40th Chapter

1.8K 46 4
                                    

PADAPA ang higa ni Sava. Nanunuot ang lamig dahil hubo't hubad siya sa ilalim ng comforter. Naramdaman niya ang marahang paghaplos ng mga daliri ni Emil sa mga braso at likod niya. Mayamaya lang ay ang mga labi na nito ang gumagapang mula sa likod niya hanggang sa leeg niya. Pagkatapos ay hinipan nito ang tainga niya.

No'n na natatapos ang pagpapanggap niyang tulog. Pumihit siya paharap at tinapunan ng masamang tingin si Emil na nakangisi lang habang nakakubabaw sa kanya. "Emil!"

"Good morning, my love," masayang bati nito sa kanya.

Napabuntong-hininga na lang siya. Paano pa siya magagalit gayong sinalubong na siya ng nakangiti at napakasaya nitong mukha. "Good morning, Emil. Pinagod mo ko, sira-ulo ka."

"Really? Pero hindi pa tayo tapos," pilyong sabi nito.

"Ha?"

Emil claimed her lips once again in a deep and intoxicating kiss. She encircled her arms around his neck as she moaned in his mouth.

Pareho na silang nasa mood ni Emil nang biglang tumunog ang cell phone niya sa ilalim ng unan. Ayaw man niya, na-distract na siya. Humiwalay siya sa binata at sinagot ang tawag nang hindi tinitingnan ang caller ID.

"Hello?"

"Sava, his vital signs suddenly dropped!"

Napabalikwas siya ng bangon. Kipkip niya ang comforter sa dibdib niya para hindi iyon malaglag. "What happened, Echo?"

Napamura siya sa isipan niya nang aksidenteng mabanggit niya ang pangalan ni Echo sa harap ni Emil. Tiningnan niya ang huli. Dumaan ang sakit sa mga mata ni Emil pero mabilis nito iyong ikinubli sa isang ngiti bago ito padapang humiga sa kama.

"Anong nangyari?" ulit niya sa tanong niya.

"Hindi namin alam, Sava. Tinitingnan pa siya ng mga doktor. Tinawagan ko na rin si Coach Tantenco at sinabi niyang pupunta na siya. Can you come over? Hysterical na si Mommy."

"All right. Pupunta ako d'yan."

Pagkatapos ng tawag ay napabuntong-hininga siya. Nilingon niya si Emil na nakadapa sa kama kaya hindi niya makita ang mukha nito. Gayunman, alam niyang nasaktan na naman niya ito dahil sa mga narinig nito.

Niyakap niya si Emil mula sa likuran at hinalikan ang balikat nito, saka niya hinipan ang tainga nito. Pero wala siyang nakuhang reaksyon mula rito. "Emil, I need to go."

"Yeah, I heard," sabi nito sa halatang pilit na pinasiglang boses. "Ingat ka. Don't worry, magiging maingat ako sa paglabas para walang makakita sa'kin."

"Emil."

Bumuntong-hininga ito at nilingon siya. May kalungkutan sa mga mata nito pero wala namang bakas ng paghihinanakit. "You're leaving me right after we made love. It's kinda lonely, but I'm not mad. I trust you. You'll come back to me, right?"

She smiled apologetically at him. Halata namang iniiwasan nitong banggitin na aalis siya para puntahan si Echo. Naaawa tuloy siya rito, pero wala naman siyang magawa. Ganito ba siya nito kamahal talaga? "I will. I'm sorry if I have to do this."

Ngumiti ito, mas masigla na ngayon. "Iisipin ko na lang na nagro-role play tayo at ako ang lover mo. In a way, it thrills me."

Natawa siya dahil halata namang nagbibiro lang ito. "Babawi ako sa'yo."

Tumango-tango ito. "Yeah. Ihanda mo na ang sarili mo. Lagot ka sa'kin mamayang gabi."

Tumaas ang kilay niya. "Mamayang gabi? Wala ka bang training?"

To Find You, My Love (COMPLETE)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin