17th Chapter

1.4K 50 0
                                    

"NASA'N 'yong magaling mong pinsan?" sita ni Sava kay Drei pagkalabas nila ng klase nila.

Napakamot ng ulo si Drei. "Nasa klase?"

She glared at him. "Galing na ko sa klase niya. His blockmates said he skipped class. Alam kong alam mo kung nasaan si Emil, Drei."

"Ahm..." Lumingon-lingon ito sa paligid, hanggang sa lumagpas ang tingin nito sa kanya. "Hayun! Kuya Emil!"

Pagpihit niya paharap ay sinalubong siya ni Emil ng halik sa noo. Pero hindi iyon sapat para kumalma siya. "Saan ka galing, Emil? Ang sabi ng mga kaklase mo, hindi ka raw pumasok."

Ipinalupot ni Emil ang mga braso nito sa baywang niya. Ngiting-ngiti ito. "Sava, pasensiya na kung ngayon lang kita pinuntahan."

Kumunot ang noo niya nang mapansin ang pasa sa gilid ng mga labi ni Emil. Nag-alala siya. She carefully cupped his face. "Emil, anong nangyari? Napaaway ka ba?"

Nakangising umiling ito. "Hindi ako napaaway, Sava. Sumama ako kay Kenneth sa boxing gym dito sa ES. Nakipag-sparring ako sa isa sa mga boksingero ng team. Natalo ako!"

"Shit, 'insan. Ikaw lang ang kilala kong natalo na tuwang-tuwa pa," naiiling na sabi ni Drei.

Natawa si Emil. "Natalo nga ako, pero madami naman akong natutunan. Sava, masaya pala ang pagbo-boxing. Akala ko noon, wala nang makakatalo sa'kin dahil kampante ako sa lakas ng suntok ko. Pero sa gym kanina, ang daming malalakas – Sava?"

Inalis niya ang mga braso nito sa baywang niya, saka niya ito iniwan. Pero nanatili itong nakasunod sa kanya.

"Sava, anong problema? Galit ka ba?" natatarantang tanong ni Emil.

Hinarap niya si Emil. Hindi na niya itinago rito ang galit niya. "You skipped your class para lang pumunta sa boxing gym? Sa tingin mo ba, matutuwa ako sa ginawa mo? I'm upset. I was worried sick dahil hindi ka nagpaalam sa'kin, 'tapos malalaman ko na nagpabugbog ka lang pala sa kung sino!"

Guilt crossed his eyes. Hinawakan siya nito sa magkabilang-balikat. "I'm sorry, Sava. Hindi na ko nagpaalam sa'yo dahil balak ko namang bumalik agad para sunduin ka. Hindi ko gustong pag-aalahanin ka."

Inalis niya ang mga kamay nito sa mga balikat niya. Gumuhit ang sakit sa mga mata nito pero tiniis niya ito. "Hindi lang naman 'yon ang ikinagagalit ko, Emil. Hindi ba sinabi ko na sa'yo na ayokong mag-boxing ka? Masyado 'yong delikado."

"Sava –"

"Mukhang hindi na mahalaga sa'yo ang opinyon ko. Gusto mo yata akong patayin sa sobrang pag-aalala," paghihinanakit niya.

Pagkasabi niya ay nilayasan na niya si Emil at dumiretso na siya sa susunod niyang klase. Mas lalo lang sumama ang loob niya nang hindi siya sinundan ng binata. Sanay siya na sinusuyo agad nito kapag may tampuhan sila. Pero ngayon, sinusuway na niya ito. Bumuntong-hininga siya. Ngayon niya naisip na masyado na pala siyang nagiging makasarili.

Pagkatapos ng klase nila ay umagapay ng lakad si Drei sa kanya. Nagtaka siya dahil bihira lang siya nitong dikitan dahil kahit magkaklase sila ng apat na taon, kay Mava pa rin ito pinakamalapit.

"Sava, alam kong nagtatampo ka kay 'insan dahil hindi niya sinabi sa'yo ang pagpunta niya sa boxing gym kasama si Kenneth," pagsisimula ni Drei. "Alam ko rin na hindi dapat ako nakikialam sa relasyon niyo, but let me say this. Sava, ngayon ko lang nakita si Kuya Emil na masaya sa ginagawa niya." Pagkasabi niyon ay iniwan na siya nito.

Natigilan naman siya dahil tinamaan siya sa sinabi ni Drei. Nakita naman niya kung gaano kasaya si Emil kanina habang nagkukuwento ito, pero pinagalitan pa niya ito. She felt awful again.

"Sava!"

Nalingunan niya ang kapatid niyang si Mava na gaya ng madalas ay nakakasilaw na naman ang ngiti. "O, anong meron?"

Hinawakan siya nito sa kamay. "Kailangan mo 'tong makita!"

Hinila siya ni Mava sa kung saan. Natagpuan na lang niya ang mga sarili nila sa gitna ng parke ng ES. Nakapagtataka dahil ang kapal ng bilang ng mga estudyante ro'n. At ang pinagkakaguluhan nila? Si Emil na nakatayo lang at hindi gumagalaw. Napansin niyang may mga papel na nakadikit sa katawan nito pero hindi niya mabasa ang mga iyon.

"Anong ginagawa ni Emil?" natatarantang tanong niya kay Mava.

Bumungisngis ang kapatid niya. "Hintayin mo na lang, Sava."

May isang babaeng estudyante ang lumapit kay Emil at may dinikit na sticky note sa dibdib ng binata. Nagulat siya nang sumayaw na parang robot si Emil! May ilan pang estudyante ang lumapit at nagdikit ng sticky notes sa katawan ng binata, at sa bawat sticky note ay sumasayaw ng kung anu-ano si Emil na ikinatatawa ng lahat.

Hindi na nakatiis si Sava. Sinuot na niya ang salamin niya sa mata para mabasa niya ang nakasulat sa sticky notes sa katawan ni Emil. Binasa niya ang mga iyon sa isipan niya.

I'm sorry, Sava... Patawarin mo na ko, Sava... Nagsisisi na ko, Sava. Hindi na mauulit...

Napasinghap siya. "He's insane."

Bumuntong-hininga si Mava. "It's actually sweet, Sava."

Nanatili lang siyang pinapanood si Emil na ginagawang tanga ang sarili para lang marahil mapansin niya dahil kanina pa niya hindi sinasagot ang mga tawag at text nito. Mayamaya lang ay pumatak ang ulan at nagsitakbuhan na ang mga kaeskwela niya para marahil sumilong. Maging si Mava ay iniwan na siya.

Suddenly, it was only her and Emil in the mini-park. Nakatingin lang si Emil sa kanya, bakas ang matinding pagsisisi sa mga mata nito. He also looked sad. Hindi naman bato ang puso niya para hindi siya maawa rito. At sa kabila ng sinasabi ng isip niya na ang corny ni Emil, hindi naman niyang maitangging kinikilig pa rin siya.

Humalukipkip siya. "Anong kalokohan 'yan, Emil?"

"I'm sorry, Sava. Naisip ko lang gawin 'to para pansinin mo na uli ako. Hindi ko gustong pasamain ang loob mo. Magbati na tayo, please?" parang batang sabi nito.

Bumuntong-hininga siya. "Okay na. Umuwi na tayo."

Hinawakan nito ang kamay niya. "Hindi ka na galit?"

Umiling siya. "Pero kailangan pa rin nating mag-usap."

Niyakap siya ni Emil na para bang takot itong mawala siya rito.

To Find You, My Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now