{Chapter 3- Santillan's Mansion}

2K 46 1
                                    

Skyler's POV

Pagdating ko sa bahay, 6:30 na. Tsk. Masyadong traffic ngayon kaya, ginBi na ako nakauwi. Tangina, nakakapagod din pala.

Pagpasok ko doon agad na bumungad sa akin si manang. Ang katulong namin. Malapit kami ng kapatid ko kay manang dahil halos siya ang nakakasama namin dahil palaging wala si mommy at daddy dahil sa pagiging busy sa kompanya. Tsk. Ganun talaga kapag may magulang kang nasa business world.

"Oh ba't late ka ng umuwi hijo?!"-tanong ni manang at kinuha niya ang bag ko. Akala niya nag aral ako, pero nagcut kami ng klase at dumeretso na sa pandilla la prevencion.

Kaya late na akong umuwi. Hindi nila alam na sumasali ako sa organisasyong yun. Magagalit lang sila.

Napabuntong hininga ako at tumingin kay manang.

"Pumunta kasi po ako sa bahay nila xier para sa aming project."- pagsisinungaling ko sakanya. Napatango na lang siya sa sinabi ko.

Maganda kapag nagsisinungalang ang tumingin sa mata ng kinakausap para hindi makahalata. Mahirap na, kilala na ako ng husto ni manang.

"Nasa kwarto ang mommy at daddy mo, nagpapahinga sila dahil may pupuntahan daw kayo mamaya."- sabi ni manang na ikinagulat ko.

Bakit? Saan kami pupunta. At kailan pa nila naisipang umuwi dito?

Hmmm, that's new.

Natawa si manang dahil natigilan ako sa paglalakad at gulat na napatingin sa kanya. Di ko naitago sa kaniya ang reaksyon ko.

"Magpahinga ka na hijo at magluluto pa ako"- tinapik niya ang balikat ko at umakyat muna siya sa kwarto ko para ilagay muna ang bag ko doon.

Hindi kasi ako sanay na kapag dumating na ako dederetso na ako sa kwarto ko, dahil palagi akong tumatambay muna sa salas upang manood o di kayo, magpahinga.

Agad akong humiga sa sofa at napabuntong hininga. Saan na naman kaya kami pupunta?! Nakaka kaba naman! Tangina!

Gusto ko pa namang magpahinga na lang buong magdamag. Tsk. Minsan lang kasi ganito sina mommy at daddy. Palagi silang umuuwi ng late. Kung may pupuntahan kami, hindi kami magba-bonding dahil paniguradong business ito. Tangina!

Ayoko pa namang makihalubilo sa mga taong ganun. Naiimbyerna lang ako dahil panigiradong puro negosyo lang ang pinag uusapan. Baka ako pa kausapin nila at sagutin ko sila ng 'gusto mo sapak?'. Tsk.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng biglang sumulpot sa harapan ko si skylein na nakapamewang. Bwisit! Dadada na naman ito!

Give me a break, dammit!

"Saan ka galing?!"-taas kilay niyang tanong.

"Galing sa campus, malamang."-kunot noo kong sagot at napakamot na lang sa batok ko. Peste! Hindi na naman titigil sa pagtatanong ito. Istorbo!

"You're late Skyler!  Dapat kanina ka pa nakauwi."-nakangiwi niyang sabi at inirapan pa ako. Sabi na nga ba! Kingina!

"Pumunta ako kila xier."-tinatamad kong sagot. Lalo namang tumaas ang kilay niya. Tsk.

Sabi na nga ba't hindi to maniniwala.

"Anong ginawa mo doon?!"-tanong na naman niya. Napasabunot na lang ako sa tanong niya.

"Tangina! Ba't ba ang rami mong tanong?!"-inis na bulyaw ko sakanya at tinignan siya ng masama.

"Bakit wala ba akong karapatan?! Ha?! I'm you're sister! OLDER SISTER skyler! Kaya dapat lang na malaman ko kung saan ka nagsusu-suot!"-galit na sigaw niya sa akin at dinuro pa ako. Tangina! Nakakarindi rin ang isang to! Talagang mabibingi ako ng di oras dito! Bwisit!

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon