31st Chapter

1.5K 43 3
                                    

UMUNGOL si Emil nang tumama ang liwanag sa mga mata niya. "Kenneth, close the damned blinds!"

Nang walang tumugon sa kanya at minulat na niya ang mga mata niya. Napabalikwas siya ng bangon nang mapansing wala siya sa kuwarto niya. Kinakapa na niya ang cell phone niya sa bulsa niya para tawagan si Kenneth nang mahagip ng tingin niya ang picture frame sa bed side table. Maraming mukha ang nasa larawan, pero agad niyang nakita si Sava ro'n.

Sava?

Ah, naalala na niya ang lahat ng nangyari. Pero mas tumatak sa isipan niya ang paghalik niya kay Sava. Napangiti siya, pero agad din iyong nawala nang dumako ang tingin niya sa larawan. Kasama rin pala ni Sava si Echo ro'n.

Inalis niya ang picture sa frame. Kinuha niya ang pentel pen sa ibabaw ng drawer saka initiman ang mukha ni Echo sa litrato. Nang makuntento ay sinauli na niya ang larawan sa frame. Lumabas na siya ng kuwarto at hinanap si Sava. Maliit lamang ang lugar. Kung tama siya, nasa isang apartment siya.

Natigilan siya nang may makita siyang mapuputing hita na nakasilip mula sa likuran ng sofa. Napalunok siya. Dahan-dahan niya iyong nilapitan at muli siyang napalunok nang makita si Sava na mahimbing ang tulog. She was curled up in a ball on the floor. Maluwag na T-shirt at maiksing shorts ang suot nito. Hanggang sa pagtulog nito ay inaakit talaga siya ng babaeng ito.

Humiga rin siya sa sahig, paharap kay Sava. Pagkatapos ay nilabas niya ang cell phone niya at tinutok ang camera niyon sa kanila ng dalaga. He took a picture of them. Napangisi siya sa sarili niyang kalokohan.

Bumangon siya at tinitigan ang picture nila ni Sava. Pero no'n niya napansin na nakakalat ang diyaryo sa paligid ni Sava. Lahat ng iyon ay nakabukas sa pahina ng classified ads. She was probably looking for a new job. Naawa siya rito. Malalaki ang itim sa ilalim ng mga mata nito. She must have spent the whole night hunting for a job.

Akmang hahawiin niya ang buhok na nakatabing sa mukha ni Sava nang kumilos ito at magsalita ng kung ano. Napangiti siya. He leaned down closer on her ear. Pagkatapos ay hinipan niya ang tainga nito, gaya ng madalas niyang gawin dito noon.

Napabalikwas ng bangon si Sava. Sakto lang ang pag-atras niya para hindi magbungguan ang mga noo nila.

"Emil!" reklamo ni Sava na pulang-pula ang mukha habang nakahawak sa tainga nito na hinipan niya.

Natawa siya ng marahan. A newly awake and blushing Sava was just perfect. "Good morning to you, too, Sava."

Humugot ito ng malalim na hininga na parang ba kinakalma ang sarili. "Maayos na ba ang pakiramdam mo? You passed out, probably from drinking too much. Alam mo namang mababa ang alcohol tolerance mo."

Nagkibit-balikat lang siya. "I was careless. Paano ako napunta rito sa apartment mo?"

"Tinawagan ka ni Kenneth no'ng nasa kotse mo tayo. Since you were unconscious, ako na ang sumagot sa tawag niya. Tinanong ko siya kung saan kita ihahatid, but he told me to just bring you at my house. May mga reporter daw kasi na nag-aabang sa'yo sa bahay mo." Ginalaw-galaw nito ang mga balikat nito. "Ang bigat mo. At kinailangan ko pang sukluban ng jacket 'yang mukha mo para walang makakilala sa'yo. Buti hindi naghinala ang mga guwardiya dito."

Ngumisi siya. "Thank you."

Tumango lang ito, saka tumayo. "Anyway, you stay here. Ipagluluto lang kita."

Bumaba ang tingin niya sa mahahaba at mapuputing hita ni Sava. Napangisi siya. "Nice legs," aniya habang tumatayo.

She just rolled her eyes. "I know, thank you."

Ah, still the confident girl he knew. But then again, kilala pa ba niya ito? Bigla siyang naging seryoso. "Sava, ano ba talaga ang namamagitan sa inyo ni Echo?"

"I'm his mistress, aren't I?" nakataas ang kilay na sagot nito na para bang pinapaalala sa kanya ang sinabi niya rito noong nasa elevator sila. Nagdadamdam pa rin ito dahil do'n.

Nagtagis ang mga bagang niya. "I'm sorry, Sava."

Humalukipkip ito. "For what?"

"Sa mga sinabi ko no'ng nasa elevator tayo. Hindi ko sinasadya ang mga iyon. Napangunahan lang ako ng galit."

"Bakit ka naman nagalit?"

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko siguro matanggap na magiging kabit ka dahil hindi gano'n ang pagkakakilala ko sa'yo. Pero hindi talaga ako dapat nagpadala sa mga narinig ko tungkol sa inyo ni Echo. Mas kilala kita kaysa sa mga reporter na 'yon. Alam kong hindi mo magagawang sumira ng pamilya."

Hindi sumagot si Sava pero nakita niyang nawala na ang hinanakit sa mga mata nito. Sinsero siya sa lahat ng mga sinabi niya at naramdaman marahil nito iyon.

"I know the rumors aren't true," pagpapatuloy niya. "Kaya bakit hindi mo itinatanggi iyon sa mga reporter?"

"Kapag nagsalita ako, lalo lang magwawala ang mga paparazzi. Kusa rin namang mamamatay ang issue." Tinapunan siya nito ng masamang tingin. "But thanks to you, may bago na naman silang tsismis tungkol sa'kin."

Ngumisi siya nang maintindihan ang tinutukoy nito. Pinaraan niya ang mga daliri niya sa mga labi niya. "Hmm. Yeah, you're probably right. But don't you find it convenient? Tatantanan na ko ni Kara pagkatapos niyang mapahiya. At matitigil naman ang mga tsismis na kabit ka ng EIC niyo."

"As if that helps. Mas lalo lang akong hindi makakalabas ng bahay at hindi makakahanap ng bagong trabaho dahil sa ginawa mo. Imagine, sa tuwing nasa grocery ako o kahit naglalakad sa kalye, tatanungin ako ng mga tao kung totoong boyfriend ko ang boxing idol na si Emilio Agoncillo. At kapag minalas-malas pa ko, baka kuyugin pa ko ng fangirls mo. Kung 'yon ang convenient para sa'yo, wow ha. Salamat," sarkastikong sabi nito.

Natawa lang siya. Bagong gising si Sava, namumula ang pisngi, galit na galit sa kanya pero magandang-maganda pa rin. That was just fucking hot. "Listen to my offer, Sava. Magpanggap kang girlfriend ko hanggang sa tantanan na ko ng mga ex ko, then you'll get your job back."

Humalukipkip ito at tinaasan siya ng kilay. "Paano?"

"Simple lang. Kakausapin ko ang publisher ng Turning Point at sasabihin akong papayag lang ako na isulat nila ang lifestory ko kung si 'Miss Strawberry Ice Cream' ang magsusulat niyon. And mind you, TP ang kauna-unahang magazine na magkakaroon ng exclusive access sa buhay ko. Convenient, isn't it?"

Tumaas lang ang kilay ni Sava.

To Find You, My Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now