43rd Chapter

2.5K 61 3
                                    

Mall of Asia Arena

NAPASINGHAP si Sava nang tamaan ni Juan Martin ng solidong suntok sa mukha si Emil na ikinaatras ng huli. Nagsigawan naman ang mga boxing fanatic na naroon para panuorin ang laban. Nagpahayag ng pagkadismaya ang mga 'Pinoy na naroon dahil sa hindi magandang performance ni Emil.

"Ayusin mo naman, Agoncillo!"

"Luto yata ang laban, eh!"

"Halatang hindi lumalaban si Tornaedo!"

Pinagdaop ni Sava ang mga kamay niya sa tapat ng dibdib niya habang nagdadasal. Pinilit na lamang niyang huwag pansinin ang mga taong pinagsasalitaan na ng masasakit si Emil.

Please, Emil. Lumaban ka.

Napakahalaga ng laban na iyon – ang paglalaban para sa WBC Super Featherweight belt. Kapag nanalo si Emil ay magiging three-division world champion na ito. Bukod sa magiging karangalan iyon sa buong Pilipinas, tataas din ang rank nito sa boxing world.

Mahalaga din iyon para sa kanya kaya kahit parang aatakehin na siya sa puso dala ng matinding kaba ay nanood pa rin siya ng live. Kung sa TV pa nga lang ay hindi na niya magawang manood kapag tinatamaan ng suntok si Emil, ngayon pa kaya? Gusto niyang pumikit pero pinipigilan niya ang sarili niya. Gusto niyang mapanood mismo ng dalawang mga mata niya ang pagkapanalo sana ni Emil, pero kabaligtaran ang nakikita niya.

Ginagawang punching bag ng Mexicano ang boyfriend niya!

"I knew this would happen," naiiling na sabi ni Kenneth.

Nilingon niya si Kenneth na katabi niya sa upuan. Dapat ay nasa ring side ito dahil manager ito ni Emil, pero binilin daw ng boyfriend niya rito na bantayan siya at samahang manood. "Anong ibig mong sabihin, Kenneth?"

Naging seryoso si Kenneth. "Natatakot sumuntok ng malakas si Emil, Sava. Natatakot siyang baka ma-coma din si Juan Martin kapag napuruhan niya, gaya ng nangyari kay Von. Hindi pa rin yata siya nakaka-recover sa nalaman niya. He is a tough fighter, pero malambot talaga ang puso niya. Napapaisip tuloy ako kung paano siya nagtagal sa professional boxing ng limang taon."

Mahigit dalawang linggo na rin simula nang malaman ni Emil ang nangyari kay Von. Akala niya ay maayos na ang binata dahil masigla naman ito kapag nasa ospital sila. But that was just probably a facade.

Napabuntong-hininga siya. "It must be because Von was someone from his past. Bumalik 'yong dating Emil na sobrang bait at inosente. Hindi siguro siya makapaniwalang may mga taong nagdusa ng matagal dahil sa nangyari kay Von."

Matagal bago muling nagsalita si Kenneth. "You knew this would happen, huh? Ngayon naiintindihan ko na kung bakit tinago niyo ito kay Emil. But the downside is, ngayon pa lang na-a-absorb ni Emil ang mga nalaman niya. Kaya ngayon ay naapektuhan pa rin siya. He isn't prepared to fight mentally and emotionally now."

Muling naghiyawan ang mga tao ng muntik nang tamaan ng suntok si Emil. Niyakap ni Emil si Juan Martin. Hindi nagustuhan ng mga manonood ang ginawa ni Emil.

Nangilid ang mga luha ni Sava. Ginapang na naman ng takot ang sistema niya. Ngayong wala sa tamang estado si Emil para lumaban, natatakot siya na baka ito naman ang mapahamak sa takot nitong mapuruhan ang kalaban.

Tumunog ang bell. Emil was saved by the bell, na lalong ikinairita ng mga tao dahil kalahati ng buong round two ay nakayakap lang ang boyfriend niya kay Juan Martin. Pagdating ni Emil sa ring side nito ay agad itong inasikaso ni Coach Tantenco at ng assistant coach. Mukhang galit din si Coach habang may kung ano itong sinasabi sa binata.

To Find You, My Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now