42nd Chapter

1.9K 50 0
                                    

NAGTUNGO ni Sava sa emergency exit si Emil na nakaupo sa pinakadulong baitang ng hagdan sa itaas. Nakapatong ang mga braso nito sa mga tuhod nito at nakayuko ito. He was a picture of a broken man at the moment.

Tumayo siya dalawang baitang ang layo mula kay Emil. "Emil..."

"Kadarating lang ng report ng PI na h-i-n-ire ni Kenneth para imbestigahan si Echo. Ginawa ko 'yon noong panahong hindi pa tayo nagkakaayos. Nakasulat nga sa report na 'yon na magkapatid sina Echo at Von." Nag-angat ito ng tingin sa kanya. His eyes were accusing. "Bakit nagsinungaling kayo sa'kin, Sava?"

Pinigilan niya ang pag-iyak. "I'm sorry, Emil. Nagsinungaling ako sa'yo dahil ayokong huminto ka sa pagbo-boksing. Iyon ang nag-iisa mong pangarap."

Napalitan ng pagkalito ang emosyon sa mga mata nito. "Hindi ko maintindihan. Hindi ba't ayaw mong mag-boxing ako noon?"

Umiling siya. "Hindi totoong ayokong mag-boxing ka. Natakot lang ako kaya kita pinigilan no'n. Ayoko kasing matulad ka kay Von. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala ka sa'kin sa gano'ng paraan. I'm sorry kung naging selfish ako."

"Selfish?" parang hindi makapaniwalang tanong ni Emil. "Sava, sa pitong taong lumipas, wala kang ibang ginawa kundi ang protektahan ang pangarap ko. Kung meron mang naging makasarili rito, ako 'yon. I enjoyed my life being on top, habang may mga tao pala na nagdurusa rito nang dahil sa'kin."

Umiling siya. "Wala kang alam sa nangyari. Huwag kang magalit sa sarili mo kung naging masaya ka sa nakalipas na mga taon. Hindi mo naman ginusto na ma-coma si Von."

Bumakas ang matinding galit sa mukha nito. "Kung alam ko lang ang nangyari kay Von, hindi ko ipagpapatuloy ang pagbo-boksing. Paano ko nagawang maging masaya habang siya, nandito sa ospital at nakaratay? Inagaw ko sa kanya ang pangarap niya – ang pagkakataong maging matagumpay na boksingero rin siya!"

"Ito ang dahilan kung bakit kahit alam kong mali, itinago ko pa rin ang katotohanan sa'yo. I didn't want you to give up on your biggest dream."

Natigilan si Emil at napatitig lang sa kanya. He held out his hands to her. Tinanggap niya ang mga iyon. He squeezed her hands. "All this time, inakala kong hindi mo ko sinuportahan sa pangarap ko at iyon ang naging dahilan ng paghihiwalay natin. Pero nagkamali pala ako. Ikaw ang babae sa likod ng tagumpay ko. Hindi natin maiiwasang magkahiwalay noon dahil mga bata pa tayo, at wala pa tayong magagawa para sa isa't isa.

Pero pagkatapos ng pitong taon, ngayong pareho na tayong maayos at may tsansa nang magkasama uli, sinakripisyo mo pa rin ang nararamdaman mo para sa'kin dahil gusto mo kong protektahan. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit pilit mo kong iniiwasan. Ayaw mong malaman ko ang dahilan kung bakit malapit ka kay Echo. At dahil alam mong masasaktan ako na makita kang may ibang lalaking kasama, mas ginusto mong lumayo na lang sa'kin."

Ngumiti siya. "Pero hindi mo naman ako hinayaang makalayo sa'yo."

Ngumiti ito. "I can't. Lalo na ngayong alam ko na ang lahat. Thank you, Sava. Salamat dahil pinrotektahan mo ang pangarap ko ng ganito katagal." Tumulo ang mga luha nito sa pagpikit nito, saka nito hinalikan ang likod ng kamay niya.

Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng mga luha niya. "Pinrotektahan mo rin naman ako noon, Emil. Gano'n talaga siguro kapag mahal mo ang isang tao. Kahit ang relasyon niyo pa ang maging kapalit, poprotektahan niyo ang isa't isa. Hindi naman kasi ang "label" na magkasintahan kayo ang mahalaga. Ang mahalaga ay 'yong koneksyon ng damdamin niyo para sa isa't isa. Nawala man sa'tin ang label ng mga magkasintahan, hindi nawala ang pagmamahal ko para sa'yo."

Emil slowly opened his eyes and looked up at her. Napalitan ng pagmamahal ang sakit na nakita niya sa mga mata nito kanina. "I fooled around with women when you were gone. Pero hindi rin nagbago ang damdamin ko para sa'yo. Ikaw lang ang minahal ko sa buong buhay ko, Sava."

To Find You, My Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon