28th Chapter

1.4K 43 2
                                    

SINUKLOB ni Emil ang hood ng jacket niya sa ulo niya paglabas niya ng pribadong kuwarto niya sa Chai General Hospital. Nagpa-general check-up kasi siya para malaman niya kung nasa kondisyon ang katawan niya. Hindi naman kasi biro ang halos pitong tao na pakikipagbugbugan sa boxing ring. Baka may iniinda na pala siyang sakit na hindi niya namamalayan.

"'Ready to go, Emil?" tanong ni Kenneth sa kanya.

Isinilid niya ang mga kamay niya sa bulsa ng jacket niya matapos niyang magsuot ng shades. "Oo. Umalis na tayo. Hindi maganda ang karanasan ko sa mga ospital."

Tumango lang si Kenneth. Pribadong ospital ang Chai General Hospital at bigating mga tao rin ang kadalasang pasyente do'n kaya mahigpit ang seguridad do'n. Sigurado siyang hindi makakapasok ang mga paparazzi do'n. Gayunman, kailangan pa rin niyang mag-ingat dahil ayaw niyang pinagkakaguluhan siya ng mga tao.

Hindi siya suplado. Hindi lang siguro siya makapaniwala hanggang ngayon sa pagbabago ng buhay niya. As much as possible, gusto niyang maramdamang siya pa rin ang normal na probinsiyanong si Emil.

Naghihintay sila ni Kenneth sa elevator nang may mahagip siyang mga pamilyar na mukha na naglalakad palapit sa kanila. Those two people were busy talking with each other kaya hindi pa sila nakikita ng mga ito. Nagtagis naman ang mga bagang niya.

Sava... Echo. Hanggang ospital ba naman, magkasama pa rin kayo?

"Let's go, Emil. Baka matunaw mo ng tingin si Sava."

Kunot-noong nilingon niya si Kenneth. "What?"

Ngumisi ito. "You're obviously jealous."

Tinapunan niya ito ng masamang tingin. Tumawa lang ito saka sumakay sa elevator. Sumunod na lang siya rito. Pasara na ang pinto niyon nang makita niyang palapit si Sava at may balak din itong sumakay sa elevator.

Walang isip-isip na pinindot niya ang buton para hindi sumara ang pinto.

Nagkatinginan sila ni Sava, halatang nagulat nang makita siya. Itinago niya mula rito ang kahit anong emosyon niya.

"Get in," malamig na sabi niya kay Sava.

Humakbang paatras si Sava. "Hindi na. Hinihintay ko pa si Echo. May kausap lang siyang doktor."

Kapag siya talaga ang naging presidente ng bansa, ipapa-ban niya ang pangalang Echo sa buong Pilipinas. Hindi niya alam kung bakit pero nang makita niyang naglalakad si Echo palapit sa kanila ay nakaramdam siya ng galit at matinding pagnanais na ilayo si Sava ro'n.

Bago pa siya makapag-isip ay natagpuan na lang niya ang sarili niyang lumabas ng elevator, hinawakan si Sava sa siko at marahan itong inakay papasok ng elevator sa kabila ng pagmamatigas nito. Walang isip-isip din na pinindot niya ang buton para sumara ang pinto.

Tumakbo si Echo at hinabol sila pero huli na ang lahat para rito. Ngumisi siya nang tuluyan itong mapagsarhan ng pintuan ng elevator.

"What the hell are you doing, Emil?" galit na tanong ni Sava. "And let go of my arm."

No'n niya lang napansin na hawak pa pala niya ang braso ni Sava. Ayaw sana niya itong bitawan pero nakuha siya ni Sava sa masama nitong tingin. Natawa lang si Kenneth nang bitawan niya ang dalaga.

"Ano bang problema mo, Emil? Bakit kailangan mong iwan si Echo? Bakit hindi pa natin siya isinabay?" gigil na gigil na tanong ni Sava sa kanya.

Namulsa uli siya at tumingin ng diretso. "Bakit? Hindi ba siya marunong gumamit ng elevator at kailangang sabay pa kayong bumaba?"

"What?" hindi makapaniwalang tanong ni Sava.

Sinulyapan niya ito. Fuck, she was red in anger. And fuck, she still looked beautiful and sexy. "Hindi ba kayo natatakot na makita ng mga tao na magkasama na naman?"

Sumandal sa steel wall si Sava at humalukipkip. "Wala kaming ginagawang masama kaya bakit kami matatakot?"

Pumito siya, kahit ang totoo ay galit na galit siya. Lalo niyang napapatunayan na may espesyal na relasyon nga sina Sava at Echo. May mainit na bagay na namuo sa dibdib niya. Sa sobrang init, umakyat na iyon sa ulo niya. "Ganyan na pala katapang ang mga mistress ngayon. You know what, Sava? I'm "the Tornaedo" now. Kung anuman ang kayang ibigay sa'yo ng Echo na 'yon, kaya kong doblehin."

Pumihit siya paharap kay Sava at dahil nakasandal na ito sa steel wall, madali na para sa kanya ang itukod ang mga kamay niya sa magkabilang bahagi ng ulo nito at iyuko ang mukha niya kapantay ng mukha nito. Their hot breath mingled together. And her lips were so close. It took him all he got to stop himself from claiming her mouth. Hindi siya sigurado kung bakit pero gusto niya itong halikan. Gusto niya itong angkinin para hindi ito maagaw ng kung sinong insekto na hindi marunong sumakay ng elevator mag-isa. She was supposed to be his.

Pero naging kabit ito ng kung sino.

He gritted his teeth. "Sava... what do you say you become my "bed warmer" instead of being a married man's lover?"

Isang malakas at malutong na sampal ang isinagot ni Sava sa kanya. Kitang-kita niya ang hinanakit sa mga mata nito. "No, thanks, Mr. Agoncillo. Mas gusto kong maging "kabit" ng lalaking nirerespeto ako kaysa maging "bed warmer" ng bastos na gaya mo. Boxing license lang ang meron ka, hindi lisensiya para mambastos at mang-insulto ng mga babae."

Pagkasabi niyon ay bumukas ang elevator. Tinulak siya ni Sava at lumabas na ito. Napabuga naman siya ng hangin at napasandal sa steel wall. Agad niyang pinagsisihan ang mga lumabas sa bibig niya dala ng matinding init ng ulo.

"I told you," iiling-iling na sabi ni Kenneth na tahimik lang na pinanood ang lahat ng nangyari sa isang sulok. "Boxing license lang ang meron ka."

To Find You, My Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now