22nd Chapter

1.3K 42 4
                                    

NAIINIS na tinapik ni Sava ang kamay ni Kiefer na nakahawak sa braso ni Mava. "Bitawan mo nga ang kapatid ko!"

Binitawan naman ni Kiefer ang kamay ni Mava. "Hindi mo kailangang sumigaw."

Sumiksik silang magkakapatid sa isa't isa habang magkakayakap. Wala silang nagawa nang tumawag si Kiefer kay Mava at sabihin nitong kitain nila ang mga ito sa abandonadong warehouse malapit sa dormitoryo nila noon. Alam nilang maaari silang mapahamak do'n, pero wala naman silang magagawa dahil kung hindi sila sumunod sa gusto nina Kiefer, siguradong sasaktan nito ang mga taong mahalaga sa kanila.

Binitawan ni Kiefer ang hawak nitong sigarilyo at inapakan iyon. Nang dumako ang tingin nito sa kanilang magkakapatid, sabay-sabay silang napaatras sa pader.

Tumawa si Kiefer. "Takot na takot kayo. Sabagay, sino ba namang babae ang hindi matatakot sa ganitong sitwasyon? Pero ibahin niyo ko sa mga gangster o sindikatong napapanood niyo sa mga teleserye. Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa kahit sino sa inyo, at gano'n din ang mga tauhan ko. Hindi ako pumapatol sa mga bata."

Nagtawanan din ang mga tauhan ni Kiefer. Aaminin ni Sava na nakahinga siya ng maluwag. At least, hindi manyak si Kiefer at ang mga tauhan nito. Pero nanatili siyang alerto.

"Ipinapaalala ko lang sa inyo, Monliva triplets," sabi ni Kiefer habang nakapamulsa at pinapasadahan sila ng tingin. "Loan company kami, ilegal nga lang. Ibig sabihin, pera ang nagpapaikot sa "negosyo" namin. Ibig sabihin din, pera niyo ang gusto ko at hindi 'yang patpatin niyong katawan."

"Bakit ba kami ang pinag-iinitan mo? Hindi naman kami ang nangutang sa'yo, ha! Tatay namin 'yon! Tatay na hindi naman namin nakasama ng matagal!" galit na pangangatwiran ni Mava.

"'Yong wala niyong silbing tatay, pinagtaguan na kami. Pero bago nagtago ang gagong 'yon, kayo ang itinuro niyang magbabayad ng mga utang niya."

Sava scoffed. "At naniwala ka namang kayang bayaran ng mga hamak na estudyante ang tatlong milyon?"

Ngumisi si Kiefer. "Soriano. Ang sabi ng tatay niyo, nasa pangangalaga kayo ng mga Soriano – ang pamilyang nagmamay-ari ng malalaking negosyo sa Pilipinas. Barya lang sa kanila ang tatlong milyon, at ang iba pang tubo ng utang ng magaling niyong ama."

"'Wag mong idadamay ang mga Soriano dito!" galit na sigaw ni Lava. Kung may pinakamalapit man sa mga Soriano, lalo na kay Vladimir, si Lava iyon.

"Hindi namin gagalawin ang mga Soriano kung maibibigay niyo ang tatlong milyon sa loob ng tatlong buwan."

Sabay-sabay napasinghap sina Sava at ang mga kapatid niya. Imposibleng makapaglabas sila ng tatlong milyon sa loob lang ng tatlong buwan! Walang nakapagsalita sa kanilang tatlo dala marahil ng matinding gulat.

Bumuga ng hangin si Kiefer. "Kapag hindi niyo naibigay ang tatlong milyon na hihingi ko sa ibinigay kong palugit, baka maisipan ko nang singilin na lang kayo gamit ang mga katawan niyo."

Nakangising hinagod nito ng tingin ang bawat isa sa magkakapatid. "Maputi. Makinis. Maganda. Hindi na rin kayo masama."

The Monliva triplets could only shiver in fear. Mabuti na lang at pagkatapos niyon ay umalis na rin sina Kiefer at ang mga tauhan nito nang hindi sila sinasaktan o dinidikitan.

Napaupo si Sava sa maruming sahig. Hindi na kinaya ng mga tuhod niya ang sobrang takot. "Tatlong buwan... saan tayo kukuha ng tatlong milyon sa gano'n kaiksing panahon?"

Hindi niya puwedeng sabihin kay Emil iyon dahil alam niyang gagawa ito ng paraan para umabot sila sa tatlong buwan na palugit ni Kiefer. Baka mamaya ay ibenta na nito ang kaluluwa nito sa demoniyo. Or worse, baka ibenta na nito ang katawan nito sa mga gay bar!

Kinilabutan siya nang dumaan sa isip niya ang imahe ni Emil na topless at nagsasayaw ng pang-macho dancer sa harap ng mga bading.

Niyakap siya nina Mava at Lava. Naramdaman niya ang pagmamahal ng mga ito. Sa kanilang tatlo ay siya lang naman ang mahina at matatakutin. Tuluyan na siyang naiyak.

"Shh... don't cry, Sava. Gagawa ako ng paraan," pangako ni Lava sa kanya.

"Kaya natin 'to," matatag na sabi naman ni Mava.

To Find You, My Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now