13: Welcome Home

12K 412 282
                                    

#TCS13: Welcome Home

Amythee Hope's POV

"H'wag ka munang pumasok, Ate Hopie, pagaling ka muna." Umupo sa kamang kinahihigaan ko si Biblee. Malungkot ang mukha nito at punong puno nang pag-aalala. I smiled at her to ease her worry.

"You know me, Biblee, lalo akong hindi gagaling kapag nakahiga lang." I told her as I chuckled lightly. She pouted. Couldn't help but sat down and pinch her cute cheeks. I don't want her nagging.

"Pero, Ate kasi hindi ka pa fully healed." Nanlulumong saad nito.

"Hala sya oh, masyadong concern sa Ate n'ya. Kaya ko na Biblee, ang kulit eh." Natatawang sagot ko sa kaniya. She crossed her arms, ayaw talaga paawat. Sinimangutan ko siya.

Sakto namang natanaw ko si Theon na kumakatok sa nakabukas na pinto. "Theon!" I called him lively. May mga band aid ito sa noo at pisngi at saka cuts sa ilang bahagi ng braso pero ang gwapo pa rin.

"Hey, you should rest." He told me. Grabe naman, 'yon talaga agad ang bungad? Hindi ba pwedeng kamustahin muna ako? Kasi ang kulit kulit nilang lahat sabi ngang okay na ako. Kung makapag-react naman sila parang kukunin na ako ni Lord. My gosh, h'wag naman muna. Marami pa akong pangarap sa buhay.

"Nooo. Why do I get these nags?" I said while pouting. Theon chuckled as he went near my ned, Biblee automatically stood up.

"Kuya, ikaw na bahala r'yan kay Ate, sabi ko naman magpahinga na s'ya para naman hindi s'ya hinang-hina sa pag-alis natin mamayang hapon dito." Kamot ulong sumbong ni Biblee. I hissed at her.

Binato ko siya pabiro ng unan pero nasalo niya 'yon at binato pabalik sa pwesto ko, nasalo 'yon ni Theon at saka marahang binababa sa kama. Biblee run out as fast as she could, that brat, tsk tsk tsk.

"Ano? Pagagalitan mo rin ako?" Mataray na biro ko kay Theon. Dalawang araw na akong nakakulong sa kwartong 'to. Ayaw ako paalisin ng mga 'to. Lalong lalo na ni Biblee at Liam. Kapag walang klase 'yung mga kapatid kong 'yun nandito 'yun nagbabantay sa akin.

"No." Iling ni Theon at saka marahang umupo sa kama. "We are leaving later to see our parents. Hindi ba pwedeng intayin mo na lang 'yun?" He asked softly.

I shook my head lightly. "Two whole days na akong nasa bed rest, Theon. Okay na naman ako. Gusto ko lang umattend ng klase ngayong maga. I just want to see how things are going." I explained to convince him.

I even showed him my arms even though I have no absolute muscles. Gusto ko na talaga umalis. Bakit ba ang kulit nila?

I don't really remember how I got beaten. It was blurry and vague. All I could remember was Sven's intimidating aura and playful smirk. And that's it. The rest—black out.

They told me that Sven and I fought and I lost. Plus, because of Sven's strength I lost consciousness too. Okay, I admit that Sven is powerful, but to knock me out like that... I don't really think that I just got beaten by strength. For some reason, it felt like they are lying to me.

But couldn't dare to ask or even bring up that game. Everyone seems happy and contented about the result. They only thing that matters to them at this moment is that... we could go back to our parents.

Oo nga pala, sana naman hindi nabaliw sina Tatay at Nanay dahil sa tagal naming nawala. Halos mag-iisang buwan na rin 'yun. Dahil tatlong linggo na kami rito sa Empire.

"Ang daya naman." Angal ko kay Theon at saka nag-iwas ng tingin sa kaniya.

"Anong madaya?" He answered with a gentle voice. Hindi ko siya hinarap kasi naiinis ako, bakit siya kahit halos bugbog okay lang na lumabas, at saka umattend ng klase? Hindi lang s'ya pati kaya sina Akira, Pierce, Thorn at ang Trio. Kahit may konting galos sila okay lang, bakit ako hindi? Tss!

The Crown SinnersWhere stories live. Discover now