29th Chapter

1.4K 46 6
                                    

SERYOSO si Emil habang inaayusan siya ng make-up artist niya para sa photo shoot na iyon. Wala pa kasi ang photographer kaya kanina pa siya retouch ng retouch. Simula nang dumating siya sa Pilipinas ay kaliwa't kanang endorsement na ang inaalok sa kanya ng kung anu-anong produkto magmula gatas hanggang sa mga bitamina. Heck, one even offered him to become the male model of a sanitary napkin alongside its female model!

Ang sabi ni Kenneth ay makakabuti raw sa kanya kung tatanggapin niya ang mga iyon – maliban sa sanitary napkin commercial, siyempre – dahil makakadagdag din iyon sa ipon niya. Hindi naman daw kasi panghabambuhay ang boxing.

"Mr. Roque, I told you Emil didn't want to take your offer anymore. Magsisimula na rin ang training niya next week kaya hindi na namin maisisingit sa schedule niya ang interview na 'yan."

Sinulyapan niya si Kenneth. Nakakunot ang noo nito habang kausap ang publisher ng Turning Point. Mukhang ayaw pa ring sumuko ng TP sa pagkuha sa kanya bilang bagong modelo niyon.

He didn't want anything to do with that magazine, lalo na nang malaman niyang do'n nagtatrabaho si Sava bilang editor at bilang kabit ng EIC niyon. Nahihirapan siyang paniwalaan ang mga nabasa niya sa diyaryo tungkol sa dalawa, pero hindi rin naman niya magawang bale-walain ang nakita niyang espesyal na pag-alala ng mga ito sa isa't isa. That irked him to no end.

Maaari ngang hindi na niya mahal si Sava dahil sa haba ng panahong pagkakahiwalay nila, at dahil na rin sa wala silang naging matinong usapan bago nagkalayo. Pero hindi niya matanggap ang klase ng buhay na meron ito ngayon. Hindi gano'n ang pagkakakilala niya sa dalaga.

'Wag mo na siyang isipin, Emil. Mukha namang maayos na ang buhay niya.

"Ready, Emil?" tanong ni Kenneth sa kanya habang sinisilid nito ang cell phone nito sa bulsa ng pantalon nito.

Sinenyasan niya ang make-up artist na huminto na sa pagkutinting sa mukha niya, saka siya tumayo at inayos ang suot niyang Amerikana. "Ready. Ano naman ang ipinipilit ng TP ngayon?"

"They're still desperate to get you. Pero siyempre, dahil ayaw mo, hindi ko tinatanggap ang offer kahit dodoblehin pa nila ang babayad sa'yo."

Pumito siya. "Mayaman pala ang may-ari niyon."

"Oo, mayaman talaga si Alfonso Sy – ang father-in-law ni Echo Roque. It turned out na nadisgrasya ni Echo si Claire, ang unica hija ni Sy kaya nagkaroon ng shotgun wedding no'ng isang taon."

Tumaas ang kilay niya. "Napikot si Echo?"

Ngumisi si Kenneth. "Gano'n na nga."

Ewan ba niya kung bakit pero lalo siyang nainis. Kung napilitan lang pakasalan ni Echo ang asawa nito, malamang ay ibang babae talaga ang mahal ng tarantadong iyon. Ibang babae sa katauhan ni Sava.

"Ready na kayo, Sir? Nandito na rin po ang photographer natin," imporma sa kanya ng isa sa nga crew sa studio na iyon.

Tumango siya. "Kanina pa," iritadong sabi niya na ikinatakot yata ng lahat ng naroon, maliban siyempre kay Kenneth na tinawanan lang siya at tinapik sa balikat.

Ala bar ang setting ng studio na iyon. Sa harap ng malaking puting tela ay may bar counter kung saan nakapatong ang brand ng alak na ineendorso niya. Ang kailangan lang niyang gawin ay ngumiti habang hawak ang mga bote. Kailangan din niyang makuhanan ng iniinom ang alak. Ang mga litrato ay gagawing mga commercial poster.

"Hmm. Bakit nakasimangot ang model?"

Pakiramdam ay nanigas siya sa kinatatayuan nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Pagpihit niya paharap ay sumalubong sa kanya ang nakangiting si Sava. Simple lang ang suot nitong puting collared shirt, fitted pants at itim na boots. Simple lang din ang pagkakapusod ng mahaba at maalon nitong buhok. Yet, with that angelic face of hers and perfectly curved body, she still looked so hot and so beautiful he was having a hard time retaining that frown of his.

To Find You, My Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now