38th Chapter

1.5K 48 0
                                    

MABILIS ang mga daliri ni Sava sa pagtipa sa kanyang laptop. Nire-research niya sa Net ang ilang impormasyon sa buhay ni Emil noong nagsisimula pa lang itong mag-boxing para sa sinusulat niyang lifestory nito.

Oh. He has an amateur record of twenty eight fights. Nagsimula siya sa professional boxing noong twenty three siya, sa flyweight division. Under that division niya nakuha ang first major boxing world title niya. Dumaan din siya sa Super Bantamweight division, bago siya lumipat sa Featherweight – na naging second major boxing title niya. He had defended his title twice.

"Sava, anong ginagawa mo?"

Natigilan siya saglit, pero agad ding nagpatuloy sa pagtitipa nang hindi nagtatangkang lingunin si Emil. Magkakasala na naman kasi ang mga mata niya. "Nagre-research lang ng kaunti tungkol sa boxing record mo."

"Ha? Bakit nagre-research ka pa? Nandito ako, you can ask me."

Oo, puwede kitang tanungin pero magbihis ka muna! Nakaka-distract ang nakabalandra mong katawan! "Okay lang, Emil. Ayokong makaistorbo."

"Hindi kita isasama rito sa Baguio kung istorbo lang ang tingin ko sa'yo," naghihinanakit na sabi nito.

Napilitan tuloy siyang mag-angat ng tingin kay Emil at sa makasalanan nitong katawan. Naroon sila sa patio ng mansiyon nito. May anim na haligi iyon at sa gitna ay may nakasabit na punching bag. At sa tabi niyon ay ang binata na pawis na pawis at walang suot na pang-itaas.

Napalunok si Sava habang bumaba ang mahaharot niyang mga mata sa buti ng pawis ni Emil na naglalandas sa leeg nito, pababa sa matitipuno nitong dibdib, pababa sa six-pack abs nito, at pababa sa – well, hanggang do'n lang dahil may shorts ito.

Nakakahiya man pero hindi niya maalis ang mga mata niya sa katawan ni Emil. That bronzed skin of his complemented his well-built body perfectly. And with those bead of sweats? Dang, he was smoking hot and she was having the urge to... to bite him!

"Sava?"

Umangat ang tingin niya sa mukha ni Emil. Nakangiti ito pero bahagyang nakakunot ang noo. Hindi siya biased pero si Emil talaga ang pinakaguwapong boksingero na kilala niya. Bihira lang din naman kasi itong tamaan sa mukha ng mga nakakalaban nito kaya kahit nakikipagbugbugan ito sa ring ay guwapo pa rin ito.

Bigla siyang nalungkot. Mula sa pagiging simpleng probinsiyano ay isa nang tanyag at mahusay na boksingero si Emil. Malayo na ang narating nito.

"O? Bakit bigla kang nalungkot?" nag-aalalang tanong ni Emil.

Nangalumbaba siya. "Ikaw na ngayon si Emilio "the Tornaedo" Agoncillo. Pride ka na ng bansa natin at idolo ng halos lahat, lalo na ng mga kababaihan. Madami na kong kahati sa'yo."

Natawa ito ng marahan, saka namaywang. "Hindi totoo 'yan, Sava. Ako pa rin ang Emil na makikipagbugbugan para ipagtanggol ka. Ako pa rin 'yong Emil na papasukin ang lahat ng trabaho para masiguro kong gaganda ang kinabukasan mo. Ako pa rin 'yong Emil na mahal na mahal ka. Remember?" Kumanta ito ng isang linya. "Ako'y sa'yo, at ika'y akin lamang."

Bumuntong-hininga siya. "This is too good to be true."

Biglaang dumaan ang takot at pag-aalala sa mga mata ni Emil. "Sava, may balak ka bang iwan ako uli dahil lang iniisip mong hindi ka bagay sa'kin?"

"Hindi," mabilis na sagot niya. Gusto kasi niyang alisin ang takot sa mga mata nito. Ayaw niyang nakikitang humihina ito dahil lang sa kanya.

No'n lang ito parang nakahinga ng maluwag, pero bahagya pa ring nakakunot ang noo nito. "You can run away, Sava. But I will just find you again, and when I do, I'll bring you straight to church and put a ring on your finger."

Pagkasabi niyon ay tumalikod ito sa kanya para ipagpatuloy ang pagsuntok sa punching bag. Mabibilis ang galaw ng kamao nito at solido ang bawat suntok dahil nayuyupi ang pobreng punching bag.

Natawa siya ng marahan dahil nakita niyang namumula ang mga tainga ni Emil. Tumalikod marahil ito para itago sa kanya ang pamumula ng mukha nito pero hindi naman ito nagtagumpay. Tumayo siya at sa pag-usad ng mga paa ng silya sa sahig ay kunot-noong nilingon siya ng binata.

"Saan ka pupunta, Sava?"

Ngumiti siya ng pilya. "Tatakasan ka?"

Nang maunawaan ang ibig niyang sabihin ay ito naman ang ngumisi ng pilyo. Kinabahan at na-excite siya sa tingin na ibinibigay nito sa kanya kaya nang humakbang ito palapit sa kanya ay napatili siya at napatakbo ng wala sa oras. Tumawa naman si Emil at hinabol siya.

Naghabulan silang dalawa sa sala pero nahuli lang siya ng binata. Binuhat niya nito at marahang inihiga sa sofa. Then, he kissed her again and again. Kung hindi pa siguro bumaba si Kenneth at ang sekretarya nito na kasama nila ro'n, hindi titigil si Emil sa paghalik sa kanya.

Pero bago sila tumayo ni Emil ay may sinuot ito sa daliri niya – ang singsing nila noon. Itinago pa pala nito iyon.

"'Yan muna sa ngayon. But I will it replace it soon," nakangiting pangako ni Emil sa kanya. Pagkatapos ay ipinakita nito sa kanya ang suot nitong kapares ng singsing niya. "Gusto ko lang maramdaman na nagbalik na nga tayo sa dati."

Nakangiting tumango lang siya. "Okay."

To Find You, My Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now