ba naman dito? Bigla na lang niyang hinawakan ang braso ko at hinila niya ako paupo ng Octopus Ride.


"A-anong gagawin mo?" Nabubulol na tanong ko.

"Sssh. Relax masaya to" he said while smiling


Bigla na lang akong kinabahan nong unti-unti ng umandar itong Rides na to. Hanggang sa umikot na nga ito ng mabilis.


"WAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!!" I shouted. Grabe nakakahilo to at nakakatakot.

"waaaaah!! LOLA UMUWI KANA!!!! TULUNGAN MOKO DITO LOLAAAAAAA" naiiyak na sigaw ko eh kasi naman nakakatakot kaya.


Ngayon lang akong sumakay sa rides na to kaya natatakot ako. Mas maganda pa pala sa ferris wheel. Atleast doon mabagal lang ang pag ikot, eh dito kala mo naman kung wala ng bukas. Panay ang sigaw ko dito pero itong katabi ko tawa ng tawa.

**

Ilang oras yata kaming nagpaikot ikot sa Octopus Ride na yun at heto ako pinapainom ng tubig netong lalaking kasama ko. And until now he's laughing. Tss


"Nagbabayad bayad ka tapos takot kanaman pala sa rides na yun" pang aasar niya saakin habang tumatawa.

"KASALANAN KO PA HA?! IKAW NGA TONG HUMIHILA HILA SAAKIN EH!" I shouted at him.


Halata namang tumitingin yung ibang mga tao saamin. Tapos etong lalaki na to tumatawa parin. Umalis ako agad sa harapan niya at naglakad ako, kung saan ako pupunta? Diko alam. Maghahanap muna ako ng bagong malalaro dito.

Hanggang sa nahagip ng paningin ko
Ang Bumper Boats. Panigurado exciting din ito kaya agad akong rumenta na boats at lalarga na sana ng biglang may nagsalita mula sa likuran ko. Wag mong sabihin na siya nanaman to, paglingon ko.


"Ikaw nanaman? Bat ka pa sunod ng sunod ha?" Naiirita kung tanong siya naman rumenta rin ng boats at lumarga na.


Baliw ba to? Laging nakasunod kala mo naman kung close na kami eh hindi pa nga nagpapakilala. At bakit naman ako lalapitan neto eh isa ang Nerd na Forever Alone. Baka naman pinagtitripan lang ako neto? Bahala na nga. Agad naman akong lumarga.

**

Tapos na ang Bumper Boats na yan at heto ulit ako basang basa. Kung makabangga naman kasi yung isa diyan, kala mo naman kung sino. At heto naman siya ngayon nasa may tabi ko habang nakangiti.

Tss may saltik.

Naglakad na ako paalis doon at sumusunod parin itong hoodie boy na to.


"Bat ka ba sumasama ha?!" I asked him. Siya naman napataas ng kilay na tila nagtatanong.

Show Me Your Soul (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon