32nd Chapter

1.4K 47 4
                                    

MALUWANG ang ngiti ni Emil habang tumatakbo paakyat ng unit ni Sava. Delikadong mag-elevator dahil baka mas may makakilala sa kanya kaya naghagdan na lang siya. Sa reception area pa nga lang ay nahirapan na siyang umalis dahil sa mga taong nagpa-autograph sa kanya. Hindi niya kailangang mag-alala dahil kinalat naman na niya sa publiko na kasintahan niya si Sava kaya walang masama kung bibisitahin niya ito.

Pumayag na ang publisher ng Turning Point na ibalik sa trabaho si Sava. He made a deal with Alfonso Sy: papayag lang siyang i-feature ng mga ito ang lifestory niya kung si "Miss Strawberry Ice Cream" ang magsusulat niyon.

Well, masaya siya para kay Sava. Hindi bagay dito ang maging sideline photographer lang dahil malayo iyon sa tinapos nitong kurso. Hindi na ito naging news anchor kagaya ng una nitong pangarap, kaya hindi siya papayag na pati ang pagiging editor nito ay mawala rito. He had to protect her dreams.

Kailangan niya si Sava. Sa magulong mundo niya ngayon bilang kilalang tao at iniidolo ng masa, gusto pa rin niyang magkaroon ng isang bahagi ng buhay niya na normal pa rin. Maraming tukso sa bago niyang mundo – mga bisyo at mga babae. Pakiramdam niya, maliligaw siya kung walang magpapaalala kung sino talaga siya. Ibinabalik siya ni Sava sa dating siya – ang simpleng probinsiyano na ang pangarap lang ay protektahan ang isang babae.

He needed that feeling so he would not get lost in this new world of his. 'Yon lang 'yon.

Nang dumating na siya sa floor ng unit ni Sava ay binagalan na niya ang takbo niya hanggang sa maglakad na lang siya. Sa harap ng pinto ay hinintay niya munang bumalik sa normal ang paghinga niya. Pinunasan din niya ang pawis na namuo sa gilid ng noo niya. Inamoy niya ang sarili niya. Hindi pa naman siya amoy-pawis.

Nang masiguro niyang hindi siya mukhang tumakbo ng sampung palapag papunta ro'n ay saka siya nag-doorbell. Bumukas ang pinto at sumalubong sa kanya si Sava na naka-apron at magulo ang pagkakatali ng buhok. At kahit paulit-ulit na, sasabihin pa rin niyang maganda ito.

He would never get tired looking at the beautiful face of this woman.

"Come in," sabi ni Sava saka niluwagan ang pagkakabukas ng pinto.

"I have good news, Sava," masiglang sabi niya rito pagkasara pa lamang ng pinto. "Pumayag ang publisher sa alok ko. Naibalik na sa'yo ang trabaho mo."

Matagal na hindi nagsalita si Sava at nanatili lang nakatitig sa kanya. "Why are you doing this, Emil?"

Nagkibit-balikat siya. "Hindi lang para sa'yo ang ginagawa ko, Sava. Makikinabang din ako dito dahil tatantanan na ko ni Kara. You don't have any idea how much I wanted to get away from that witch."

Marahang umiling ito. "Hindi. Hindi lang 'yon ang ibig kong sabihin. Bakit nakikipaglapit ka pa rin sa'kin matapos ng mga nangyari sa'tin? I thought you'd hate me."

Bigla siyang naging seryoso. Finally, pinag-uusapan na nila ang nakaraan nila. Akala niya, wala nang balak si Sava na ungkatin 'yon. "I was mad at first. Iniwan mo ko nang walang paalam, nang hindi mo tinutupad ang pangako mong aayusin natin ang relasyon natin noon. Pero habang tumatagal, naisip kong tama lang ang ginawa mo. I was young, irresponsible and stupid then. Kahit nanatili tayong magkasama no'n, wala rin akong magagawa para iligtas ka. Hindi kita masisisi kung iniwan mo ko."

Nag-iwas ito ng tingin sa kanya. "Hindi ako umalis para lang makalayo sa'yo. Kinailangan naming umalis magkakapatid para makatakas sa mga pinagkakautangan namin."

Kung gano'n, umalis nga ang magkakapatid para tumakas kina Kiefer. Kahit hindi sinabi ni Sava ang buong detalye, nakahinga na siya ng maluwag. Akala kasi niya noon, umalis ito dahil sa matindi nitong kagustuhan na makalayo sa kanya. It made him happy knowing he was wrong.

Lumapit siya kay Sava. Ikinawit niya ang hinliliit niya sa hinliliit nito. Dinikit niya ang noo niya sa noo nito at saka siya mariing pumikit. "Isang tanong na lang, Sava. Sabihin mo... malaya na ba kayong magkakapatid kina Kiefer?"

"Oo, Emil. Bayad na namin kung ano man ang pagkakautang namin sa kanila."

He let out a relieved sigh. "I was worried sick and guilty for the past seven years. Ang totoo niyan, may hinala na ako na kaya kayo umalis magkakapatid ay para takasan ang utang niyo, kaya kahit paano ay maluwag kong tinanggap ang pagkawala mo. I wanted you to be safe, Sava. I'm sorry if I wasn't able to fulfill my promise to you. Hindi kita nailigtas mula kay Kiefer."

Natawa ito ng mahina, pero wala iyong buhay. "Don't be guilty, Emil. Quits lang tayo. Hindi ko rin naman natupad ang pangako ko sa'yo na aayusin natin ang relasyon natin."

"It was the end for us anyway." Nagulat siya sa kalungkutang narinig niya sa boses niya. "Nitong nakalipas na mga taon, naisip kong tama lang ang nangyari sa'tin. Kung hindi tayo naghiwalay, hindi natin mararating kung nasaan tayo ngayon. Kahit ang naging kapalit niyon ay ang relasyon natin. I'm just thankful you're safe."

"And I'm happy you're successful now."

He slowly opened his eyes the same time Sava did. Nang magtama ang mga mata nila, nagkangitian na lang sila. That was a closure. Nawala na ang pader sa pagitan nila, at kahit malungkot na hindi na sila makakabalik sa kung ano sila dati, masaya siyang malaman na pareho silang walang pinagsisisihan sa mga nangyari. Malinaw sa naging usapan nila na wala silang naging pagkukulang sa isa't isa. They weren't just destined to last forever.

Dapat maluwag na sa kalooban niya 'yon. Pero parang may dumagan na mabigat na bagay sa dibdib niya sa realisasyong matagal na ngang natapos ang pag-iibigan nila.

"Magpahinga ka muna. Magluluto lang ako ng tanghalian," nakangiting sabi ni Sava saka siya mabilis na tinalikuran.

"Hindi na, Sava. I need to go. Maraming nakakita sa'kin sa baba kaya baka mayamaya lang, may reporters nang dumating. Hindi ko bitbit ang bodyguards ko kaya baka mahirapan akong makatakas kapag na-corner nila ako."

Huminto si Sava, pero hindi na ito humarap sa kanya. "Gano'n ba? Mag-iingat ka na lang sa paglabas mo."

"I will. Thank you."

Pagkasabi niyon ay tinalikuran na rin niya si Sava. Ang bigat ng mga paa niya habang naglalakad palayo rito. Why did they always have to turn their backs on each other and walk separate paths?

To Find You, My Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now