35th Chapter

1.4K 41 2
                                    

"TINGNAN mo nga naman, Emilio. Aba'y sikat na sikat ka na, ha. At kung tawagin ka na ngayon ay 'Pinoy Champ. Naaalala ko noon ay 'yong mga siga lang sa kanto ang binubugbog mo. Ngayon ay mga porener na!"

Natawa si Emil. "Si Mang Emyong talaga, oh. Hanggang ngayon ay mapagbiro pa rin kayo."

Tinapik-tapik siya nito sa balikat. "Pero masaya talaga ako na kahit ang tayog na ng lipad mo, nagawa mo pa ring bumaba sa lupa. Nagbalik ka pa rin dito sa San Felipe at tumutulong ka pa ngayon sa mga kabataan natin. Bilang dati niyong kapitan, ipinagmamalaki kita."

Sinang-ayunan din ng iba pa nilang mga kababayan na kasalo niya sa inuman. Naroon sila ngayon sa hardin ng ipinatayo niyang mansiyon para sa ama niya sa bayan nila. Sa tuwing umuuwi siya ro'n ay naghahanda siya ng malaking salu-salo na bukas para sa lahat.

Aalis na sila bukas kaya naisipan niyang makipag-inuman muna sa mga kababayan niya. Si Kenneth naman na hindi sanay makisalamuha sa maraming tao ay tulog na sa guest room.

"Alam ko hong narating ko ang tagumpay na 'to dahil ipinagdadasal niyo ko sa bawat laban ko," nakangiting sabi niya.

"Aba'y oo naman!" sabay-sabay na sagot ng mga kainuman niya.

Natigilan lang silang mga kalalakihan nang marinig ang malakas na tawanan ng grupo ng mga kababaihan na hiwalay ang inuman sa kanila. Nalaman niya ang dahilan ng tawanan nang makita niya si Pepe, ang kaklase niya noon, na nag-abot ng bulaklak kay Sava. Pulang-pula na ang mukha ni Sava noon, tanda na lasing nito.

Naningkit ang mga mata niya. Bata pa lang sila ay alam niyang may gusto rin si Pepe kay Sava. Hindi pa rin pala sumusuko ang ugok na 'yon.

"Ngayon lang uli nagbalik si Sava sa San Felipe. Lumaki siyang napakagandang bata," nakangiting sabi ni Mang Emyong na tinatapunan siya ng nanunuksong tingin. "Emilio, masaya ako na sa kabila ng lahat, kayong dalawa pa rin ang nagkatuluyan. Mga bata pa lang kayo, alam kong kayo na ang nababagay para sa isa't isa."

Gusto sana niyang itama ang maling hinala ni Mang Emyong at sabihing trabaho lang ang dahilan kung bakit magkasama sila ni Sava, pero nagbago ang isip niya nang makita niya ang paghanga sa mga mata ng mga kalalakihan do'n.

Tumayo siya at in-excuse ang sarili niya. Lumapit siya kay Sava saka hinawakan ang dalaga sa siko, dahilan para matigilan ang lahat at mapatingin sa kanya. "Please excuse us. Mukha kasing lasing na 'tong si Sava. Ihahatid ko lang siya sa kuwarto niya."

Tinapunan niya ng masamang tingin si Pepe, na mabilis umalis sa daan niya. Inakay naman niya si Sava pero dahil iika-ika na ito dala ng kalasingan, pinangko na lang niya ito. Pinalupot naman nito ang mga braso nito sa leeg niya at sinubsob ang mukha nito sa dibdib niya. Inulan sila ng tuksuhan ng mga tao pero ngumiti lang siya at saka pumasok sa loob ng mansiyon.

"I can't believe you got drunk that easily," natatawang sabi niya kay Sava nang paakyat na sila sa hagdan.

Tumingala si Sava sa kanya. Nakalabi ito. "Lambanog kaya 'yong ininom namin. Ang yabang mo palibhasa, hindi ka naman umiinom. Pinapapak mo lang 'yong pulutan."

Natawa siya ng marahan. Totoo iyon. Alam naman ng lahat na hindi siya puwedeng malasing kaya hinahayaan siya ng mga ito na tumikim-tikim lang ng lambanog. "True. But it's kinda cute seeing you drunk."

Biglang napangiti si Sava, 'yong klase ng ngiti na nagsasabing masayang-masaya ito. "You know, Emil, I really like it when I hear you speak in English. Ang ganda sa pandinig."

Ngumiti rin siya, saka maingat na hiniga sa kama niya si Sava. Do'n niya ito dinala sa kuwarto niya. "Sa tinagal-tagal ko ba naman sa Amerika, natuto na kong mag-Ingles. Saka kinailangan ko matutong magsalita niyon para maintindihan ko 'yong mga pinagsasasabi sa'kin ng mga kalaban ko. And I learned that most of the time, minumura lang pala nila ako, lalo na kapag weigh-in. Uso kasi trash talk do'n."

Bumangon si Sava. Tinapik nito ang espasyo sa tabi nito kaya umupo siya sa gilid ng kama. She gently cupped his face. "Ang layo na ng narating mo, Emil. Nagsimula sa maling dahilan ang pangrap mong maging boksingero, pero ngayon, nakikita kong mahal na mahal mo na 'to."

"Tama ka, Sava. Ang boksing ang nagbigay ng bagong direksyon sa buhay ko. Napariwara na siguro ang buhay ko kung hindi dahil dito."

Sa kanyang pagkagulat ay biglang pumatak ang mga luha nito. "Patawarin mo ko kung hindi kita nagawang suportahan sa pangarap mo noon. Natakot kasi ako na baka dalhin ka sa kapahamakan ng kagustuhan mong iligtas ako mula sa mga taong humahabol sa'ming magkakapatid. Mas napabuti ka pa nga no'ng nawala ako. Kaya kahit masakit, masaya ako sa kinahantungan ng lahat ng ito."

Pinunasan niya ang mga luha nito gamit ang mga daliri niya. "Hindi totoo 'yan, Sava. Narating ko ang lahat ng 'to dahil sa'yo. Dahil tinuruan mo kong mangarap."

Tuluyan na itong napaiyak. "I was so selfish for leaving you just like that. Gusto kong sabihin sa'yo kung bakit malapit ako kay Echo para bumalik ka na sa'kin, pero hindi puwede dahil ayokong sirain mo ang sarili mo. Gusto kong maging akin ka uli, pero alam kong hindi na puwede."

Naguluhan siya sa mga sinabi nito. Dala marahil ng kalasingan kaya nito nasabi ang mga iyon, pero alam niyang may kahulugan ang mga iyon. "Sava, anong ibig mong sabihing masisira ako kapag nalaman ko kung sino talaga si Echo?"

Halatang nagulat ito, na para bang may nasabi itong hindi dapat. Pero umiling lang ito. "Kalimutan mo na 'yon. Lasing lang ako."

"No. Sava –" Hindi na niya naituloy ang sinasabi niya nang siilin siya ng halik sa mga labi ni Sava.

Lahat ng iniisip niya kanina ay biglang lumipad nang paghiwalayin ni Sava ng dila nito ang mga labi niya. Napaungol na lang siya at tinugon niya ang mga halik nito. He pulled her by the nape to deepen the kiss more, while his other hand encircled itself on her waist to pull her closer, until she was sitting on his lap. Mayamaya pa, hinayaan na niya ang sarili niyang mapahiga sa kama habang nasa ibabaw niya ang dalaga. Hindi pa rin naghihiwalay ang mga labi nila.

Nang mga sandaling iyon, mabilis nabasag ang pangako niya sa sarili niyang hindi na niya mamahalin si Sava. Dahil nang sandali pa lang na pumatak ang mga luha nito, alam niyang kahit kailan ay hindi ito nawala sa puso niya.

At sa nakalipas na pitong taon, ang paghahanap niya kay Sava ang bumuhay sa kanya.

Sava broke the kiss for air. Sinubsob nito ang mukha nito sa dibdib niya. Niyakap niya ito mahigpit. Ilang sandali silang nanatili lang sa gano'ng posisyon. Naisip niya, naririnig kaya nito ang malakas at mabilis na tibok ng puso niya ngayon?

"Sava... mahal mo pa ba ko?"

"Mahal kita, Emil. Pero ito 'yong klase ng pagmamahal na matutupad lang kapag pinakawalan kita."

Humigpit ang pagkakayakap niya kay Sava. She was saying goodbye once again. "Bakit kailangan mo kong pakawalan?"

Tumingala ito sa kanya. Wala siyang ibang nakita sa mga mata nito kundi pagmamahal para sa kanya. "Hindi kita nagawang suportahan noon. Kaya sa pagkakataong ito, ako naman ang magsasakripisyo para sa pangarap mo."

Mapait na ngumiti siya. "Kung gano'n, hindi talaga tayo puwede?"

Tinapatan nito ang ngiti niya ng malungkot nitong ngiti. "Hindi puwede."

To Find You, My Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon