42: Protecting You

9.7K 296 353
                                    

Sorry for all the errors.

Hope you enjoy reading and please drop some comments! Thank you so much. Wishing you a great day! ✨💗

Happy birthday to @Mariannah_Jeon! Wish you all the best. ♥️

Love you guys! ♥️✨

#TCS42: Protecting You

I parked my bike on the parking lot near the huge tower in the middle of the District 7 of the Heartless City. I removed my helmet and fixed my mask a little to make sure no one will see my face.

It's actually beneficial that I have a weak or almost no presence at all in times like this. I could easily go anywhere I want to do my job, but still never ceasing to be careful and prepared for any danger that may obstruct my way.

Pumasok ako sa loob ng tower para malaman kung nasaan si Florentino. With my Momo's words, earlier, it seemed like Florentino could be found easily in this tower or if not, think I need to ask some people. Hopefully, they won't recognize me, or would just tell me an intel about Florentino.

Nagmasid muna ako sa buong lugar. Kagaya ng nakasanayan, punong-puno ito ng mga tao, at may iba't ibang labanan na nagaganap sa bawat dako na pwede mong tingnan. Mayroon din na naglalakad lang o 'di kaya naman ay nakikipagpustahan.

Mausok at masukal sa ibang banda pero normal na iyon sa mga taong nandito. Ang ilaw ay halos kakaunti at hindi ganoon kaliwanag. Kung mayroon mang maliwanag puro kulay neon ang mga iyon.

I scanned the huge monitor near the boxing ring. And saw some information about what's going on, on each floor. It's mostly gambling and battles.

Would Florentino be on the gambling floors? That's one of the things informants love to do. But he could be a watcher too. Or even a referee to the fights that's going on right now.

Napabuntong hininga na lang ako at saka napagpasyahan na tumungo sa ika-sampung palapag. Doon naman kasi palaging may malaking event dahil mga bigatin o kinatatakutan sa buong lugar o syudad ang may lakas ng loob sa lugar na iyon.

Hindi ako napapansin ng mga tao sa lugar kaya naman kahit sa kumpol at dami ng tao ay hindi ako napapatigil o nakakatawag pansin. Tumigil lang ako sa paglalakad 'nung malapit na ako sa gilid 'nung boxing ring.

"Sino raw maglalaban ngayon?" I remained quiet but my ears were actively listening to the conversation of the guys near me. Both of them had beards and muscular built. They seemed dangerous.

"Ang sabi kanina si Gustavo raw at may challenger na bagong salta." Sagot naman ng isa.

"Gago? May naghamon kay Gustavo?" Natatawang imik ng isa. Napatiim bagang ako. Si Gustavo ay nakalaban ko na noon pa. Mahirap talunin dahil likas ang lakas sa napakalaking katawan at tangkad. His physical built is monstrous. My lack of presence was the main key why I defeated him, but his strength is no joke.

However, Gustavo and I were no enemy after the fight. I heal injured people in underground cities. I rarely fight. That's why I was called Back of the Blade. I don't use the blade and it's point. Likod lang ang ginagamit ko para hindi makahiwa o makapatay ng kahit sino.

Kapag may gumugulo sa panggagamot ko ro'n lang ako lumalaban, kaya ang ending, 'yung nakakalaban ko, ginagamot ko rin. Gano'n ang nangyari noong nakaharap ko si Gustavo no'n. Ginagamot ko ang nakalaban niya kaya niya ako kinalaban. In the end, I healed him too.

"Kilala mo kung sino 'yung challenger? Baka naman magaling din?" Tanong ng kasama nito. Nanatili akong walang kibo at nakikinig. Hindi ko man lang sila dinadapuan ng tingin matapos kong makita ang hitsura nila kanina.

The Crown SinnersDonde viven las historias. Descúbrelo ahora