{Chapter 52- Dinner date}

207 9 0
                                    


Jami's POV

Nagising ako bigla ng marinig ko ang katok sa labas. Aligaga akong napaupo sa kama at napalingalinga.

Una kong nakita ay ang veranda. Tumila na pala ang ulan at gabi na.

Teka. Gabi na?!

Pucha. Anong oras na ba? Nakatulog na naman ako?

Ang aasahan ko ay nasa tabi ko si skyler pero ganun na lang ang gulat ko ng makitang nasa sarili akong kwarto.

Sa pagkaka alam ko ay nasa kwarto ako ni skyler kanina at katabi ko siya.

Tangna. Nananaginip lang ba ako?

Nawala ang pag iisip ko ng muling may kumatok.

Dali-dali akong umalis sa kama at saka lumabas ng kwarto. Patuloy ang pagkatok ng pinto dahilan kung bakit mas binilisan ko ang paglalakad.

Napapakamot ako sa ulo'ng binuksan ang pintuan.

"Magandang gabi hija."- bati ni mang eduardo saking harapan.

Gulat man ay agad akong tumagilid. "Magandang gabi din po. Pasok ho kayo."- magalang kong tugon.

Mas lalong lumawak ang ngiti nito atsaka pumasok. Agad ko namang sinara ang pintuan bago sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri ko.

"Nasa baba si skyler hija hinihintay ka niya."- saad nito na kinatigil ko sa paglalakad.

Labas? Lumabas siya ng hindi nagpapaalam? Gago yun ah. Ba't yun lumabas?

"Ito hija suotin mo 'to at hihintayin kita sa baba."- paliwanag niya sabay abot ng isang dress na naka hanger pa at nakabalot ng plastic tapos karton na parihaba.

"A-ano...para san po to?"- naguguluhan ko ng tanong. Alas syete na ah. Bakit lalabas pa kami? At saka para san to? Bakit ko susuotin?

Ngumiti lang naman sakin si mang eduardo bago nagmamadaling umalis.

Sinundan ko pa ito ng may nagtatakang tingin bago napatingin sa hawak ko.

Wala akong masabi kundi tangina.

Dali-dali kong binaba ang mga hawak ko sa sofa at mabilis na kinuha ang cellphone ko upang tawagan si hudas.

"Nasan ka?"- yun ang unang tanong ko ng masagot niya ang tawag ko.

"Why do you ask?"- ramdam ko itong nakangisi ng magtanong.

Napangiwi ako atsaka naupo sa tabi ng dress at kahon sa sofa.

"Kase hindi ko maintindihan ang nangyayari. Ano na naman ba kase yang pakulo mo?"- kunot noo'ng saad ko ngunit hindi naman naiinis.

Hindi ito sumagot bagkus ay humalakhak lang ito.

Napasimangot ako at napasandal sa sofa.

Tangna. Kagigising ko lang tapos tatawanan niya ako? Gago ba siya?

"Just wear them and you'll see."- dagdag niya na lalong kinakunot ng nuo ko.

Napabuntong hininga ako ng putulin niya ang tawag pagkatapos.

"Gago yun ah."- bulong ko habang nakatitig sa cellphone ko.

Gabing-gabi na tapos lalabas pa kami. Tsk. Iba rin pala saltik nun.

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now