9: Improbus Ille Imperium (I)

9.1K 374 204
                                    

This will be a very short update. Part I lang 'to. I'll update the part II as soon as possible. Pasensya na hindi ako makapagupdate nitong nakaraan, sobrang naging busy lang. Sorry! Sana magcomment kayo. Please? 🙏🏻 Sorry for all the errors.

9: Improbus Ille Imperium

Amythee Hope's POV

The Day.

Napahugot ako ng hininga at saka tiningnan ang plataporma kung saan namin kikitain ang Elite Seven na aming makakalaban. Kinakabahan ako, pero hindi ko rin maitago ang pagkasabik na nararamdaman ng puso ko.

I never thought, such a dangerous thing like this, would excite all the nerves in me. I guess... it really runs in the blood. Kahit si Biblee kitang kita mo ang pagkintab ng mga mata dahil sa saya at kakaibang thrill na nadadama.

"Mananalo tayo." Mahinang bulong ni Cleon sa akin. I smiled at him, "Of course." Then answered with a beam. Hindi naman sa nagmamayabang pero dahil sa training ni Luna sa amin, siguradong hindi nila kami mamaliitin dahil sa kakayahan namin.

Luna's program training was harder than we thought. Araw araw kaming pagod. We couldn't even stand after the training. Even, Theon and Akira who were the strongest among us, didn't have it easy. It was brutal, and it was dangerous.

Halos maging human relief patches na kami pagkakatapos ng isang araw, at noong bago pa lang kami tinitrain ay halos sumuko na ang katawan naming dalawa ni Biblee. I even cried at night, because I thought Biblee and I were just burdens to them.

But... seeing our siblings fight on their own to survive this school, we just couldn't complain about how unfair and hard it is. Kaya hindi kami sumuko ni Biblee kahit minsan suko na 'yung katawan namin. Masasabi na rin naming milagro na sa loob ng isang linggo ay lumakas, at naging mas maliksi kami kaysa dati.

Ang sabi naman ni Luna dahil din naman sa amin iyon, ewan ko ba pero masasabi ko na ang laki rin talag ang tulong ng mga nakasanayan naming gawin kasama ang parents namin. There's always a routine in our families, and I guess, that normal routine we always do, wasn't really normal at all.

Hindi nagtagal ay napakunot noo kami nang dumami ang mga tao. May mga ilan na kanina sa pligid pero paunti unti itong dumadami ngayon. Agad na may hinanap ang mga mata ko, at tama nga ang hinala ko.

Naglalakad na ang Elite Seven patungo rito sa kinatatayuan namin. Gosh, their entrance was fascinating and dramatic at the same time. They seriously have the aura and the presence. 'Yung tipong kakabahan ka na, 'yung mapapalingon ka na lang bigla dahil sa kakaibang nararamdaman mo sa paligid.

People in here are... scary.

But, we are also in here, does that mean, we are also scary? O baka naman out of place lang talaga kami?

"Out of place?" Halos mapatalon ako sa kinatatayuan nang tabihan ako bigla ni Luna. She smiled at me warmly. Sa isang iglap parang okay na 'yung lahat at sigurado akong may tyansa kaming manalo at hindi naman basta basta na talo na talaga kami.

"Huh?" Nagtatakhang sagot ko kay Luna.

"Wala. Your expression, parang out of place sinisigaw ng mukha mo. Bakit? Pakiramdam mo out of place kayo?" Natatawang sabi niya. Woah, Luna really have the guts to laugh and play easy in this situation.

"Medyo." I retorted truthfully.

"Kung alam mo lang." she remarked mysteriously that made me ceased my forehead. But she dismissed the topic. Hinayaan ko na si Luna, takot ko lang, sa loob ng isang linggo pinagdaanan namin sa kanya. Ayoko siyang gawing kaaway.

The Crown SinnersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon