Chapter 22 - Cellphone

2.9K 38 0
                                    

👻👻

"Diba nga sabi ko sainyo na nagkwento saakin si Lola kanina" sagot naman niya.

Ako naman tumango tango lang. So ibig sabihin hanggang birthday ko sila dito. Mukhang masaya yun ah

"Pinky Swear tayo" biglang tugon niya at inilahat ang hinliliit niyang daliri. Alam ko to ah.

"Pinky Swear" sabi ko naman sabay dugtong ng hinliliit ko sa hinliit niya.

Saka kami nagtawanan dahil parang bata lang kami. Napatigil naman kami sa pagtawa ng biglang nagbukas ang bintana at kinilabutan ako. Nagkatinginan naman kami ni Xander bago ako tumayo para isara ang nagbukas na bintana.

Lagi nang ganito ang nangyayari saakin. May mga bagay na nahuhulog mula sa taas, nagbubukas mag isa ang bintana ko. At kinikilabutan ako, pero hindi naman ako natatakot kong ano man yun. Sabi kasi ni Lola dati na yun nangyayari dahil sa lakas ng mga hangin.

"Mga anak! Baba na diyan kakain na" sigaw ng kung sino sa may baba kaya bumaba na kami ni Xander.

Buti na lang at medyo maluwang ang bahay ni Lola kaya kasyang kasya ang buong pamilya ni Lola dito sa bahay.

1 week later....

Kaarawan ko ngayon, ang saya nga kasi paggising ko ng umaga binati na nila agad ako. Kahit hindi nila ako kapamilya, ang bait parin nila saakin. Heto, kami ngayon nasa tabing dagat nagpapakasaya at nagkakatuwaan.

"Ilang taon kana ba Cein?" Tanong saakin ni Tito Gil

"14 na po" sagot ko naman.

Tumango naman si Tito bilang tugon. Pagkatapos ng ganitong kasasayang araw ng sembreak ko. Next week, magiging miserable na ulit buhay ko. Ibubully nanaman ako ng mga kagaya ni Betty at pahihirapan nanaman nila ako. Pero siguro hindi na yun mangyayari kasi may plano akong ginawa.

Show Me Your Soul (COMPLETED)Where stories live. Discover now