15th Chapter

1.5K 54 1
                                    

NAPANGITI si Sava nang makitang wala pang professor ang klase nina Emil ng oras na 'yon. Tamang-tama iyon para sa sorpresa niya rito. Kumatok siya ng malakas sa pinto. Natahimik ang buong klase at napatingin sa kanya.

Lalong lumuwang ang ngiti niya. Ang kyu-cute ng mga freshmen, halatang inosente at mga takot pa. Pero napako kay Emil ang tingin niya. Nag-standout ito dahil sa bulto ng katawan nito. Halatang ito ang pinakamatanda sa klase na iyon.

Nakapalumbaba lang si Emil habang nakatingin sa kanya na para bang tinatanong kung anong ginagawa niya ro'n, pero hindi naman mawala-wala ang matingkad nitong ngiti.

Dahil sa ngiting iyon ay lumakas ang loob niya sa susunod niyang gagawin. Kinalabit niya ang gitara niya habang papasok siya sa classroom, saka siya kumanta ng paboritong kanta ni Emil. "Kahit anong mangyari. Pag-ibig ko'y sa'yo pa rin. At kahit ano pa ang sabihin nila ay ikaw pa rin ang mahal. Maghihintay ako, kahit kailan. Kahit na umabot pa akong nasa'y langit na. At kung 'di ka makita, makikiusap kay Bathala. Na ika'y hanapin. At sabihing ipaalala sa'yo ang nakalimutang sumpaan. Na ako'y sa'yo at ika'y akin lamang."

Nang makalapit na siya kay Emil ay yumuko siya para magpantay ang mga mukha nila. "Ako'y sa'yo..."

"At ika'y akin lamang," nakangiting pagtatapos ni Emil sa kanta. Nakapalumbaba pa rin ito at cool na cool pang tingnan.

Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga estudyante sa paligid nila na halatang kinilig sa panghaharana niya kay Emil. Si Emil naman, hayun at tatawa-tawa pa.

"Anong meron, Sava?" nagtataka pero natatawang tanong ni Emil.

"Wala lang. I just want to make you happy," nakangiting sagot niya.

Emil's eyes grew warmer. Tumayo ito at niyakap siya ng mahigpit na lalong umani ng tukso mula sa mga kaklase nito. "Sava, hindi ba sabi ko naman sa'yo, itago mo na lang 'yang hidden talent mo sa pagkanta?" biro nito sa kanya. Pabirong tinampal niya ito sa dibdib na ikinatawa lang nito. "Pero salamat. Hindi mo alam kung gaano mo ko pinasaya ngayon."

Napangiti siya. Napakalaki ng binago ni Emil sa buhay niya at kung napasaya na niya ito sa simpleng sintunadong panghaharana niya, wala itong ideya kung gaano siya kasaya na minahal siya nito. "May dala ako para sa'yo, Emil."

Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. "Oo nga. Kanina pa dumidikit sa'kin. Ang lamig."

Nakasabit kasi sa braso niya ang supot na naglalaman ng kalahating galon ng strawberry ice cream. "Break niyo? Can we eat here?"

"Oo, dito na lang tayo kumain."

Naupo sila ni Emil sa dalawang pinagharap na silya. Inalis niya ang cover ng strawberry ice cream at inabutan ng plastic spoon. Napangiti siya nang makitang nasarapan ang binata sa kinakain nila dahil nagsunod-sunod ito ng subo. Paborito niya ang strawberry ice cream kaya masaya siyang nagustuhan din nito iyon.

"Ang sarap nito, ha," masayang bulalas ni Emil.

"Halata ngang nag-e-enjoy ka," natatawang sagot niya.

Huminto sa pagkain si Emil at tumitig sa kanya. May kumislap na kapilyuhan sa mga mata nito at bago pa man din niya mapaghandaan ang gagawin nito, kinuha na nito ang cover ng ice cream container at tinakip iyon sa mga mukha nila. He gave her a quick yet deep kiss, in front of his class that suddenly got quiet.

Rated PG kasi.

To Find You, My Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now