25th Chapter

1.5K 53 6
                                    

Seven years later...

Emilio "Emil" Agoncillo

NAPANGITI na lang si Emil nang makita niya ang pangalan at litrato niya sa front cover ng isang kilalang sports magazine. Normal na yata sa kanya ang makita ang pagmumukha niya sa kung anu-anong babasahin o palabas sa telebisyon, mapa-local man o international.

Nilapag niya ang kopita na wala nang laman sa mesa at dinampot ang isa namang men's magazine kung saan cover ang ex-girlfriend niyang si Kara. Nawala ang maganda niyang ngiti kanina at napalitan iyon ng ngitngit. The woman was drop-dead gorgeous, but she was a pain in the ass.

"This witch is delusional for saying we'll still get back together," iritadong sabi niya matapos mabasa sa artikulo tungkol sa babae na sinabi nitong hanggang ngayon ay tinatawagan pa rin niya ito kahit hindi iyon totoo.

Natawa ng marahan ang nag-iisang kasama niya sa presedential suit sa hotel na iyon – ang manager at kaibigan niyang si Kenneth. "Well, what's new? Lahat naman ng babaeng nakarelasyon mo, hindi matanggap ang pakikipaghiwalay mo sa kanila. It just so happened that Kara is a famous actress, so this time, naging big deal ang hiwalayan niyo. Maybe she said that to save her face from the humiliation of being dumped by the Tornaedo."

Napangisi siya. Siya ang tinutukoy ni Kenneth na "the Tornaedo" – ang bansag sa kanya sa boxing world dahil sa liksi niyang kumilos at lakas sumuntok. "No matter, she's still getting to my nerves. Hindi ako bumalik sa Pilipinas para buwisitin lang niya."

"Oo. Nasa Pilipinas ka para mag-train sa nalalapit mong malaking laban, kaya mag-focus ka." Lumapit si Kenneth sa kanya at maingat na sinalinan ng red wine ang kopita niya. "You'll be battling a tough opponent soon. Baka imbis na ang laban mo ang maging talk of the town, ay maging sentro ka ng tsismisan ng mga bading sa parlor."

Natawa siya. "Sira-ulo ka talaga. Makakaisip din ako ng paraan para tigilan na ko ni Kara."

Matagal siyang tinitigan ni Kenneth na para bang may gusto itong sabihin sa kanya, pero sa huli ay bumuntong-hininga na lang ito. "Emil, just a friendly piece of advice: don't use women to ease your boredom. Boxing license lang ang meron ka, hindi lisensiya para paglaruan ang damdamin ng mga babae, Mr. WBC Flyweight and Featherweight Champion."

Nawala ang ngiti niya dahil sa panenermon ni Kenneth. Bitbit ang kopita ng alak niya, naglakad siya palapit sa salaming dingding ng kuwartong iyon. Sumalubong sa kanya ang magandang tanawin ng kabuuan ng Kamaynilaan kapag gabi – makukulay at nagkikislapang mga ilaw sa matataas na gusali sa ilalim ng madilim na kalangitan at maliwanag na buwan.

Tinitigan niya ang libreng kamay niya. Limang taon na rin siyang nasa rurok ng tagumpay sa mundo ng boxing dahil sa mga kamao niya. Kinikilala ang pangalang Emilio "the Tornaedo" Agoncillo bilang World Boxing Council Flyweight and Featherweight champion. Balak niyang sungkitin ang belt ng bakanteng posisyon ng kampeonado sa WBA Super Featherweight division, at paglalabanan nila iyon ng Mexicano na si Juan Martin, ilang buwan mula ngayon. Sa Pilipinas gaganapin ang boxing match kaya bumalik siya ng bansa para magsanay.

Kapag nasungkit niya ang belt sa Super Featherweight division ng WBA, magiging three-divison world champion na siya.

Nitong mga nakaraang taon ay namalagi siya sa America, partikular na sa Las Vegas, para sa mga laban niya. Hindi naging madali ang marating kung nasaan siya ngayon, pero sulit ang lahat ng iyon. Matagumpay na siya, kilala, hinahangaan, nirerespeto at higit sa lahat, milyonaryo na siya. Pero ang mga taong pinangarap niyang iahon sa hirap, wala na ngayon. His father died a few years ago, right after he won his first major boxing world title. So now, he was alone on the top of his world and it was kinda sad.

To Find You, My Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now