37th Chapter

1.5K 46 7
                                    

Sara Valerie "Sava Monliva

NAKAHARAP si Sava sa laptop niya habang kausap si Echo gamit ang Skype. Naroon siya ngayon sa mansiyon ni Emil sa Baguio habang ang huli ay patakbong umaakyat ng bundok para mag-ensayo. Hindi siya nito pinasama dahil kadalasan daw ay may pumupuntang media sa unang araw ng pag-akyat nito ng bundok. Sa susunod na lang daw siya sumama.

"So, you're in Baguio, huh?" nakataas ang kilay na tanong ni Echo.

Nakangising ipinakita niya rito ang mga kamay niyang hindi na makikita dahil itinago niya ang mga iyon sa sleeves ng jacket niya. "Ang lamig dito ngayon, Echo."

Natawa ito ng marahan. "I can see that. And I can see how happy you are to be with him again. Hindi ko inakalang mauuwi sa ganito ang simpleng pagpayag ko sa pakiusap mo na kausapain ko ang ninong ko para ikaw ang gawing photographer sa photoshoot ni Emil."

Ngumiti lang siya. Totoong nakiusap siya kay Emil na gawing photographer sa photoshoot ni Emil. Kasinungalingan lang ang sinabi niya sa huli na hindi makakarating ang photographer. She just wanted to be with him, at hindi naman niya pinlano ang lahat ng iyon.

Napabuntong-hininga siya. "Hindi na yata ako magbabago. Hanggang ngayon, makasarili pa rin ako. I still chose to be with him for a little longer, kahit alam kong sa huli ay lalayo pa rin ako sa kanya at masasaktan ko na naman siya."

Maging si Echo ay bumuntong-hininga rin. "Kelan mo ba balak sabihin kay Emil ang katotohanan?"

Nagkibit-balikat siya. "Hangga't mahal pa niya ang boxing."

"Hindi mo maitatago sa kanya ang katotohanan habambuhay."

Niyakap niya ang mga binti niya na nakapatong sa inuupan niya. "Alam ko naman 'yon, Echo. Pero huwag muna ngayon. He's aiming to become a three-division world champion. Sisirain niya ang sarili niyang pangarap kapag nalaman niya ang totoo."

Matagal bago muling nagsalita si Echo. "Mahal na mahal mo si Emil. He's lucky."

Isang banayad na ngiti lang ang isinagot niya kay Echo. Mahal pa nga niya si Emil pero hindi na gano'n ang nararamdaman nito para sa kanya. Kung mahal pa siya nito, hindi sana ito papayag na tapusin na nila ang nakaraan nila. 'Yon naman talaga ang mas makakabuti para rito, pero siyempre, nasasaktan pa rin siya. Pero sa ngayon, hanggang sa matapos ang pagsusulat niya sa lifestory nito, susulitin niya muna ang bawat araw na magkasama sila.

"I wanted to hate Emil for what happened," mayamaya ay sabi ni Echo. "But everytime I remember what you did years ago, nawawalan na ko ng ganang magalit sa kanya. Gano'n din siguro ang nararamdaman ng pamilya ko. You were so nice to us, at hanggang ngayon, hindi mo pa rin kami nakakalimutan. Alam naming lahat na 'yong pagmamalasakit mo ay totoo at hindi lang dahil sa nangyari. We all love you for that."

"I really care for your family, Echo. Kaya nga masaya ako na naging mabuti rin kayo sa'kin. Tinulungan mo pa nga akong makapasok sa TP pagbalik ko ng Pilipinas."

Apat na taon siyang namalagi sa Canada kasama ang mga kapatid niya upang takasan sina Kiefer. Nakarating sila do'n dahil sa mga Soriano. Hindi naging madali ang buhay nila ro'n kahit nasa magandang lugar sila. Ginamit niya ang talino at pinag-aralan niya kaya nakapasok siya sa isang magazine sa Canada bilang writer. Hindi gano'n kasikat ang magazine, pero sapat naman ang kinikita niya ro'n para suportahan ang buhay nila ro'n.

Pero nagsawa rin siya ro'n. Nang masiguro niyang maayos na ang mga kapatid niya ay bumalik na siya ng Pilipinas. Naghahanap siya ng trabaho no'n at tinulungan nga siya ni Echo na makapasok sa Turning Point bilang writer. A year ago, their former features editor quit to get married. She competed for the competition against her colleagues fairly and she got the position.

To Find You, My Love (COMPLETE)Место, где живут истории. Откройте их для себя