12th Chapter

1.7K 71 12
                                    

NAROON ngayon si Emil sa HappyChic kasama si Drei. Sinamahan kasi siya ng pinsan niya na maghulog ng application form do'n para sa pag-a-apply niya bilang service crew. Ngayon naman ay hinihintay nila ang Monliva triplets dahil nangako silang sabay-sabay magla-lunch bilang "super late welcome party" umano para sa kanya.

Binalingan niya si Drei na tahimik lang sa tabi niya. Nakakapagtaka dahil napakadaldal pa naman nito. "Anong problema mo, Drei?"

Nagkibit-balikat ito. "Naisip ko lang kasi 'yong ginawa mo para kay Sava. 'Yong ipinagtanggol mo siya mula kay Syd. Naiinggit ako sa'yo dahil kaya mo siyang ipagtanggol. Hindi ko alam kung kaya kong gawin 'yon kay Mava. Alam mo namang lampa ako."

Natawa siya ng marahan. "Simple lang naman, 'insan. Eh di ipakita mo na lang kay Mava na nag-aalala ka talaga sa kanya imbis na lagi mo siyang inaasar at dinadaan sa biro ang lahat. Drei, kilos-lalaki lang si Mava pero babae pa rin siya."

"Kapag tinrato ko siya na gaya ng pagtrato ko sa ibang babae, hindi na siya magiging espesyal," nakangisi at makahulugang sabi nito.

Bahagyang kumunot ang noo niya. Hindi niya gaanong naintindihan ang sinabi ni Drei. Hinayaan na lang niya. May iba na rin namang kumuha ng atensiyon niya. Isang pamilyar na lalaking may bitbit na tray habang nililibot ang tingin sa paligid ng HappyChic.

Tinaas niya ang kamay niya. "Rio!" Oo, si Rio iyon, ang masungit nilang roommate ni Drei. No'ng nakaraan araw ay nalaman nilang magpinsan na sa ES din pala ito nag-aaral.

Nag-aalangan man no'ng una pero lumapit pa rin si Rio sa kanila at nakisalo sa mesa nila. "Salamat," tipid na sabi nito.

"Hindi ko inaasahan na makikita kita sa lugar na maraming tao, Rio," puna naman ni Drei. "No'ng nakaraan kasi, iwas na iwas ka sa mga tao, lalo na sa mga kaeskwela natin. 'Tapos ngayon, nandito ka sa HappyChic, ang tambayan ng mga taga-ES."

"I'm looking for someone," maikling sagot ni Rio.

Pumito si Drei. "Babae 'yan, 'no? Ang sagwa naman kung nangha-hunting ka ng lalaki imbis na chicks."

"Oo." Bumaba ang tingin ni Rio sa ID na suot ni Emil. Kinuha nito iyon at pinakatitigan ang litratong nakadikit sa likod ng ID.

Hindi nagustuhan ni Emil ang pagkakatitig ni Rio sa likod ng ID niya. Picture kasi ni Sava ang nakadikit do'n. Binawi niya ang ID niya mula rito. "Hoy, alam kong maganda ang girlfriend ko pero off-limits na siya."

Tumalim ang tingin ni Rio sa kanya. "What? Girlfriend mo na siya?"

"Oo. Bakit? May problema ba?" angil niya rito.

"Well, she's the girl I like."

Hinablot niya sa kuwelyo si Rio pero mabilis siyang pinigilan ni Drei.

"Ano ka ba, 'insan. Cool lang," saway ni Drei sa kanya. "'Wag mong kalimutan na hindi lang nag-iisa ang mukha ni Sava sa ES."

"Sava? Ah, no. Hindi Sava ang pangalan niya," kunot-noong tanggi ni Rio. Muling dumako ang tingin nito sa picture ni Sava. "But I'm sure that that's her."

"'Told you, 'insan," tatawa-tawang sabi ni Drei. Pero agad din itong natigilan at tinapunan ng masamang tingin si Rio. "Shit, Rio. Sasakalin kita kapag sinabi mong si Mava ang gusto mo. Mava has the same face as Sava's, pero mas maiksi ang buhok ni Mava." Pinanlakihan nito ng mga mata si Rio. "Siya ba? Siya ba?"

Umiling si Rio. "She has long, straight black hair."

"Ah! Si Lava," sabay nilang sabi ni Drei at parang sabay din silang nakahinga ng maluwag.

"Lava? No. Her name is Lara Valerie Monliva."

Natawa si Drei, saka inakbayan si Rio. "Rio, my friend, iisa lang si Lava at si Lara Valerie Monliva. May mga kapatid siya. Si Sava na girlfriend ni Kuya Emil, short for Sara Valerie Monliva. At ang best friend ko naman, si Mara Valerie "Mava" Monliva. They are triplets."

Pagkasabi niyon ay bumukas ang glass door ng HappyChic at iniluwa niyon ang tatlong babaeng pinag-uusapan nila. Sava, Mava and Lara turned heads as they walked towards them. Iisa lang ang magandang mukha ng tatlo pero iba-iba ang paraan ng paglalakad at pananamit ng mga ito na nagpalutang sa kanya-kanyang katangian ng mga ito.

Sava, as usual, looked graceful and sophisticated. Mava, though wore her soccer team's jersey uniform still possessed the sweet smile and bright aura boys loved about her. And Lava, her solemn face and distant look made her more mysterious and untouchable.

"Shit!" bulalas ni Drei, sabay lapat ng kamay nito sa kaliwang bahagi ng dibdib nito. "Bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko sa tuwing magkakasama ang triplets na 'yan. Ang gaganda nilang tingnan kapag magkakasama sila."

Napahawak din si Emil sa kaliwang dibdib niya. Mabilis din ang tibok ng puso niya. "Oo nga. Ang bilis ng heartbeat ko. Hindi ako makapaniwalang girlfriend ko ang isa sa kanila."

"Yes, yes. When three beautiful girls are sisters, anyone could get doki-doki overload," naiiling na sabi ni Drei.

"Doki-doki?" kunot-noo at sabay na tanong nina Emil at Rio.

"Oo. Doki-doki is an onomatopeia of a fast-beating heart." Umaliwalas ang mukha ni Drei. "Well, that sounded nice. When three beautiful girls are sisters, anyone could get..."

"Doki-doki overload," sabay-sabay na sabi nina Emil, Drei at Rio habang nakalapat ang kamay sa kanya-kanya nilang kaliwang dibdib.

"I can't believe I said that," reklamo ni Rio.

To Find You, My Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon