19th Chapter

1.3K 50 3
                                    

PUMAYAG si Sava na sumali sa boxing team ng East Sun si Emil dahil nakikita niyang masaya ito ro'n. Ngayon ay lalo itong naging abala. Sa umaga ay nagtatrabaho ito sa HappyChic. Sa libreng oras naman nito, imbis na magpahinga ay nagpupunta ito sa boxing gym para mag-training kasama ang team nito.

Mukhang nagustuhan talaga ni Coach Tantenco si Emil dahil ang binata ang isa sa mga sinanay nito para mag-compete sa Colleges and Universities Boxing Match. Tutol siya no'ng una, pero hindi niya napigilan si Emil. Malaki na ang sakripisyo nito sa kanya, ano na lang ba ang hayaan niya ito sa bagay na nagpapasaya rito, hindi ba?

Ngayon ang unang round ng boxing competition ng East Sun University laban sa Empire University. Si Emil ang representative ng ES sa lightweight division. Magkadaop ang mga kamay ni Sava sa dibdib niya habang ipinagdadasal ang kaligtasan ng boyfriend niya.

Emil looked formidable in his fighting stance and well-built body – bulging muscles, six-packed abs, strong-looking legs. At nakuha nito ang katawang iyon hindi mula sa pag-gy-gym kundi dahil sa pagtatrabaho simula pagkabata. He was just twenty-two, and he already had the face and the body every woman would dream of.

Sa kabila ng kaba na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon, sumaglit pa rin sa isip niya na napakasuwerte niya dahil kanya na ang lalaking nakatayo sa gitna ng boxing ring, pawisan pero sexy pa ring tingnan at may lakas na hinahangaan ng lahat.

Nawala lang ang takot niya nang makalamang na sa laban si Emil. Mas maliksi itong kumilos at mas solido ang mga suntok kaysa sa kalaban. Sa unang round pa lang ay bagsak na ang kalaban. Pagka-anunsiyo pa lang sa pagkapanalo ni Emil ay bumaba na ito ng boxing ring at dumiretso sa kanya.

"Sava, nanalo ako!" masayang bulalas ni Emil.

Ngumiti siya. "Oo, Emil. Congra –" Napatili siya nang bigla na lang siyang buhatin ni Emil at iikot-ikot. Natawa na lang siya nang makita ang kakaibang saya sa mukha nito. "I'm happy for you, my love."

Huminto ito para bigyan siya ng mariing halik sa mga labi. "Ikaw ang lucky charm ko, Sava. Kaya dapat papanuorin mo ang lahat ng laban ko."

Kinabahan uli siya. "May susunod pa? Emil, malapit na ang midterm niyo!"

He gave her a reassuring smile. "Siyempre naman! Sava, competition 'to. May championship round pa."

Muling pinagbigyan ni Sava si Emil dahil ang pangit naman kung hindi nito tatapusin ang championship. Kahit halos atakehin siya sa kaba, nanood pa rin siya ng mga sumunod na laban. Sa bawat stage ay si Emil ang nanalo.

Pero sa final match ng College and Universities Boxing Match ay nagkaroon ng problema. Nanalo si Emil, pero na-knock out naman si Von na nagmula sa Emerald University. Hindi lang basta "knock out" ang nangyari. Na-comatosed si Von matapos tanggapin ang malakas na uppercut ni Emil na umalog daw sa utak ng una.

Dahil sa nangyari ay na-dissolve na ang boxing team sa ES.

To Find You, My Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now