14th Chapter

1.6K 53 4
                                    

MASAYA si Sava sa takbo ng buhay niya ngayon. Labing anim na taong gulang silang magkakapatid at katatapos lang ng high school ng mamatay ang ina nila na namamasukan noon bilang yaya ni Vladimir sa pamilya Soriano. Namatay ito sa pagliligtas sa buhay ni Vladimir nang tangkaing dukutin ang binata at ang ina nitong si Tita Sonia.

Bilang pagtanaw ng utang na loob ay kinupkop sila ni Tita Sonia at pinag-aral sa elite na unibersidad. Wala silang galit sa pamilya dahil alam nilang minahal talaga ng ina nila ang mga Soriano. Isa pa, mabait at mabuti ang ginang sa kanila. Dalawang taon silang nanirahan sa mansiyon, pero kinailangan nilang lumayo sa pamilya Soriano at tumira sa dorm.

No'n na kasi nagpakita sa kanila ang walang kuwenta nilang ama. Nang nalaman ng lalaking iyon na kinukupkop silang magkakapatid ng mayamang pamilya ay parang linta na ito kung dumikit sa kanila para hingan ng pera, hanggang sa isangkot na sila nito sa utang nito sa mga sindikato. Noon ay hindi lalagpas ng dalawampung libo ang binabayaran nilang utang kaya kahit paano ay nagagawan nila ng paraan iyon, pero ngayon ay umabot na sa milyon ang utang ng matandang iyon.

Iyon din ang dahilan kung bakit pinutol niya ang ugnayan niya noon kay Emil. Ayaw niya itong madamay sa problema niya. Pero nakakatawa at nakakainis na ito pa ang lumapit sa problema. Mali man, pero masaya pa rin siyang hindi siya nito iniwan kahit alam nito ang kapahamakang naghihintay dito.

"Sava, bakit mo t-i-n-ype ang pangalan ni Kuya Emil d'yan sa essay na ginagawa mo?" untag ni Mava sa kanya.

No'n siya natauhan. Naroon sila ng mga kapatid niyang sina Mava at Lava sa HappyChic habang hinihintay ang kanya-kanyang sundo. Habang nagpapalipas ng oras ay hiniram niya ang laptop ni Lava para makagawa siya ng online writing jobs, since libre ang wi-fi sa HappyChic.

Napangiti siya nang makitang na-i-type nga niya ang pangalan ni Emil do'n. Binura niya agad iyon. "Ano ba 'yan. Nakakahiya."

Pabirong siniko siya ni Mava. "Masyado namang halata na in love na in love ka sa kanya. Pero Sava, masaya talaga ako na nagkabalikan na kayo ni Kuya Emil. Hindi ba, Lava?"

Bahagyang ngumiti si Lava sa kanya. "Alam mo ba, Sava, kung hindi ka pa nakipaghiwalay sa Syd na 'yon noon, talagang lalapit na ko kay Emilio para sabihin sa kanya ang totoong dahilan kung bakit nakipaglapit ka sa Syd na 'yon." Biglang lumungkot ang mukha nito. "Dahil sa problema natin, kung anu-ano nang nagagawa natin para lang magkapera. I feel awful."

Nalungkot din siya. Inakbayan niya sina Mava at Lava. "Matatapos din ang lahat ng ito."

Sabay na hinawakan nina Mava at Lava at suot na kuwintas ng mga ito. Meron din siya no'n. Pamana iyon ng ina nila sa kanila noong ika-pitong kaarawan nilang magkakapatid. May pendant iyon na hugis "M", ang initial ng apelyido nila.

Bumungisngis na lang silang tatlo mayamaya. Nilingon niya si Lava na tahimik na ngayon habang kinakagat-kagat ang straw ng iniinom nito. "Lava, puwede bang mamaya ko na isoli 'tong laptop mo? Hindi pa kasi ako tapos." Si Lava lang ang may laptop sa kanilang tatlo. Regalo iyon ni Vladimir rito.

Tumango si Lava. "Okay lang. Hihiramin ko na lang mamaya 'yong laptop ni Vlad para magawa ko 'yong report ko."

"Puwede mong hiramin 'yong akin."

Sabay silang napatinging magkakapatid sa kabilang mesa kung nasaan ang nagsalita. Si Rio iyon, nakapalumbaba habang nakatingin kay Lava. Roommate ito nina Emil at Drei.

"Hindi mo na kailangang mag-abala. Susunduin naman ako ni Vladi –" Natigilan si Lava sa pagsasalita nang itapat ni Rio – na ngayon ay nakatayo na sa tabi nito – sa bibig nito ang isang strawberry cupcake. Walang isip-isip na kinagat iyon ng kapatid niya, kahit hawak pa iyon ng binata.

To Find You, My Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon