34th Chapter

1.4K 50 1
                                    

NARATING na ni Emil ang sementeryo. Bibistahin niya ang puntod ng ama niya. Bitbit ang mga bulaklak na pinabili niya kanina, bumaba na siya ng sasakyan. Walang halos tao ro'n, maliban sa tagalinis ng mga puntod. Kaya hindi niya inaasahan na may mauuna sa kanya sa libingan ng ama niya. Si Sava.

Nakaupo si Sava sa damuhan paharap sa puntod ng ama niya. May nakabukas na laptop sa harap ng dalaga, at pinapanood nito ang video ng mga nakaraang laban niya. Nang lumapit siya rito ay narinig niyang kinakausap pala nito ang puntod ng ama niya.

"Tito Jacinto, your son grew up as a very strong man. In just five years, nanalo agad siya ng dalawang world boxing title. He's WBC's Flyweight and Featherweight champion. Pagkatapos, ngayon naman, lalaban siya sa Mexicano na si Juan Martin para sa titulo ng WBA Super Featherweight division. Kapag nanalo siya, he will be a three-division world champion! Ang galing ni Emil, hindi ho ba?"

"Nah, my father's isn't a boxing fanatic so I don't think he's that proud of me," kontra niya sa sinabi ni Sava, saka siya umupo sa tabi nito. "Nang sabihin ko kay Itay noon na hihinto na ko ng pag-aaral, hindi siya nagsalita pero nakita kong nabigo ko siya. Right after I won my first major boxing world title, he passed away. Sa tingin ko, masama ang loob niya sa'kin dahil hindi ko natupad ang pangako ko sa kanyang tatapusin ko ang pag-aaral ko."

Matagal bago nagsalita si Sava. "Mahirap ang bayan natin, Emil. Masuwerte na nga tayo noon dahil nakapagtapos tayo ng high school. Pero si Tito Jacinto, hindi man lang natapos ang elementarya. Ikaw ang nag-iisa niyang anak, kaya sa'yo niya ibinuhos ang pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral. Alam ni Tito Jacinto kung gaano kahalaga ang edukasyon. Ayaw niyang ipagkait sa'yo ang bagay na ipinagkait din sa kanya noon. He was devastated when you had to stop going to school due to financial problems."

"And he was even more devastated when I gave up the chance of finishing school for my boxing career," malungkot na pagtutuloy niya sa sinasabi ni Sava.

"I'm sorry."

Umiling siya. "Totoo naman ang lahat ng sinabi mo, Sava. Kahit alam kong ang makapagtapos ako ng pag-aaral ang tanging pangarap ni Itay, binigo ko pa rin siya para maging boksingero ako."

"Kasalanan iyon ng ex-girlfriend mo," pabiro pero may halong lungkot na tukoy ni Sava sa sarili nito. "If she wasn't too helpless then, hindi ka mapipilitang isuko ang pag-aaral mo para sa boxing, para sa pagkakataong kumita ng malaking halaga ng pera para lang mailigtas mo siya mula sa mga pagkakautang ng pamilya niya."

Natawa siya, pero wala iyong buhay. "Mahal na mahal ko kasi siya no'n. Hindi ko napansin na nasasakal ko na pala siya, kaya hayun, lumipad siya palayo sa'kin. Pero may kasalanan ako sa ex-girlfriend ko."

"Talaga? Ano naman 'yon?"

Humugot siya ng malalim na hininga. Bigla kasing bumigat ang kalooban niya. "Ginawa kong excuse ang pagmamahal ko sa kanya para isuko ang mga bagay na hindi ko kayang gawin. Ang totoo niyan, pinili kong tumigil sa pag-aaral dahil alam kong mahina ang ulo ko, at natatakot akong biguin ang ama ko, so I ran away. Sinabi kong gusto kong mag-boxing para mailigtas siya, kahit ang totoo ay natakot lang ako na biguin ang mga taong umaasa sa pagtatapos ko ng pag-aaral. She deserves an apology. Can you say 'sorry' to her for me?"

Matagal bago muling nagsalita si Sava. "Sa tingin ko, kung nasaan man siya ngayon, napatawad ka na niya. Sigurado akong nabawasan din ang guilt niya. Ang akala niya kasi, sinira niya ang kinabukasan mo dahil sa labis mong pagmamahal sa kanya. Natakot siguro siya noon dahil sa kanya mo pinaikot ang mundo mo. Hindi niya alam kung sapat siya para punan ang isinuko mong buhay para sa kanya."

Napangiti siya. "Masaya ako kung talagang napatawad na niya ako. Si Itay kaya?" Lumuhod siya at hinalikan ang puntod. Ipinikit niya ang mga mata niya kasabay ng pagpatak ng mga luha niya. "Patawarin niyo ho ako kung naging duwag ako at binale-wala ang edukasyon na gusto niyo sanang ipamana sa'kin. Pero Itay, wala ho akong pinagsisisihan sa nangyari. Mahal na mahal ko ang pagbo-boksing. Ito ang naging depinisyon ko ng pangarap, gaya ng edukasyon sa inyo. I can only hope that wherever you are, I still make you proud."

Hindi na niya napigilan ang paglabas ng emosyon niya. Tuluyan na siyang napaiyak. Mayamaya ay naramdaman niya ang pagyakap ni Sava sa kanya. Ang yakap na may kakayahang pawiin ang lahat ng sakit niya.

"Shh. I'm sure Tito Jacinto is proud of you, Emil. Lahat kami, gano'n ang nararamdaman." Hinalikan siya ni Sava sa tuktok ng ulo niya. "I'm proud of you, Emil. Ang galing mo na kayang mag-English," biro pa nito.

Sa kabila ng matinding sakit na nararamdaman niya kani-kanina lang ay nagawa na niyang mapangiti, kahit patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha niya. Bumangon na siya mula sa pagyakap sa puntod ng ama niya, saka niya sinubsob ang mukha niya sa pagitan ng leeg at balikat ni Sava. "You're annoyingly cute, Sava."

To Find You, My Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now