Epilogue

4.7K 127 26
                                    

NAPANGITI si Sava habang tinitingnan sa Facebook account niya ang mga litrato ng baby ni Echo at nang asawa nitong si Claire. Ang laki-laki na ng baby boy ng mga ito. Masaya rin siyang makita na mukhang naaayos na nina Echo at Claire ang relasyon ng mga ito. They all looked so happy in the picture.

Tiningnan niya ang invitation sa tabi ng laptop niya. Napangiti siya. Ginawa siyang ninang nina Echo at Claire sa binyag ng anak ng mga ito.

Unti-unting nawala ang ngiti niya nang may maalala siya. No'ng nakaraang linggo kasi ay nag-text at nag-email na siya kina Mava at Lava. Wala naman kasing Facebook account ang mga ito kaya sa gano'ng paraan niya lang nako-contact ang mga kapatid niya. Hindi niya alam kung saan eksakto nakatira ang mga ito ngayon. May kanya-kanya na kasi silang buhay, pero hindi nangangahulugan iyon na wala na silang pakialam sa isa't isa.

Inimbitahan niya sina Mava at Lava na dumalo sa nalalapit nilang kasal ni Emil. Pero hindi pa sumasagot ang mga ito. Naiintindihan naman niya kung hindi pa handa ang mga ito na harapin ang kanya-kanyang nakaraan, pero magtatampo siya kapag tinanggihan siya ng dalawa.

Kailangan nilang umuwi. Kasal ko 'to at gusto ko, nandito sila dahil sila na lang naman ang pamilya ko.

Bumuntong-hininga siya. Masuyong hinimas-himas niya ang tiyan niya. Wala pa iyong umbok sa ngayon, pero hindi magtatagal ay lolobo rin iyon. Dapat ay mag-ingat na siya simula ngayon. Masama sa kalagayan niya ang ma-i-stress ng sobra.

"Sava, I'm home!"

Napangiti siya. "I'm here in our room!"

Oo, nakatira na siya sa bahay ni Emil. Hindi na kasi safe na manatili siya sa apartment niya. Araw-araw kasi ay may nakaabang na paparazzi malapit sa unit niya. No'ng kinabukasan nga pagkatapos siyang aluking magpakasal ni Emil ay muntik na siyang madumog ng mga reporter sa kaka-interview ng mga ito sa kanya. That was when Emi decided that they should live together now. Pumayag na siya, tutal naman ay malapit na silang ikasal.

Pagbukas ng pinto ng kuwarto ay sumalubong sa kanya ang nakangiting mukha ni Emil. May dala ito. "Strawberry ice cream for you, my love."

Tinapik niya ang espasyo sa tabi niya. Tinatamad na kasi siyang magkikikilos ngayon dahil madali siyang mapagod. "Welcome back, Emil."

Kinintalan siya nito ng halik sa mga labi. Mukha itong excited at alam niya kung bakit. "Sava, pasensiya ka na kung hindi kita nasamahan sa ob-gyne mo kanina. Pagkatapos kasi namin mag-usap ni Coach eh dumaan muna ako kay Von. Wala ka na pagdating ko sa ospital."

Tumango siya. "Naiintindihan ko. Okay lang sa'kin dahil sinamahan ako ni Claire sa ospital kanina." Oo, naging magkaibigan na sila ni Claire. Malapit naman sila talaga dahil nga naging editor niya ito noong writer pa lang siya sa TP. Nasira lang iyon dahil sa mga tsismis tungkol sa kanila ni Echo, pero naayos na nila iyon. "Kumusta ang therapy ni Von?"

Lumuwang ang ngiti nito. "He's doing great! Nakakalakad na siya kahit pa'no. Sigurado akong makakabawi siya agad." Masuyong hinaplos nito ang tiyan niya. "Kumusta ang check-up mo?"

Hindi agad siya sumagot. Gusto kasi niyang makita ang magiging reaksyon ni Emil bago niya ihayag dito ang magandang balita.

Unti-unting nawala ang ngiti ni Emil. "Oh. So it was false alarm." Hinaplos nito ang pisngi niya. Bumalik na ang ngiti nito. "Don't worry, Sava. Bibigyan din Niya tayo ng mga supling sa tamang panahon. I love you and I will still marry you."

Bumungisngis siya. "Emil, ngayon na ang tamang panahon na 'yon. Biniyayaan na niya tayo ng baby."

Nanlaki ang mga mata ni Emil. Napakaaliwalas ng mukha nito at napakaganda pa ng ngiti. "Tatay na ko!" Tumayo ito at nag-fist pump sa ere. "Yes! Ang galing ko talagang pumosisyon!"

Binato niya ito ng unan sa mukha. "Sira!"

Natawa lang ito saka yumuko para siilin siya ng mariing halik sa mga labi. "Thank you, Sava! Hindi mo alam kung ga'no mo ko pinasaya!"

Lumabi siya. "Emil, puwede bang ipa-rush natin ang pag-aayos ng kasal natin? Ayokong maglakad sa altar ng malaki na ang tiyan. Gusto ko sexy pa rin ako, para kapag nakita ng mga anak natin 'yon pictures natin, makita nilang maganda at sexy ang mommy nila."

"Yes, yes. Anything you wish, my love," natatawang sabi ni Emil. Umupo ito sa tabi niya at inakbayan siya. "Sava, maaga tayong nangarap ng isang buhay na magkasama tayo at masaya. Nagkahiwalay tayo at sa totoo lang, akala ko nasira na ang mga pangarap natin. Pero ngayon, nandito na tayo. Ikakasal at magkakaanak. Dreams really do come true."

Yumakap siya sa baywang ni Emil. Bumuga siya ng hangin. Everything was almost perfect. Almost. "Emil, bago tayo ikasal, gusto ko sanang sabihin sa'yo ang dahilan kung bakit nawala kaming magkakapatid."

"Hindi, Sava. Hindi mo kailangang sabihin sa'kin 'yan ngayon."

Tiningala niya ito. Wala siyang makitang paghihinanakit sa mukha nito. "Sigurado ka?"

Nakangiting tumango ito. "Sinabi mo sa'kin na nangako ka sa mga kapatid mo, hindi ba? Hindi mo kailangang magpaliwanag sa'kin kung nangangahulugan iyon ng pagsira mo sa pangako mo kina Mava at Lava. Handa akong maghintay hanggang sa handa na kayong magkakapatid."

Again, this man proved her he was worth all the pain and heartaches. Napangiti siya. "I love you, Emil."

Ngumisi ito. "I love you, too, Sava. At mamahalin ko rin ang anak natin gaya ng pagmamahal ko sa'yo."

Sa kanyang pagkagulat ay marahang itinulak siya ni Emil sa kama at pagkahiga pa lamang niya ay siniil na siya nito ng halik sa mga labi. Natawa siya. "'Yong strawberry ice cream natin, matutunaw na!"

Emil and her got busy... well, busy loving each other. Hindi niya namalayan na may message na pala ang email niya:

Congratulations, Sava. Don't you dare choose your wedding gown without me! And I'm so excited to be a tita soon. Pabalik na ko ng Pilipinas.

–Mava

-WAKAS-

To Find You, My Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now