{Chapter 27- Second Step}

1.1K 25 1
                                    

Jami's POV

Kinabukasan,

"Pinapatawag tayo ni el jete."-panimula ni zack habang naglalakad kami patungong cafeteria.

"And since next week na ang Intrams kailangan nating tapusin ang mission natin ngayong week."-dagdag pa niya.

Napabuntong hininga kaming lahat. Ang dami na kase naming ginagawa ngayon sa school kaya medyo busy na kami este sila pala kase hindi ako kasale.

"So, anong plano natin?"-medyo kinakabahan ng tanong ni thara.

"This friday siguro, dun na tayo susugod."-sagot naman ni xier.

Napakamot ako bigla.

"Pano naten gagawin yun?"-tanong ko. Napalingon naman sila sakin.

"Paano nga ba manghuli sungit?"-sabat naman ni hudas at saka inakbayan pa ako.

Ayan tuloy, inasar na naman kami ng apat kaya siniko ko na siya para bitawan niya ako. Buti na lang sumunod ang ugok.

Pagpasok namin sa canteen gaya pa din ng dati. Tilian tapos mga masasamang tingin sakin ay hindi pala, kasama ko pala sina sam at thara kase syempre palagi silang nakadikit kina zack at xier. Ayos, friendship goals kami.

Pero di na namin sila pinansin kase wala naman kameng pake, tss.

Nagtungo na lang kami sa pinakagilid na table. Medyo malamig dun kaya okay na din. Sina skyler naman ang umorder kaya hindi na kami nag abalang sumunod sa kanila.

"Guys, malapit na pala birthday ko!"-tili ni thara habang may pasuntok suntok pa sa ere.

Tss. Oa masyado.

"Kailan ba?"-walang gana kong tanong.

Napasimangot naman ito kaya natawa si sam.

"Wow. Sa tagal nating magkaibigan hindi mo alam kung kailan? Pero yung mga handa ko noon, kabisadong kabisado mo?"-inirapan niya ako.

Nginiwian ko na lang siya.

"Tss. Di na mabiro! Alam kong next next week pa. Excited ka masyado eh no."-saad ko.

Ngumiti lang naman ito sabay hawi pa ng buhok niya.

"Syempre, I'm just saying para handa na kayong bumili ng gifts ko."-tawa pa niya.

"Saan ka nga pala magbi-birthday? "-tanong ni sam.

"Of course sa bahay. Medyo engrande nga lang."-kibit balikat niyang sagot.

Hay, sabi na nga ba. Paniguradong pupunta sina tanda dun kase baka tungkol na naman sa mga business at kung ano ano.

"Oh nasan si skyler?"-takang tanong nila thara ng si zack at xier lang ang dumating.

"May kausap dun."-nguso ni xier sa gilid.

Kunot noo akong napatingin dun. May kausap itong babae. Medyo magkasing tangkad sila kase naka heels yung babae. Aura pa lang, malandi na. Base sa kilos niyang pahipo hipo pa sa braso ni skyler. Tss.

Ang landi.

Ang ibang kumakain sa cafeteria ay nakatingin sa kanila. May tumitili at kinikilig pa dahil bagay daw sila. Kesyo ako daw ang kasama dapat yung babaeng yun daw kase mas bagay sila at sosyalin yung babae.

Aba, hinihingi ko ba komento nila?

Tss. At ito naman kaseng hudas nagawa pang makipagchikahan. Kaya ako ngayon ang walang makain kase nasa kaniya yung pagkain ko. Bwisit siya. Di na lang sinabi saken na bumili ako ng sarili kong akin dahil matatagalan siya. Aba gago niya. Nakakairita siya. Magsama sila nung babaeng yun. Kaasar.

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now