27th Chapter

1.4K 41 0
                                    

NANGINGINIG ang mga kamay ni Emil sa galit habang binabasa ang artikulo sa kung anong diyaryo. Ayon sa mga nakasulat do'n ay kabit si Sava ng EIC ng Turning Point Mag na si Echo Roque at ang lalaki ang dahilan ng pagiging editor ni Sava sa babasahin.

Hindi niya magawang mapaniwalaan iyon. Hindi gano'ng klase ng babae ang kilala niyang Sava. But then again, he didn't know what happened to her or what she had become for the past seven years.

Naguguluhan siya. Hindi niya matanggap ang nababasa niya, pero sa tuwing naaalala niya kung paano pinrotektahan ng Echo na iyon si Sava kanina mula sa mga reporter, hindi niya magawang mabale-wala ang pangit na balitang iyon.

"Calm down, Emil, will you?" iritadong saway ni Kenneth sa kanya.

Nilamukos niya ang diyaryo. "Kalmado ako."

"You're not. Galit na galit ka."

"Galit na galit? Hindi mo ko kilala kapag galit ako, Kenneth." Mapait na ngumisi siya. "Hintayin mong makaharap ko ang 'tang inang Echo Roque na 'yan."

Naroon sila ngayon ni Kenneth sa conference hall ng TP Mag at hinihintay si Echo para pag-usapan sana ang pagtanggap niya sa offer nito na i-feature ang lifestory niya. Pero ngayon pa lang, binabawi na niya ang desisyon niyang iyon.

"Fuck, Emil! Pinapaalala ko lang sa'yo, hindi mo puwedeng gamitin 'yang kamao sa pagsuntok sa mga inosenteng tao," naiiling na sabi ni Kenneth.

No'n bumukas ang pinto ng conference room at iniluwa niyon si Echo. Mas mukha na itong kalmado kaysa kanina noong pinagkakaguluhan ito ng mga reporter.

"Mr. Agoncillo, Mr. Tantenco, I'm sorry for making you wait," nakangiting bungad ni Echo sa kanila. "Hindi niyo alam kung gaano niyo pinasaya ang team namin nang sabihin niyong darating kayo –"

"Really?" sansala ni Emil sa sinasabi nito. "Aw, that's too unfortunate. Ngayon pa lang tuloy nadudurog na ang puso ko dahil alam kong malulungkot ang team niyo ngayong sasabihin ko nang nagpunta kami rito para sabihing hindi naman tinatanggap ang alok niyo."

Gulat na nilingon siya ni Kenneth. "We're not?"

"We're not," giit niya. "Ngayong nasabi ko na ang sagot ko, aalis na kami."

Tumayo na siya at naglakad na palabas ng kuwarto, kasunod si Kenneth. Pilit namang umaagapay ng lakad sa kanya si Echo. Isinilid niya ang mga kamao niya sa loob ng magkabilang bulsa ng jacket niya bago pa humalik ang isa sa mga iyon sa pagmumukha ng tarantadong lalaki.

"Mr. Agoncillo, can we sit down first and talk about this once more?" pakiusap ni Echo. "Ibibigay namin ang lahat ng gusto nito. You asked for Miss Strawberry Ice Cream, right? Gusto mong siya ang mag-interview sa'yo, hindi ba?"

Natigilan siya nang marinig iyon. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang nag-iinit niyang ulo. Mukhang may ideya na siya kung sino ang "Miss Strawberry Ice Cream" sa Turning Point Magazine.

At parang pagkumpirma sa hinala niya, bumukas ang pinto at niluwa niyon si Sava. Muli ay parang bumagal na naman ang pag-ikot ng mundo ngayong kaharap na niya ang babaeng hinahanap niya sa nakalipas na pitong taon. She was still the same yet different girl from his past. Hanggang ngayon ay maganda at elegante pa ring tingnan si Sava. Maamo ang mukha, sopistikadang manamit, pino kumilos. Gayunman, may ilan ding nagbago rito. Her body was now fully-developed; all the curves were in the right places. At ngayon, may nakakaakit na aura na rin itong inilalabas. She looked like a walking temptress.

"Sava, I'm glad you came in time," nakangiting sabi ni Echo, saka ito lumapit sa dalaga. "Nasabi ko na ang tungkol sa request ni Mr. Agoncillo, hindi ba?"

Nag-iwas ng tingin si Sava sa kanya para lingunin si Echo. "Alam ko 'yon, Echo. Pero hindi ko na magagawa 'yon. Your father-in-law fired me from my job."

"What?!" gulat na bulalas ni Echo. Pagkatapos ay gumuhit ang matinding pag-alala sa mukha nito. Hinawakan din nito sa magkabilang-balikat si Sava. "Is it because of the rumors? Don't worry, Sava. I'll do everything to clear this up and to get your job back to you."

Umiling si Sava. Bakas ang stress sa mukha nito pero nagawa pa rin nitong bigyan ng matamis na ngiti si Echo. "Mas lalo lang lalala ang lahat kapag ginawa mo 'yon. I can handle this alone, Echo."

Naramdaman ni Emil ang pagbaon ng mga kuko niya sa mga palad niya. Siguradong magagalit si Kenneth dahil sa ginagawa niya sa mga kamay niya, pero mas mabuti na iyon kaysa lumipad ang kamao niya sa mukha ni Echo. Alam niyang wala na siyang dapat maramdaman mula sa eksena sa harap niya. But he couldn't help it. He felt so mad. Pinatunayan ng nakikita niya na totoong may relasyon sina Echo at Sava. Lalaki siya kaya alam niyang may kahulugan ang nakikita niya sa paraan ng pagtingin ni Echo kay Sava.

Bago pa dumanak ang dugo ro'n ay walang lingon-likod na nilagpasan na niya ang dalawa.

"Mr. Agoncillo," tawag ni Echo sa kanya.

Walang emosyong nilingon niya ito. Hindi na rin siya nag-abalang tapunan ng tingin si Sava. "I heard everything. Miss Strawberry Ice Cream is fired, so our deal is off."

He stormed out of the room angrily. Hindi na pala siya dapat mag-alala. Ang babaeng matagal na niyang hinahanap ay kabit na pala ng kung sino, at sa nakita niya, mukhang naaalagaan naman itong mabuti ng lalaking iyon.

'Tang ina.

To Find You, My Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon