8th Chapter

2.1K 77 5
                                    

NANG marahang ilapat ni Emil ang bulak na may alcohol sa siko ni Sava ay napapiksi ang dalaga, kaya natigilan siya sa ginagawa niya at nilingon ito. Magkatabi sila no'n na nakaupo sa sofa sa dorm nito. "Pasensiya na, Sava. Nasaktan ka ba?"

Tumango ito, nangingilid na ang mga luha nito. "Alam mo namang ayoko niyan. Mababa ang pain tolerance ko."

Natawa siya ng mahina. Ito ang Sava na kilala niya – maliit na gasgas lang ay iniiyakan na. Tinapik niya ang balikat niya. "Habang ginagamot ko ang mga sugat mo, gawin mo 'yong madalas mong gawin no'ng mga bata pa tayo sa tuwing tinuturukan ka ng injection."

"Sigurado ka?" nag-aalalang tanong nito.

Nakangiting tumango siya. "Oo naman. Para matapos na natin 'to."

Tumango lang ito. Ipinagpatuloy niya ang maingat na paglilinis sa maliliit na sugat at gasgas na natamo ng balat ni Sava nang itulak ito nang walanghiyang gangster kanina. Pero ang pinakamalalang natamo nito ay ang malalim na hiwa sa palad nito. Napadiin kasi ang kamay nito sa bubog ng basag na bote nang mapaupo sa damuhan.

Mayamaya ay naramdaman niya ang pagbaon ng mga ngipin ni Sava sa balikat niya nang buhusan niya ng alcohol ang sugat sa palad nito upang hindi iyon mainpeksiyon. Tiniis na lang niya ang sakit na dulot ng madiing pagkagat ng dalaga sa balikat niya. Gano'n naman talaga si Sava nasasaktan – nangangagat para maibsan ang sakit na nararamdaman nito at para pigilan ang sarili nitong tumili.

Nang matapos siya sa paglilinis ng sugat ni Sava ay doon lang siya binitawan ng dalaga. Sumandal ito sa headrest ng sofa at pumikit. Nangingilid ang mga luha nito at pawis na pawis pa. Naawa siya sa itsura nito. She looked so tired.

Masuyong pinunasan niya ang pawis sa noo nito gamit ang daliri niya. "Pasensiya ka na kung nahuli ako ng dating. Hindi ka sana nila nasaktan kung napaaga ang dating ko."

Nagmulat ito ng mga mata at nilingon siya. Kahit halatang pagod ay binigyan pa rin siya nito ng matamis na ngiti. "Sapat na 'yong ginawa mo kanina. Salamat, Emil."

Sinuklian niya ng banayad na ngiti si Sava. Sapat na ngiting ibinigay nito sa kanya bilang pasasalamat sa ginawa niya para rito. Hindi siya magsasawa at matatakot na protektahan ito mula sa kahit na sino. "Mukhang pagod ka na. Magpahinga ka muna."

Tumango si Sava, saka inihilig ang ulo nito sa balikat niya. Hinawakan naman niya ang kamay nito. Pareho silang nanatiling tahimik. Hindi nila kailangang mag-usap dahil sapat na ang komportableng katahimikan sa pagitan nila para kumalma sila sa piling ng isa't isa.

"Sing for me, Emil. Katulad ng dati para makatulog ako," paglalambing ni Sava sa kanya.

Ngumiti siya at pinagsiklop ang mga kamay nila. Wala itong hihilingin na hindi niya ibibigay. Kumanta siya. "Sampung mga daliri. Nawala ang lima. Hinanap ko, hinanap ko. Hawak mo pala..."

To Find You, My Love (COMPLETE)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن