{Chapter 20- The one}

1.1K 29 1
                                    

Jami's POV

"Huwag siya..."-gigil niyang sambit sa lalakeng may hawak nung kahoy.

Nanlaki naman ang mata ko sa gulat at napalunok sa tensyong nabubuo sa paligid. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko sa di maipaliwanag na dahilan.

"...kase masamang damo yan"-dagdag niya dahilan para bigla akong mapasimangot.

Putangina mong vellarde ka. Hinayupak!

Nanlaki naman ang mata nung lalake ng bigla siyang sipain ni skyler sa sikmura. Napaatras ito agad at napasigaw sa sakit.

*priiit*

Napatingin kaming lahat sa security guard ng malakas itong pumito. Kasabay nun ay ang pagtakbo ng mga adik papalayo samin. Dali daling tumakbo yung guard para habulin ang mga yun papalabas ng parking lot.

"Masamang damo pala ha."-inis kong saad dahilan para mapatingin siya sakin kaso malakas ko siyang sinampal sa mukha dahilan para tumagilid ang mukha ng hinayupak.

"Oh my god!"-gulat na bulalas nila thara medyo malayo samin.

"A-aray."-mahinang sambit niya at saka bumaling ulit sakin.

Hinimas niya yung pisngi niya at saka napa tsk.

"Pasalamat ka nga linigtas pa kita."-katwiran niya habang nakakunot noo.

"Tangna di na lang. Mas gugustuhin ko pang mapalo kaysa masabihan ng masamang damo."-gigil kong sambit tas ang ugok tumawa lang ito.

Mabilis namang nagsitakbuhan sina sam patungo dito.

"You're welcome pala."-tatawa pa niyang tugon habang hinihimas pa din ang sinamapal kong pisngi niya.

Bagay lang sa kaniya yan. Tangina niya.

Tss. Ano bang kinagagalit ko? Yun bang sinabi niya? Yung akala kong may ibig sabihin nun tapos dinagdagan niya pa? Argh jami! Nababaliw ka na.

"Okay lang kayo?"-hinihingal na tanong nila thara ng sa wakas ay nakadating na sila.

"Ah, yeah. Etong kaibigan niyo, tinulungan na nga sinungitan pa ako."-asar nang ugok.

Akmang tatadyakan ko na sana ng pigilan nila ako. Lalong natawa ang walangya.

"Bwisit."-sambit ko bago sila talikuran.

Kainis! Kainis! Nakakainis ang lokong yun, grrr! May araw din sakin yun!

"San ka pupunta miss?"-pigil niya sa braso ko.

Masama ang tingin kong pinukol sa kaniya ngunit ngumiti lang ito. Yung tipong di ko na makita ang mata.

Cute sana kaso naalala ko demonyo pala, tss.

"Subukan mo kong asarin, makakatikim ka ng suntok ni satanas."-asar kong tugon kaya natawa to ng mahina.

"Nasampal na nga ako eh, susuntukin mo pa ako?"-ngisi niya.

"Aish!"-gigil ko siyang inambahan nang lumayo to sakin at saka hinarap niya kaming lahat.

"We need to talk."-sambit niya at saka nagpamulsa.

"Ha? Para saan?"-takang tanong ni sam.

"About what happened. "-singit ni zack habang nakatingin kila sam.

Nangunot ang noo ko bigla.

"O...okay."-taka pa ding sang ayon nila sam.

Nagkatinginan kami at sabay na napakibit balikat.

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now