20th Chapter

1.3K 47 2
                                    

HABOL ni Sava ang hininga niya matapos niyang takbuhin ang pasilyo ng ospital. Naabutan niya si Emil na nakaluhod sa harap ng isang ginang. He looked sad, and he looked like he was in pain. Naawa siya rito.

"Emil..." pabulong na bulalas niya.

"Umalis ka na rito," matigas na sabi ng ginang kay Emil. "Alam kong wala kang kasalanan o pananagutan sa nangyari dahil pumirma kayo ng waver ng anak ko bago magsimula ang laban. Pero sa tuwing makikita ko ang mukha mo, hindi ko maiwasang isisi sa'yo ang nangyari."

Pagkasabi niyon ay tumalikod na ang ginang at naglakad palayo. Pero nanatili si Emil na nakaluhod, kahit pinagtitinginan na ito ng mga tao.

Naawa si Sava rito. Nilapitan niya si Emil at sinubukan itong itayo pero pinabigat lang nito ang katawan nito. Nag-squat siya paupo sa harap nito. "Emil, umuwi na tayo."

Umiling si Emil at nanatili itong nakayuko lang. "Kung may masamang nangyari kay Von, kung hindi na siya magising, hindi ko alam kung gugustuhin ko pa ring mag-boxing," anito sa basag na boses.

Nagulat siya. "Pero Emil... ang boxing ang pangarap mo."

Nagulat siya ng madali na niyang nasabi ang salitang "pangarap". No'ng una pa lang ay alam niyang naging pangarap na para kay Emil ang pagbo-boksing dahil nakita niya kung gaano ito kasaya ro'n. Hindi lang niya iyon matanggap dahil alam niyang delikado iyon.

But he looked broken now. Kapag nawala rito ang boxing, may pakiramdam siyang hindi na babalik ang dating Emil na kilala niya. At natakot siyang mangyari 'yon.

"Natatakot ako, Sava. Natatakot ako na kapag hindi nagising si Von, baka hindi ko na rin magawang mag-boksing. Ayokong mawala sa'kin ang pagbo-boksing. Dito ako masaya, pero hindi ko kayang abutin ang pangarap ko gayong alam kong may isang tao akong inagawan ng pagkakataong maabot ang pangarap niya," pagtatapat ni Emil. Nanginginig ang buong katawan nito at umiiyak ito.

Niyakap niya ito ng mahigpit para iparamdam niya rito ang pagmamahal niya dahil alam niyang iyon na lang ang magagawa niya. "Shh... magiging maayos din ang lahat, Emil."

Ngayon niya lang nakitang gano'n kahina si Emil. Ni hindi nga niya magawang tingnan ito sa mga mata dahil hindi niya kayang makita ang sakit at desperasyon na makikita sa mga iyon. She didn't want to see him broken and bitter about himself. Natatakot siya dahil pakiramdam niya, ano mang oras ay mawawala ito sa kanya. She was afraid to lose him.

Kailangan may gawin siya para kay Emil. Ilang araw pa ang lumipas, siya at si Coach Tantenco ay ibinalita kay Emil na nasa mabuting kalagayan na si Von pero nagtungo na sa Amerika ang pamilya nito. Dahil do'n ay bumalik sa boxing si Emil, pero sa pagkakataong iyon ay sa Tanteco Boxing Gym na.

To Find You, My Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon