2nd Chapter

3.2K 113 10
                                    

HINDI na yata mawawala ang ngiti ni Emil. Nasasabik na siyang makita uli si Sava matapos ang dalawang taon. Hindi na kasi nakakauwi ang dalaga sa probinsiya nila dahil naging abala na ito sa pag-aaral, lalo na nang tumuntong ito sa ikatlong taon nito sa kolehiyo. Ayaw naman niyang makaistorbo sa pag-aaral nito kaya inintindi na lang niya. Ang mahalaga naman, nagkakausap at nagkakatext pa rin sila sa cell phone, kahit madalang na. At nakuntento na rin siya sa minsan sa isang taon na pagcha-chat nila gamit ang internet. Malayo kasi ang mga computer shop sa bayan nila, kaya bihira lang din siyang nakakagamit niyon.

Nagmamahalan sila ni Sava, kahit pa hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na lagyan ng pangalan ang relasyon nila. Sa Maynila na kasi nag-aral si Sava ng kolehiyo, kasama ng dalawang kapatid nito na sina Mava at Sava. Triplets ang tatlo at kababata niya ang mga ito.

Alam niyang mga bata pa lang sila ay espesyal na si Sava sa puso niya. Nasa elementarya pa lang ito ay binakuran na niya ito. Araw-araw niyang itong hatid-sundo sa bahay at eskwelahan. Dalawang taon lang naman ang tanda niya rito kaya hindi niya inisip na may mali sa ginagawa niya. Kaya naman no'ng nasa high school na ito ay diniretsa na niya ang panliligaw dito. Hindi siya nito sinagot dahil hindi pa raw ito puwedeng magboyfriend, pero naramdaman naman niyang mahal din siya nito.

Pero mataas ang ambisyon ni Sava. Gusto nitong mag-aral at magtapos sa magandang kolehiyo na hindi matatagpuan sa bayan nila. Kaya nang sabihin nitong pupunta itong Maynila, hindi siya tumutol. Masakit man, hinayaan niya itong umalis para sa mga pangarap nito. Nangako naman itong babalikan siya.

Siguradong maso-sorpresa siya kapag nakita niya ako ngayon.

"'Insan, will you stop grinning like a fool?" nakasimangot na tanong ni Drei habang kinakagat-kagat ang straw ng softdrinks nito. Naroon sila ngayon sa isang fast food chain na kung tawagin ay "HappyChic." Do'n daw madalas tumambay si Sava at ang mga kaibigan nito.

"Gagawin ko 'yon kung ititigil mo na ang pag-i-Ingles mo kapag ako ang kausap mo. Kaunti na lang, dudugo na ang ilong ko sa'yo."

Ipinaikot nito ang mga mata nito. "Sabihin mo sa'kin 'yan kapag nagkausap na kayo ni Sava. Konyo na kaya 'yon ngayon."

Kumunot ang noo niya. "Konyo? Ano 'yon?"

Akmang sasagot si Drei nang may lalaking bigla na lang tumayo at sumigaw. Lahat ng customer, kabilang na silang magpinsan, ay napatingin dito.

"Yes! Daddy na ko!" masayang bulalas ng lalaking singkit na sinusuntok pa ang kamao sa ere. "May Min-Ho Jang Junior na ko!"

Binuhat ng lalaki ang babae – na malamang ay asawa nito – na kasalo nito sa mesa at ipinaikot-ito. Tumawa lang ang babae habang umiiyak.

"Min-Ho, put me down! Baka maipit si baby!" natatawang saway ng babae sa asawa nito.

Mabilis at maingat naman na binaba ng lalaki ang asawa nito. He cupped her face. "Sorry, yobo. Na-excite lang ako. Pagod ka na ba? Gusto mo na bang umuwi? May gusto ka bang kainin? I'll give anything you want, Itchie-ah."

Umiling lang ang babae. Nagtitigan ang mag-asawa, pagkatapos ay bigla na lang naghalikan ang mga ito. Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga customer, ang ilan pa nga ay nagpaabot ng pagbati sa dalawa. Nagpasalamat naman ang mag-asawa at humingi ng paumanhin sa paggawa ng eksena ng mga ito.

Napangiti si Emil. Masaya siya para sa mag-asawa. Naalala niyang gano'n din sila kasaya ni Sava noon. "Congratulations!" masayang bati niya sa lalaki nang mapadaan ito sa gilid niya, kahawak-kamay ang asawa nito. Nilahad pa niya ang kamay niya rito.

Nakangiting tinapik ng singkit na lalaki ang palad niya. "Salamat, pare."

Ngumiti naman sa kanya ang babae. Sinundan niya ng tingin ang mag-asawa hanggang sa paglabas ng mga ito ng HappyChic. Ewan ba niya kung bakit pero tuwang-tuwa siya sa dalawang iyon. Mukhang mahal na mahal ng mga ito ang isa't isa at gusto niyang maging gano'n din sila ni Sava balang-araw.

Nawala na ang mag-asawa sa paningin niya kaya haharap na sana uli siya kay Drei, nang may grupo ng babaeng nagtatawanan ang pumasok sa HappyChic. Pero isa lamang sa mga ito ang kumuha ng atensiyon niya.

Lumuwang ang pagkakangiti niya, saka siya napatayo. "Sava!"

Huminto sa paghuhuntahan ang mga babae at sabay-sabay na napatingin sa kanya. Tumakbo naman siya palapit sa mga ito, saka niya niyakap ng mahigpit si Sava. Pero hindi pa man din tumatagal ang yakap na iyon ay tinulak na siya ng dalaga.

"What in the hell are you doing?" iritadong tanong ni Sava sa kanya.

Napakurap siya. Ngayon lang ito nagsalita ng gano'n sa kanya.

"Sava, do you know that guy ba?" maarteng tanong naman ng kasama ng dalaga.

Umiling si Sava. "No, I don't. Maybe naipagkamali lang niya ako sa ibang person."

Tumutol agad ang kalooban niya. "Hindi mo na ba ko naalala? Ako 'to, si Emil! Emilio Agoncillo!"

"I don't know you nga eh," giit ni Sava, saka nilingon ang mga kaibigan nito. "Let's go na nga, girls."

"You're right. Maybe he's your stalker. Creepy," sang-ayon naman ng mga kaibigan ni Sava rito, saka umalis ang mga ito.

Nagtama ang mga mata nila ni Sava. Nakikita niya ang rekoginsyon sa mga iyon, pero agad din itong nagiwas ng tingin. Susundan sana niya ang dalaga pero pinigilan siya ni Drei sa braso. Iritadong hinarap niya ang pinsan niya. "Bitiwan mo 'ko, Drei. Kailangan kong sundan si Sava. Imposibleng hindi niya ko nakilala."

Ipinaikot ni Drei ang mga mata nito. "Hindi sa hindi ka nakilala ni Sava. Ikinakahiya ka lang niya sa mga kaibigan niya."

Natigilan siya. "Ano 'kamo?"

Pinasadahan siya ng tingin ni Drei mula ulo hanggang paa. "Unruly hair, old shirt, faded jeans and baduy na tsinelas. Anyone can tell na promdi ka." Tinuro nito ang direksyon na nilabasan nina Sava. "Nakita mo naman si Sava, 'di ba? Wavy hair, expensive top, high-heeled shoes. Sosyal na sosyal, just like her friends. Siyempre, ikakahiya niyang malaman ng mga kaibigan niya na ang "boyfriend" niya ay probinsiyano."

Kumunot ang noo niya, kasabay ng pagtarak ng kung anong matulis na bagay sa puso niya. Nanlamig din ang buo niyang katawan. "Hindi ko maintindihan..."

Hinawakan siya ni Drei sa balikat. Bakas ang simpatya sa mukha nito. "'Insan, what I'm trying to say is, nagbago na si Sava. Hindi na nakatapak ang mga paa niya sa lupa. At ikinakahiya niya ang lahat ng may kinalaman sa nakaraan niya."

To Find You, My Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now