30th Chapter

1.4K 43 2
                                    

KUNOT-noong nilingon ni Emil si Kara. May bitbit itong mga tauhan na may dalang pagkain. Ang mas ikinairita pa niya ay ang pagdadala nito ng mga reporter do'n! Nakalimutan niyang si Kara nga pala ang anak ng may-ari ng liquior company na i-n-e-enderso niya.

"What are you doing here, Kara?" malamig na sita niya rito.

Nagpaawa ng mukha si Kara, saka kumapit sa braso niya. "Don't be mad na kung hindi man ako nakapagpaalam sa'yo. I just wanted to surprise you, baby."

Tiningnan niya lang ito ng malamig. Bakit ba hindi maintindihan ng babaeng ito na tapos na sila?

"So totoo pala ang tsismis na lumalabas pa rin kayo?" usisa ng isang reporter.

Napabuntong-hininga na lang siya nang magsimula na silang ulanin ng tanong ng mga reporter sa totoong estado ng relasyon nila ni Kara. Halata namang pinlano lahat iyon ni Kara para mapaniwala nito ang mga taong sila pa rin. Hindi siya sumagot, kabaligtaran ni Kara na kung anu-anong kasinungalingan na ang pinagsasasabi. Dinampot na lang niya ang baso ng alak sa bar counter at inisang-lagok iyon para kumalma siya.

"Hindi ba si Sava Monliva 'yon? 'Yong kabit ng EIC ng Turning Point?"

Marahas na nilingon niya ang pinanggalingan ng usapan. Nakita niyang ang kalahati sa mga reporter na nag-i-interview sa kanila ni Kara ay si Sava naman ang binuwisit. Tinatanong ng mga iyon kung ano ang totoong relasyon ni Sava kay Echo. Hinihintay niyang itanggi ni Sava ang mga akusasyon dito, pero nanatili lang itong tahimik at nakayuko habang pilit na nilalagpasan ang mga reporter.

Nagkasunod-sunod ang pagtungga niya sa mga sample liquoir sa bar counter para lang kalmahin ang sarili niya. Gumuguhit na ang init ng alak sa lalamunan niya, kasabay ng pag-iinit ng dibdib niya sa galit.

Napahigpit ang pagkakahawak niya sa baso. Deny it, Sava. Please. Sabihin mong hindi totoong kabit ka ng kung sino.

But that didn't happen. Pakiramdam niya ay hindi siya makakahinga sa sobrang paninikip ng dibdib niya kung wala siyang gagawin para itama ang maling nakikita niya. Inalis niya ang braso ni Kara sa braso niya, saka siya nagmartsa papunta kay Sava. Sinundan agad siya ng mga reporter. Hinawakan niya sa braso si Sava at pinihit ito paharap sa kanya. Tinapunan siya nito ng nagtatakang tingin, pero bumaba lang sa mga labi nito ang tingin niya.

He cupped Sava's face and crashed his lips on hers hungrily. He didn't know he was still hungry for her kisses until this moment happened. Kung hindi lang dahil sa maiingay na reporter, hindi pa niya puputulin agad ang halik na iyon. But they had to get away from there.

"Emil, anong ibig sabihin nito?" tanong ng isa sa mga reporter.

Inalis niya ang tingin niya kay Sava na halatang nagulat sa ginawa niya. "Exactly as it looks like. Sana naman nalinaw na ng nakita niyo ang dalawang bagay. Una, matagal nang tapos ang relasyon namin ni Kara. Pangalawa, hindi totoong kabit si Sava ng Echo na 'yon." Hinawakan niya ang kamay ni Sava. "Sava and I have been together since high school."

Lalo silang inulan ng katanungan ng mga reporter. Hinila na niya si Sava palayo ro'n. Hinarang na ni Kenneth at ng mga bodyguard niya ang mga reporter kaya malaya nilang narating ang parking lot. Inakay niya papuntang passenger seat si Sava bago siya pumuwesto sa likod ng manibela. Pero hindi agad niya binuhay ang makina. Bigla kasing umikot ang paningin niya. Malakas pala ang sipa ng alak na tinira niya kanina.

Kunot-noong nilingon siya ni Sava. "Bakit mo ginawa 'yon?"

Hinilot niya ang sentido niya bago niya hinarap ang dalaga. "I didn't kiss you just because I wanted to. I just found you convenient for me to get away from Kara."

Gumuhit ang sakit sa mga mata ni Sava, pero mabilis itong nag-iwas ng tingin sa kanya. Hindi siya napakali. Anong ibig sabihin ng sakit sa mga mata nito? Posible kayang...

"Sava..."

"O?"

"Catch me."

To Find You, My Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now