36th Chapter

1.5K 52 5
                                    

"IPA-BACKGROUND check si Echo Roque?"

Tumango si Emil bilang sagot sa tanong ni Kenneth habang iniikot-ikot niya ang mga balikat niya. "Oo. Gusto kong malaman kung bakit nasabi ni Sava na masisira ako kapag nalaman ko kung sino talaga si Echo. Kahit lasing siya no'n, alam kong may kahulugan 'yong sinabi niya."

"Okay. I'll here a PI."

Tinapik niya ito sa balikat. "Thank you, pare."

"Alisin mo muna sa isip mo ang problema niyo ni Sava at mag-concentrate ka muna sa training. Aakyatin pa natin 'yang bundok na 'yan."

Tumango lang siya at nagsimula nang mag-warm up. Malamig ang klima sa ibaba pa lang ng bundok sa Baguio kaya hindi gano'n kadaling kumilos do'n, lalo na ang tumakbo paakyat ng bundok.

Pero kailangan niyang gawin iyon bilang bahagi ng pagsasanay niya. Kasama niya ro'n si Kenneth, at ang ilang mga kasamahan niyang baguhang boksingero na nagsasanay din.

Iniwan niya muna sa bahay-bakasyunan niya sa Baguio si Sava para makapagpahinga ito. Isa pa, may mga reporter kasi ro'n na binabalita ang pagsasanay niya. Ayaw niyang matuon kay Sava ang atensiyon ng media kapag nakita ng mga ito ang dalaga ro'n. Gaya ng sinabi ni Kenneth noon, dapat ang laban niya ang maging usapan ng mga tao at hindi ang lovelife niya.

"Anyway, pauwi na si Daddy mula sa business trip niya abroad. Mukhang may mga bago siyang recruit na maging boksingero niya," nakangising sabi ni Kenneth na ang tinutukoy ay si Coach Tantenco.

"Alam ba niyang kasama ko na uli si Sava?"

"Alam niya. Tinawagan niya si Sava no'ng natutulog ka. Ang tagal nilang nag-usap, though hindi ko narinig kung anong pinag-usapan nila. Mukhang seryoso, eh."

Kinabahan siya. "Anong sinabi ni Coach kay Sava?"

Natawa si Kenneth, saka siya tinapik sa balikat. "Hey, boxing coach mo ang daddy ko. Wala siyang pakialam sa lovelife mo as long as hindi iyon makakapekto sa mga laban mo. Hindi niya kayo paghihiwalayin ni Sava. Siguro may binilin lang siya kay Sava, like 'wag magsusuot ng sexy para hindi ka ma-distract."

"Gago!" natatawang sabi na lang niya.

Iniikot-ikot niya ang leeg niya nang may dalawang magarang sasakyan ang dumating. Napangiti siya nang bumaba sa mga iyon ang pinsan niyang si Drei at ang kaibigan nilang si Rio.

"Long time no see, Drei, Rio!" masayang bati niya sa mga ito habang naglalakad palapit sa dalawa.

Ngumiti si Drei at niyakap siya. "I missed you, 'insan!"

Natawa lang siya saka ito tinapik sa likod. Nag-umpog-kamao naman sila ni Rio. "Anong meron at nandito kayo?"

Nilagay ni Rio sa itaas ng ulo nito ang shades nito bago ito sumagot. "We just want to see you bago ka magpakalunod sa pag-e-ensayo mo. I-gu-goodluck ka namin para ma-pressure kang manalo dahil malaki ang ipinusta namin sa'yo."

"Oo nga, 'insan. Tinaya ko ang lahat ng kinita ko sa pelikula ko no'ng nakaraan para sa'yo. Alam kong matatalo mo si Juan Martin at magiging three-division world champion ka, or else, babalik kami ni Rio sa dorm natin noong college," pagbibiro naman ni Drei.

Napangisi lang siya sa mga pinagsasasabi nina Drei at Rio. Sa pitong taong lumipas ay malaki na rin ang pinagbago ng dalawang ito. Drei was now a famous celebrity, while Rio was one of the country's most successful young businessmen. Nakakatuwang isipin na noon ay nagsisiksikan silang tatlo sa maliit na kuwarto ng dorm nila, pero ngayon ay may sinasabi na sila sa buhay. At higit sa lahat, nanatili silang malapit na magkakaibigan.

"Loko talaga kayong dalawa," naiiling pero nangingiting sabi niya. "But I'm happy that despite your busy schedule, nagawa niyo pa rin akong bisitahin at palakasin ang loob. I'll win the match for sure. Next time we see each other, Super Featherweight Champion na ako at "hu u" na rin kayo sa'kin."

Nagkatawanan lang silang magkakaibigan at nag-umpog-kamao. Ang dalawang ito ang dahilan kung bakit sa kabila ng lahat ay naging masaya pa rin siya sa mga lumipas na taon.

Lumingon-lingon sa paligid si Drei. "I thought you'd bring Sava here with you."

Tumaas ang kilay niya. Nabalitaan marahil ng pinsan niya ang muling pagiging "magkasintahan" nila ni Sava dahil nasa mga pahayagan iyon. "Bakit hinahanap mo si Sava?"

Dumaan ang pag-aalinlangan sa mga mata ni Drei, pero sa huli ay bumuga ito ng hangin at nagsalita na rin. "I just want to ask Sava where Mava is."

Nilingon ni Emil si Rio at napansin niyang nakasimangot na ito, malayo sa maganda nitong mood kanina. Napabuntong-hininga siya. Hindi lang kasi siya ang naghanap sa triplets ng mawala ang mga ito noon. "Hindi binabanggit ni Sava ang tungkol kina Mava at Lava kaya wala rin akong alam kung nasaan ang dalawa. Pero gaya ng hinala natin noon, umalis sila para tumakas sa mga pagkakautang nila. But Sava said they're free now."

Nakahinga ng maluwag si Drei, pero agad ding nalaglag ang mga balikat nito. "Kung gano'n, bakit hindi pa rin nakikipagkita si Mava sa'kin? Masuwerte ka, Kuya Emil, dahil nagkabalikan na kayo ni Sava."

Umiling siya. "Hindi totoong nagkabalikan na kami ni Sava. Palabas lang namin 'yon para tigilan na ko ni Kara at para makuha niya uli ang trabaho niya. She refused to accept me again."

"Oh. Ang tigas pa rin ng Monliva triplets hanggang ngayon."

Rio scoffed. "Matigas? That was an understatement, Drei. Those sisters are cruel, wicked and hard-hearted. Lalo na si Lava. I fucking hate that woman."

Nagkatinginan na lang si Emil at Drei, at sabay napailing.

Gustuhin man niyang ipagtanggol ang magkakapatid mula sa pang-iinsulto ni Rio, hindi niya ginawa dahil kung meron mang higit na nasaktan sa pagkawala ng triplets, si Rio iyon. At totoong napakalupit ng ginawa ni Lava kay Rio na kahit siyang nanonood lang sa mga nangyari sa dalawa ay nasaktan din.

Nag-inat si Drei. "Well, no matter how cruel those Monliva triplets are for their sudden disappearance, hindi pa rin maitatanggi na kapag kaharap natin sila..." Hinawakan nito ang dibdib nito, saka tumingin sa kanila ni Rio.

Nilapat din ni Emil ang kamay niya sa dibdib niya, sa bandang puso pero si Rio, nanatiling nakapamulsa lang.

"We still get that fucking doki-doki overload," sabay-sabay na mapait nilang sabi.

To Find You, My Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now